0% found this document useful (0 votes)
35 views43 pages

Isang Pagsusuring Papel Sa Good Samaritan Colleges Bilang Katugunan Sa Pangangailangan Sa Asignaturang Filipino 101 - Mga Isyu Sa Wikang Filipino

Ang dokumentong ito ay isang pagsusuri sa epekto ng makabagong teknolohiya ng wika sa pag-aaral ng mga estudyanteng Medical Technology sa Good Samaritan Colleges. Tinutukoy nito ang mga benepisyo at hamon ng paggamit ng teknolohiya sa edukasyon, kasama na ang mga positibong epekto tulad ng mas madaling pag-access sa impormasyon at mga negatibong epekto tulad ng pagka-adik sa social media. Ang layunin ng pag-aaral ay upang mas maunawaan ang impluwensya ng teknolohiya sa pag-aaral at pag-unlad ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.

Uploaded by

keythlynfaithb
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Topics covered

  • collaborative learning,
  • educational challenges,
  • student discipline,
  • social media,
  • technology drawbacks,
  • technology benefits,
  • e-learning,
  • learning tools,
  • learning environments,
  • data collection
0% found this document useful (0 votes)
35 views43 pages

Isang Pagsusuring Papel Sa Good Samaritan Colleges Bilang Katugunan Sa Pangangailangan Sa Asignaturang Filipino 101 - Mga Isyu Sa Wikang Filipino

Ang dokumentong ito ay isang pagsusuri sa epekto ng makabagong teknolohiya ng wika sa pag-aaral ng mga estudyanteng Medical Technology sa Good Samaritan Colleges. Tinutukoy nito ang mga benepisyo at hamon ng paggamit ng teknolohiya sa edukasyon, kasama na ang mga positibong epekto tulad ng mas madaling pag-access sa impormasyon at mga negatibong epekto tulad ng pagka-adik sa social media. Ang layunin ng pag-aaral ay upang mas maunawaan ang impluwensya ng teknolohiya sa pag-aaral at pag-unlad ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.

Uploaded by

keythlynfaithb
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Topics covered

  • collaborative learning,
  • educational challenges,
  • student discipline,
  • social media,
  • technology drawbacks,
  • technology benefits,
  • e-learning,
  • learning tools,
  • learning environments,
  • data collection

“Epekto ng makabagong teknolohiya ng wika sa pag-aaral ng mga Medical Technology student

ng Good Samaritan Colleges”

Nina:
Aquino, Ron Oliver M.
Catolico, Daryl Jaze A.
Carpio, Alicia Gwynette
Garcia, Mikaela Xandrie C.
Lucena, Leah V.
Reyes, Ma. Clarissa

Isang Pagsusuring Papel sa Good Samaritan Colleges Bilang Katugunan sa


Pangangailangan sa Asignaturang Filipino 101 – Mga Isyu sa Wikang Filipino

Mayo 2025
PAGPAPATIBAY

Ang Pagsusuring Papel na ito ay pinamagatang “Epekto ng makabagong teknolohiya ng wika sa


pag-aaral ng mga Medical Technology student ng Good Samaritan Colleges” ay inihanda nina
Aquino, Ron Oliver, Catolico, Daryl Jaze, Carpio, Alicia, Garcia, Mikaela, Lucena, Leah, at
Reyes, Ma. Clarissa, bilang katugunan sa pangangailangan sa asignaturang Filipino 101 – Mga
Isyu sa Wikang Filipino ay pinag-aralan at nangalap ng datos na makakatulong sa pagsusuring
papel.

Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng mga pangangailangan para sa Filipino 101 –

Mga Isyu sa Wikang Filipino.

Ang pasulat at pasalitang pagsusulit ay kinuha at ipinasa noong Mayo ____, 2025 na may

markang _____.

G. Aivan F. Dela cruz


Guro sa Filipino

ii
PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat sa mga magulang namin na sina G. Ronald Aquino at Gng.

Oliva Aquino, G. Reynold Catolico at Gng. Rochelle Catolico, G. Ronaldo Carpio at Gng.

