PODCAST SCRIPT:
JB - UY! PARE NABALITAAN MO BA YUNG BALITA SA SOUTH KOREA NA
NAG DECLARE ANG TAGA PAMAHALA NG BANSA NILA DAHIL SA
SITWASYON NILA NGAYON?
IAN - OO NGA PRE NAKITA KO DIN! SANA DI HUMANTONG ANG
KALAGAYAN NILA SA KALAGAYAN NG PILIPINAS DATI NA NAKASULAT SA
KASAYSAYAN NG PILIPINAS ABOUT SA PAG DECLARE NG MARTIAL SA
ATING BANSA.
JB - SANA NGA PRE, LET’S HOPE NA DI MANGYARI ANG KASAYASAYAN
NATIN SA BANSANG IYON.
IAN - SET ASIDE PARE SA BANSANG KOREA, PAG USAPAN NATING ANG
MGA PANGYAYARI SA BANSA NATIN NUNG KAPANAHONAN NI MARCOS AT
SA PAG TATAG NYA NG MARTIAL,
JB - SURE PARE, SALIKSIKAN NATIN AT GAWAN NATIN NG OPINION ANG
MGA PANGYAYARI DUN, ANO GUYS MAKINIG KAYO SAMIN A, PATAWAD IF
MAY MGA DI KAYO NAGUSTOHAN SA MGA SALITA NAMIN.
JB - idineklara ni pangulong marcos ang martial law noong Setyembre 21, 1972 ,
hanggang sa pagbagsak ng pag ka diktador nya noong 1986, maraming
nangyari na dapat nating talakayin pre. Pag usapan natin lez g!
SEGMENT 1: Ang Deklarasyon ng Martial Law
IAN
Alam mo ba pare , sinasabing ang deklarasyon ng Martial Law ni Pangulong
Ferdinand Marcos ay para daw “iligtas ang Republika” laban sa kaguluhan.*DILA
NI MALUPITON
Pero teka, ano nga ba ang nangyari bago ito ideklara?
JB
NABASA KO DIN PRE YUNG ULAT NA GANUN NGA DAW MERON PA
NGANG IBANG mga sinasabing dahilan tulad ng paglaganap ng karahasan at
umano’y banta mula sa mga makakaliwang grupo AT NPA EH . Pero PARE sa
likod nito, mayroon nang matagal na plano—halimbawa, ang “Oplan Sagittarius”
na isinapubliko ni Senador Ninoy Aquino noong Setyembre 13, 1972.
IAN
Ah KAYA NGA NO PARE PARANG MAY MGA FORESHADOWING NA
NAGANAP, kaya pala noong Mayo 1969 pa lang, pinag-aaralan na ni Marcos
ang legalidad ng Martial Law kasama si Juan Ponce Enrile at iba pang opisyal.
Grabe, napaka-TALINO NGUNIT MAY NAKATAGO NAMAN IBANG
INTENSYON KUNG IISIPIN
JB
ITO PA PARE ! noong Setyembre 22, isang insidente ang tila nagbigay daan sa
deklarasyon—ang umano’y ambush kay Enrile sa Wack-Wack. Pero may mga
nagsasabing staged daw ito.
IAN
SHEESH! PARANG SA MGA PALABAS LANG EH NO!
JB:
KAYA NGA MEDYO MAHIRAP PANIWALAAN EH, PERO ANYWAYS DUMAKO
NA TAYO SA IBANG USAPIN TUNGKOL DITO.
SEGMENT 2: Epekto ng Martial Law
JB
PARE DITO NAMAN TAYO SA EPEKTO NG MARTIAL LAW NA YAN! KUNG
IISIPIN MO PARE parang balewala ang legalidad kung ang epekto ng Martial
Law ay direktang puminsala sa mga tao.TULAD NG Nawala ang kalayaan sa
pamamahayag, nilimitahan ang mga karapatang sibil, at maraming inosente ang
naaresto, tinortyur, at nawala na lang na parang bula.
