SET A.
MULTIPLE CHOICE
Mga Paraan ng Pagpapahayag
1. Naratibo/Pagsasalaysay (sa pagsasalaysay ng kwento o
mahahalagang karanasan)
- sa ganitong pagsasalaysay nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng isang araw,
samantala at iba pa.
2. Sapagsusunod-sunod ng pangyayari o pagbibigay ng hakbang o proseso
sa pagsasagawa ng isang bagay.
- mahalagang masundan ng mga mambabasa o tagapakinig ang hakbang o
proseso kaya karaniwang ginagamit sa ganitong pagsalaysay ang mga salitang
una, ikalawa, ikatlo,kasunod, panghuli.
3. Sa paglalarawan
- inilalarawan ang mga katangian ng anumang isinasalaysay kaya’t karaniwang
itong gumgamit ng mga salitang ang mga katangian ay, ang anyo ay, ang itsura
ay, ang lasa ay, ang kulay ay, at iba pa.
4. Sa paghahambing
- ginagamitan ito ng mga salitang pareho sa, magkaiba sa, magkalayo ang
katangian sa, sa kabilang banda.
5. Sa paglalahad ng sanhi o dahilan
- ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na dahil sa, sapagkat, palibhasa at iba pa.
PAGBASA
• Ang Pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga
ideya sa mga nakalimbag na simbolo.
• Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga
mambabasa.
• Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante
upang mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa
teksto.
• Ayon kay Baltazar (1997), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng
kabatiran ukol sa iba’t-ibang larangan ng pamumuhay, sa katunayan, 90% sa
napag-arala ng tao mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
• Ito ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas nang pasalita.
• Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na
simbulo.
• Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbulong
nakalimbag. (Austero, [Link].., 1999)
• Ang pagbasa ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig,
pagsasalita at pagsulat. (Bernales et. Al.,2001)
PAGSULAT
• Ang Pagsulat ay isag proseso ng paglikha ng mga salita, simbolo, o mga
karakter sa papel, o iba pang mga medium
• Ito ay isang paraan ng komunikasyon at pagpapahayag ng mga ideya at
impormasyon.
• Hindi lamang naglilimita sa pagsusulat ng tula, sanaysay, o nobela.
• Ito rin ay nagpapahintulot sa atin na magsulat ng mga liham, ulat, pagsusuri, at
iba pang mga dokumento n kailangan sa iba’t-ibang larangan.
• Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbulo at ilustrasyon, ng
isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.
(Bernales, [Link], 2001)
• Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibi na ginagawa para sa iba’t-ibang
layunin. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay at mata.
Mental na aktibiti rin ito sapagkat hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa
pagsusulat. (Bernales, [Link], 2002)
• Hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pagsulat sa gawaing ito ay
nangangailangan ng puspusang mental at konsiderableng antas ng kaalamang
teknikal at pagkamalikhain.
• Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para
sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika
man. (Badayos, 2000)
• Ang pagsulat ay isang Komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong
gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan at iba pang mga elemento. (Xing at Jin
1989)
• Ang kakayahan sa pagsulat ng mabisa ay isang bagay na totoong mailap para
sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika
man. (Badayos, 2000)
• Ang pagsulat sa isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito. (Keller 1985)
• Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa
kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa. (Peck at Buckingham 1998)
Hakbang sa Pagbasa ayon kay William Gray
Persepsyon
Komprehensyon
Reaksyon
Asimilasyon/Integrasyon
Persepsyon
- Ito ay ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at maging s
pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
Komprehensyon
- Pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinapahayag ng simbulong
maklimbag na binasa.
Reaksyon
- Hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga
ng isang tekstong binasa.
Integrasyon
- Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa
kanyang dati at bagong karanasan sa tunay na buhay.
Mga Teorya sa Pagbasa
Ang Teorya sa Pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga
proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng
pagbasa at ang pag-unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985)
PANANAW O TEORYA SA PAGBASA
Teoryang Bottom-Up
Teoryang Top-Down
Teoryang Interaktib
Teoryang Iskima
Teoryang Bottom – Up
- Ang proseso ng pag-unawa, ayon sa teoryang ito ay nagsisimula sa teksto
(bottom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga ito tinawag na bottom-up.