Lorena Carpio, G. Rodolfo Garcia at Gng. Judith Garcia, G. Valentino Lucena at Gng.

Rechelle Lucena, G. Wilfredo Reyes at Gng. Ruby Reyes. Sa mga magulang na tumulong at

umintindi samin sa mga panahong abala kami sa paggawa ng pag-aaral na ito at sa pagbibigay ng

moral na suporta, pagmamahal at inspirasyon sa amin.

Sa lahat ng mga estudyanteng Medtech ng Good Samaritan Colleges, isang pasasalamat

dahil sa inyong pakikiisa sa sagutan na talatanungan ng aming pananaliksik.

Kay G. Aivan F. Dela cruz, ang aming minamahal na guro at tagapayo sa asignaturang

Filipino, ipinaabot po namin ang aming pasasalamat dahil sa inyong walang sawang pagsuporta,

pagtulong, at pag-unawa samin habang isinasagawa namin ang aming pananaliksik at lalong lalo

na sa pagbabahagi ng inyong mga kaalaman ukol dito.

Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa aming grupo ng determinasyon upang maisagawa

at maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na aming nagamit sa aming

pananaliksik. Sa pagdinig sa aming mga panalangin lalung-lalo na po sa mga panahong kami ay

pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa takdang panahon.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat.

Mga Mananaliksik
iii

NILALAMAN

PAHINA

PAMAGAT i

PAGPAPATIBAY ii

PASASALAMAT iii

NILALAMAN iv

APENDISE v

INTRODUKSYON 1

PAGLALAHAD NG SULIRANIN 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAAL 3

MGA KATANUNGAN 4

PAGKOLEKTA NG DATOS 5

RESULTA AT DISKUSYON 6

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON 7

BIBLIOGRAPI 8
INTRODUKSYON

Sa panahon ngayun ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ay isang

mahalagang paksa na para sa mga kabataan. Sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya,

mahalagang suriin kung paano nakakaapekto ang teknolohiya sa pag-aaral ng mga kabataan. Sa

pamamagitan ng pagsusuri ng epekto ng teknolohiya sa ating pag-aaral, maipapakita o

maipaglalaban natin kung paano makakatulong o magiging balakid sa pag-unlad ng mga

kabataan. Ang teknolohiya ay makikita sa lahat ng aspeto ng buhay. Maaaring ang teknolohiya

ay tumutukoy sa kagamitan na ginamit o ginawa upang gawing mas madali ang buhay para sa

mga tao.

Ayon kay D. Chandler (2000) ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa

sosyaliadad. Sinabi niya na ang pakikipagkomunikasiyon gamit ang teknolohiya ay isa sa mga

makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit ito ay nakakapagpababa

din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang kanyang personal na

pakikipagkomunikasyon sa kapwa.

Ang paggamit ng teknolohiya ay masasabing komon na lalo na sa mga kabataan katulad

ng mga mag-aaral sa Good Samaritan Colleges. Maaaring gamitin ng mga mag-aaral ang

kanilang selpon hanggat hindi ito nakakagambala at hindi nakakaapekto sa kanilang pag-aaral

dahil kadalasan ang teknolohiya ay naghahatid ng masasamang impluwensiya at distraksiyon sa

mga mag-aaral. Sa kabilang dako, sa paggamit ng teknolohiya mas natututo ang mga mag-aaral
upang gamitin ito sa tama at nagagamit ito upang makaresulba ng isang problema. Ang problema

lang, may mga mag-aaral parin talaga na hindi alam ang kanilang limitasyon sa paggamit nito.

Ayon kay Emil Albert V. Bertillon na nagsulat ng librong Ang Epekto ng Teknolohiya sa

Pag-uugali ng mga Mag-aaral, tungkulin ng mga kabataan ang mag- aral. Kapag ang kabataan ay

na pagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang

maaaring gawin nila. Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy

ang kanilang pag-aaral. Sa kabilang banda, maaari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng

kanilang "kaibigan" at "kaagapay" sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon, at ito ay ang

teknolohiya. Sa tanang kasaysayan ng edukasyon ay malaki na ang naiambag ng teknolohiya. Sa

katunayan, ang teknolohiya ang isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay

naging madali, mabilis, at mabisa. Kung kaya nama't napakaraming mag-aaral ang sumasangguni

sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.