JB:
NATATANDAAN KO DIN BAGA PARE YUNG TOPIC NATIN SA RPH NUNG
NAKARAAN YUNG REPORT NINA CARLO AA YUNG MGA NAKALAGAY NA
TAO NA TINORTUR AA KUNG IIMAGINE MO AY ANG LALA AY DIGA PARE?
IAN
OO PARE AA GRABE YUN, PARANG DI MAKA TAO ANG MGA GINAWA SA
MGA YUN PRE A TOTAL HELL SHIT! GRABE.
JB
YUNG NI RUSSIAN ROULETE TAPOS YUNG BINUGBOG YUNG ANAK SA
HARAP NG TATAY BAGO PATAYIN YUNG TATAY TAPOS NAALALA MO YUNG
SINABI NI SIR YUNG PINASUKAN NG TUBO SA PRIVATE PART TAKTE,
ISIPIN MO PARE YUNG TRAUMA NA YUN. NAKAKAGALIT KUNG IISIPIN AY
IAN
OO NGA PRE SINO SINO NGA YUNG MGA YUN AY? SINA MARELA
YANAY,CRISTINA BAWAGAN, ETTA ROSALES, BOYET MIJARES, PRIMITIVO
MIJARES AT MADAMI PANG IBA PARE IILAN LANG YAN SA MGA BIKTIMA,
AT YUNG IBA NANAHIMIK LANG. SANA NASA KALAGAYAN NA NARARAPAT
YUNG MGA GUMAWA NYAN SAKANILA, JOKE.
JB
TAMA KA JAN PARE ,Ang mga “desaparecidos” o mga nawala ay simbolo ng
madilim na bahagi ng panahong iyon. Mahalaga ring banggitin NATIN YUNG
PAG NILA kontrol sa media at ekonomiya ay naipon sa kamay ng iilan.GRABE
PARANG BUONG BANSA INAKO
IAN
At hindi lang iyan, PARE. Napakahabang panahon ng Martial Law—14 na taon!
Kaya nga hanggang ngayon, marami pa rin ang nagdadala ng sugat mula sa
panahong iyon.
JB
OMSIM PARE! GRABE TALAGA
SEGMENT 3: Ang Mga Aral ng Martial Law
JB
Pero, Tonyo, may maganda rin namang naidulot ang kasaysayan na ito. Sa 1987
Konstitusyon, mas naging malinaw ang mga limitasyon ng Martial Law.
IAN
Tama! Halimbawa, kailangan nang iulat ng Pangulo sa Kongreso ang dahilan ng
Martial Law sa loob ng 48 oras, at maaaring bawiin ito ng Kongreso kung hindi
sapat ang basehan.
IAN
At higit sa lahat, ang Korte Suprema ay may kapangyarihang suriin kung legal
ang deklarasyon ng Martial Law. Isang hakbang ito upang hindi maulit ang
parehong kalabisan NG NAKARAAN.
SEGMENT 4: Reflection at Call to Action
JB
Ang tanong ngayon, PARENG IAN , natutunan na ba talaga natin ang leksyon ng
Martial Law?
IAN
WARI KO PARE NAMAN AT Iyan ang hamon, PARENG JB . Bilang
mamamayan, mahalagang magbantay, magtanong, at maging mulat. Ang
kasaysayan ay hindi para kalimutan kundi para aralin at gawing aral.
JB
OMSIM PARE ! Kaya mga GUYS, alamin ang inyong karapatan HA , alamin ang
inyong kasaysayan. Huwag na huwag tayong tumahimik sa harap ng
pang-aabuso.
CLOSING
JB
At dito nagtatapos ang AMING PODCAST NI IAN . Sana ay may natutunan kayo
sa talakayan natin tungkol sa Martial Law.
IAN
Salamat sa pakikinig, mga kaibigan! Ako si IAN CONTI.
JB
At ako naman si JB MANZANO.
SABAY TAYO :
Paalam!