- Ayon kay Smith (1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa
kundi sa Teksto.
Teoryang Top-Down
- Napatunayan na maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula
sa teksto kundi sa mambabasa (top) tungo sa teksto (down).
Teoryang Interaktib
- Nagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng awtor – mambabasa – awtor.
- Pinagsamang bottom – up at top – down.
Teoryang Interaktib
- Kailangang magkaroon ng interaksyon ang awtor at mambabasang teksto dahil
ito ng magiging tulay upang matugunan ang konsepto ng interaktibong proseso
ng pagbasa.
Teoryang Iskima
- May taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.
- Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati
nang iskima.
- Hindi teksto ang iniikotan ng proseso ng pagbabasa, kundi ang tekstong
nabubuo sa isipan ng mambabasa.
DIMENSYON SA PAGBASA
Pag-unawang literal
- Nakapaloob rito ang pagkilala sa mga ideya o kaisipang isinasaad sa tekstong
binabasa at maaaring sabihin sa sariling pangungusap ang naging pagkaunawa
sa nilalaman ng teksto.
Pagbibigay Interpretasyon
- Naibibigay sa antas na ito ang paghihinuha kaugnay sa mga ideyang natagpuan
sa pagbabasa maging ang paglalahad sa ilang kaisipan na hindi malinaw na
binanggit sa teksto.
Mapanuri o kritikal na Pagbasa
- Nakapaloob sa antas na ito ang malalim na pagsusuri sa ideya o impormasyon
ng binasang teksto kung saan maaaring ibigay ang kapasyahan kung ang
inilahad ng teksto ay makatotohanan o kathang-isip lamang at iba pa.
Pag-Unawang Integratibo
- Inilalapat ng mambabasa ang mga kaisipang nakuha sa pagbabasa. Inuugnay
niya ito sa mga kaisipang hango sa teksto sa mga tunay na karanasan sa buhay.
REJISTER
Rejister
- tinatawag ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o
teknikal na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang larangan o
disiplina.
- Wikang ginagamit sa isang particular na domeyn na may tiyak na
pagpapakahulugan
Isang baryasyon ng wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o
gumagamit ng wika
- Mas madalas nakikita/nagagamit sa isang partikulas na disiplina.
TEKSTONG EXPOSITORI
Enumerasyon o paglilista ng mga detalye
- Karaniwang iniisa-isa o inililista ang mga kaisipang nais buuin sa teksto sa
pamamagitan ng kronolohikal na ayos. Isinasaayos ang tiyak na detalye mula sa
umpisa hanggang sa katapusan.
Depinisyon
- Ginagamit ang uring ito kapag nais na palawakin o bigyan ng iba pang
pagpapakahulugan ang isang paksa. Mainam na pagkunan ng kahulugan ng
isang salita ang diksyunaryo subalit may ibang salita na maaaring bigyan ng
pagpapakahulugan, sang-ayon sa konteksto ng paksang nais palawakin.
(Order) sekwensyal
- Ginagamit ang uring ito kapag nais na palawakin o bigyan ng iba pang
pagpapakahulugan ang isang paksa. Mainam na pagkunan ng kahulugan ng
isang salita ang diksyunaryo subalit may ibang salita na maaaring bigyan ng
pagpapakahulugan, sang-ayon sa konteksto ng paksang nais palawakin.
Kronolohikal NA KAAYUSAN
- Dito nakapaloob ang serye ng mga pangyayari na patungo sa konklusyon.
Makikita sa dayagram ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Prosejural
- Dito maingat na ipinapakita ang mga hakbang upang magawa ang isang
proseso. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na “paano” sa tekstong ito,
Kailangan maayos na naipakita ang mga hakbang na gagawin upang
masigurong tukma ang paggawa ng isang bagay o gampanin. Kasama rin dito
ang pagbibigay ng direksyon o tuntunin.
Paghahambing at pagkokontrast
- Dito'y ipinapaliwanag ang magkakatulad na katangian ng dalawa o higit pang
bagay,tao,ideya at iba pa. Ang kabaligtaran naman nito ang ginagawa sa
pagkokontrast kung saan ang kaibahan ng dalawang bagay ay ipinaliliwanag.
Problema at solusyon
- Sa tekstong ito, maaaring maglahad ng isang problema ang awtor at
nagmumungkahi naman ito ng isa o higit pang solusyon sa nasabing problema.
Sanhi at bunga
- Ang Sanhi ay tumutukoy sa dahilan o nagiging ugat ng problema samantalang
ang bunga ay ang resulta o kinalabasan nito.
PAGBABALANGKAS
Ano ang Pagbabalangkas?
- Bawat sulatin ay kailangang idaan sa proseso upang makabuo ng masining at
epektibo na sulatin.
Pagbabalangkas
- ay isang paraan ng pagsasaayos ng mga ideyang nakalap mula sa inisyal na
paghahanap ng mga datos. ( Atienza, et, al)
- ay isang Sistema ng maayos na paghahati-hati sa kaisipan ayon sa lohikal na
pagkakasunod-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsulat.(Arrogante, 1992)
Hakbang sa Paghahanda sa Pagsulat
1. Suriin ang Sarili
2. isulat ang lahat ng paksang maisip at mula rito ay hugutin ang isa na lubos na nakakatawag ng
iyong pansin.
3. Maraming bagay sa paligid ang maaaring pagkunan ng paksang maaaring magamit sa
pagsulat. Magsimula sa panlahat na paksa gaya ng tao, lugar, pangyayari, uso, kontrobersya,
kaunlaran at iba pa.
4. Kapag nakapili na ng isang tiyak na paksa, halimbawa, sa “tao” ang pangalang iyong napili ay
Angel Locsin, itala ang isang tiyak na pahayag na nauukol sa kanya.
5. Kung wala pa ring maisip na paksa mula sa nailahad na pamamaraan sa unahan, maaaring
gamitin ang internet, pelikula, magasin at iba pa.
6. Kapag nakapili na ng paksang nais talakayin,alamin pagkatapos kung ito ba’y may sapat na
datos na maaaring pagkunan upang magsilbing katibayan.
7. Maaaring gawing gabay ang mga tanong na “sino”, “ano”, “bakit” at “paano” upang masimulan
ang pagsulat sa paksa.
8. Limitahan ang Paksa.
Sa Pangkalahatan, maaaring sundin ang sumusunod na mga hakbang sa pagsulat:
1. Bigyan ng prayoridad ang mga paksang napapanahon at pasok sa uso.
2. Kailangang tiyak mo ang mga suliranin sa paksa na iyong tututukan, ang saklaw at limitasyon
nito.
3. Mahalaga na may mabuo ng mga pamamaraan kung paano hahagilapin ang mga datos.
4. Itala na agad ang nakuhang Bibliyograpiya.
5. Sipiin ang esensyal na mga Impormasyon kaugnay sa paksa.
6. Gawan ng balangkas ang naturang paksa upang may gabay kang masusundan.
7. Isulat ang unang burador
8. Ayusin ang dapat ayusin ayon sa nabuong kaisipan mula sa Burador.
SET B
LOHIKAL NA PANGANGATWIRAN
2 KATEGORYA
a. Pangatwirang Pabuod
- ay nagsisimula sa maliit na halimbawa o kaya’y sa mga partikular na bagay at
katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na tuntunin, kaisipan, o konsepto.
Maari itong magawa sa pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi sa pangyayari,
pagtutulad at paggamit ng mga katibayan.
b. Pasaklaw na Pangangatwiran
- ito ay nagsisimula sa panlahat na tuntunin, konsepto o ideya na sinusundan ng
mga particular na bagay na sumusuporta o nagpapatoo sa inilahad sa una.
Ang mga ganitong pangangatwiran ay gumagamit ng Silohismo tulad ng mga
sumusunod;
a. Tiyakang Silohismo
Pangunahing Premis: Lahat ng Katoliko ay Kristiyano.
Pangalawang Premis: Si Juan ay Katoliko.
Konklusyon: Si Juan ay Kristiyano.
b. Kondisyunal na Silohismo
Pangunahing Premis: Kung si Juan ay isang mabuting Kristiyano, siya ay
pupunta sa langit.
Pangalawang Premis: Si Juan ay isang mabuting Kristiyano.
Konklusyon: Si Juan ay pupunta sa langit.
c. Pasakaling Silohismo
Pangunahing Premis: Kung masama kang Kristiyano, hindi ka makakarating sa
langit.
Pangalawang Premis: Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano.
Makakarating si Pedro sa langit.
Konklusyon: Makakarating si Pedro sa langit.
d. May Pamiliang Silohismo
Pangunahing Premis: Alin sa dalawa, si Joe ay Kristiyano o Muslim.
Pangalawang Premis: Si Jose ay hindi Muslim.
Konklusyon: Si Jose at Kristiyano.
PALASI NA PANGANGATWIRAN
Argumentum ad Ignorantiam
- Nagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi napatunayan o kaya’y totoo ang
anumang hindi napapasinungalingan.
Non-sequitur
- Paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does
not follow the premise.
Ignorantio elechi
- Pagpapatotoo sa isang kongklusyong hindi nama siyang dapat patotohanan.
Maling Paglalahat
- Pagbatay ng isang kongklusyon sa isa o ilang limitadong premis.
Maling Analohiya
- Paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon.
Maling Saligan
- Paggamit ng maling batayan na humahantong sa maling kongklusyon.
Maling Awtoridad
- Paggamit ng tao o sanginihang walang kinalaman sa isang paksa.
Dilemma
- Pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na para bang wala nang iba [ang
alternib.
Mapanlinlang na tanong
- Paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay ng isang tao
sa kahiya-hiyang sitwasyon.
BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL
Rasyonal
- ang dahilan sa pagpili sa paksang pag-aaralan ang nakapaloob sa bahaging ito.
Tinatalakay na rin dito ang magiging esensya ng pag-aaral sa mga tao, grupo, o
institusyong pinatutungkulan nito.
Layunin
- dito nakatala ang mga hangarin ng mananaliksik sa pagsasagawa ng isang
partikular na pag-aaral.
Metodolohiya
- inilalahad sa bahaging ito ang mga pamamaraan sa pangangalap ng datos o
kung paano bubuuin ang isang pag-aaral.
Inaasahang bunga
- ilalahad sa bahaging ito ang mga inaasahang resulta sa pananaliksik.
Pagbabalangkas
- upang magabayan ang mananaliksik sa binubuong paksa na nais pag-aralan,
importanteng buuin na niya sa umpisa pa lamang ang balangkas na magsisilbing
gabay niya sa kanyang gagawin. Dito kasi nakapaloob ang magiging daloy ng
kanyang pag-aaral mula sa umpisa hanggang sa katapusan.
KONSIDERASYON SA PANGANGALAP NG
DATOS
Direktang SIPI
- direktang kinokopya ang mga pahayag, ideya, saloobin o pananaw ng isang awtor
mula sa aklat kaya ito ay nilalagyan ng panipi.
Sipnosis (buod)
- pinaikli sa sariling pananalita ng mananaliksik nang walang bawas o dagdag sa
orihinal na diwa. Walang Isasamang sariling panaanaw, hindi ito pwedeng maging
sariling akda.
Presi
- Ito'y isang anyo ng paglalagom o pagpapaikli sa orihinal na teksto na malaman,
malinaw, at nagpapaliwanag sa orihinal na diwa nito. Katulad din ito ng sinopsis na
hindi pinapasukan ng sariling pananaw.
Parapreys
- layunin nitong bigyan ng paglilinaw ang sinasabi ng isang pahayag upang lalong
maunawaan.
Abstrak
- layunin nito ang mabigyan ng impormasyon ang mambabasa na hindi na kailangan
pang basahin ang kabuuang teksto kung kaya dapat na mailarawan nang pabuod ang
kabuuan ng paksa.
Sintesis
- ito ay ang pagsasama-sama ng iba't ibang ideya o impormasyon para makabuo ng
bagong kaalaman.