1

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Mahalaga ang paglalahad ng suliranin na ito sa mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga makabagong teknolohiya na makakatulong sa pag-aaral?

2. Ano ang posibleng epekto nito sa pag-aaral?

3. Ano-ano ang pwedeng maging benipisyo ng mga mag-aaral na Medical Technology sa

pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino?

4. Bakit kaylangan gamitan ng teknolohiya ang pag-aaral ng Medical Technology?

5. Bakit nakakaapekto ang wikang Filipino sa pag-aaral ng Medical Technology sa larangan ng

medesina?

6. Paano makakatulong ang makabagong teknolohiya sa pag-aaral?


2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAAL

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura at mga

kaugnay na pag-aaral na may pagkakahawig sa kasalukuyang pananaliksik.

Sa pag-usbong ng nagbabagong panahon maraming pangyayari at pagbabago ang

nagaganap. Sa kasalukuyan tayo ay nabibilang sa Generation Z. Sa pagdaan ng maraming

henerasyon marami ang nagbago dahil sa pag-unlad ng ating lipunan o ang tinatawag nating

modernisasyon. Kasabay ng pag-unlad na ito ay marami rin ang pagbabago na ating nararanasan

sa maraming aspeto ng ating pamumuhay lalong-lalo na sa larangan ng edukasyon. Ang ating

mga nakasanayang paraan ng pagtuturo ay unti-unting nagbago dahil na rin sa impluwensiya ng

teknolohiya sa makabagong panahon. Sa araw-araw nating pagtuturo kalimitang ginagamit natin

ang teknolohiya sa pagtuturo upang maipahayag natin ng maayos ang nilalaman ng aralin sa mga

mag-aaral. Ayon sa isang pananaliksik, higit na nakakatulong ang paggamit ng mga bidyo at

digital na pag-uulat upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang mga aralin (Willmot,

Bramhall & Radley, 2012).

Sa pag-aaral ni S. Wilson, sa kanyang artikulo na The Influence of Technology on College

Students sinasabi niya na ang kailangan ng tao sa paggamit ng teknolohiya ay ang disiplina. Ang

bawat henerasyon ay may ibat-ibang disiplina batay na rin sa kanilang kinagisnan na komunidad.

Ayon kina Coomes at Debard (2004) ay nagsabi na Ang kasaysayan at kultura ay may malaking
bahagi sa pagbuo ng paniniwala at kaugalian ng isang katauhan. Sa paglipas ng panahon,

nagiging iba na ang pag-uugali ng tao kaysa noon na wala pa ng impluwensya ng gadyets.

Ayon kina Coomes and Debard (2004), at Howe at Strauss (2003), sinasabi nila na ang

disiplina ng tao ay ang pinaghalong environmental factor at social factor kagaya ng

impluwensya ng pamilya, ng Media, ng relihiyon, ng mga kaibigan, ng pag-aaral at ng politika.

Ang disiplina ay mahalaga para sa mga mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo kung paano sila

makitungo sa kanilang kapaligiran. Ngayon, ang mga mag- aaral ng kolehiyo ay mayroon ng

makabagong teknolohiya gaya ng cellphones, Ipod, Mp3 players, at online social networks gaya

ng facebook, twitter, instagram. Ang mga napapanood naman nila sa telebisyon at mga laro sa

kompyuter ay maaaring makapag pabago sa uri ng kanilang pag-iisip. Ang mga ito ay may

malaking impluwensya sa academic performance nila sa loob ng klase. (Howe, Markiewicz at

Strauss, 2008).

Ang pag-unlad sa pag-aaral ngayon ay mabilis dahil sa makabagong teknolohiya at

gadyets. Nakatulong ang gadyets sa lipunan sa lahat ng antas kabilang ang mga institusyon,

mga interpersonal na pakikipag-ugnayan at maging ang indibidwal. Ito ay patuloy na

umuusbong linggid sa kontrol at kaalaman ng tao at nagbabago sa ilalim ng sarili nitong

momentum at walang taros na humuhubog sa lipunan (D. Chandler, 2000).

Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay may pakinabang

para sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Malaki ang naidudulot nito para sa

pagpapadali ng pag-aaral at maging isang epektibong mamamayan at sa mga estudyante (M.


Underwood, 2009). Posible nga ba para sa isang kabataan at mag-aaral ang buhay na

walang computer, mobile phones (para sa pakikipag text), at iba pang makabagong gadyets?

Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri ng pamumuhay gamit ang

makabagong gadyets. Ang bagong henerasyon ng estudyante ngayon ay gusto ng

pagbabago, Gaya ng pagbabago sa paraan ng pag-aaral nila sa panahon ngayon, mas gusto nila

ang madali at komportable na walang anumang iniisip na problema. Para sa kanila ang

pinaka magandang pagbabago ngayon ay ang makabagong teknolohiya at gadyets. (S.

Kumar, S. Raghav, 2007)

Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na isa sa paniniwala ng mga estudyante na ang

pag-aaral ay isang pag-aaksaya lamang ng kanilang oras, kung kaya’t ang iba sa kanila ay mas

pinipili nalang na gumamit ng gadyets at ubusin ang oras sa mga walang kwenta bagay. Ayon sa

pag-aaral ni Sadler (2007) kadalasan maririnig natin sa mga mag-aaral ngayon na sinasabi kung

gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga aralin at kung gaano sila kaaga gumising para pumasok.

Sinasabi nila ito upang maipagmalaki sa iba kung ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral

ngayon ay kayang pagsabayin ang pagtetext at pag-aaral, iba na talaga ang mga kaugalian ng

mga estudyante ngayon. Wala na silang sapat na disiplina sa paggamit ng kanilang oras at kung

paano ito mawawaldas nang may katuturan.

Ang makabagong teknolohiya ay nagdudulot ng positibong epekto sa edukasyon ng mga

kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas interactive at engaging na paraan ng pagtuturo.

Ito ay nagbibigay ng mas maraming pagkakataon sa mga mag-aaral na ma-access ang iba't ibang
educational resources online tulad ng e-books, educational videos, at interactive learning

modules. Bukod dito, ang paggamit ng teknolohiya sa edukasyon ay nagpapalawak sa kaalaman

ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng real-time access sa information at iba't ibang learning tools

na maaring gamitin nila upang maunawaan at maging interesado sa kanilang mga aralin. Sa

ganitong paraan, ang makabagong teknolohiya ay nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na

mas mapalawak ang kanilang kaalaman at maging handa sa digital age.

Ngunit sa kabila ng mga positibong epekto nito ay mayroon din mga negatibong epekto.

Ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa edukasyon ng mga kabataan ay maaaring

magdulot ng negatibong epekto tulad ng pagiging adik sa social media at online games na

maaaring magdulot ng pagkahumaling at kakulangan sa oras para sa pag-aaral. Bukod dito,

maaari ring magdulot ng pagkasira ng social skills dahil sa kakulangan ng face-to-face na

pakikipag-ugnayan sa kapwa tao. Ang labis na paggamit ng teknolohiya tulad ng mga cellphone

at computer ay maaaring magdulot ng eye strain at iba pang mga problema sa kalusugan.

Gayundin, ang mapaminsalang content na maaaring mapanood o mabasa online ay maaaring

magdulot ng negatibong impluwensya sa mga kabataan at maaaring humantong sa hindi tamang

pag-unlad ng kanilang pag-iisip at pag-uugali.

Malaking tulong sa mga guro at mag-aaral ang makabagong teknolohiya basta huwag

lang aabusuhin at laging pairalin ang disiplina sa sarili. Gamitin ang makabagong teknolohiya sa

tamang paraan na magiging gabay sa pagpapaunlad ng kaisipan na makatutulong ng malaki sa

pag-aaral at pagtuturo. Lagi ring tatandaan na ang lahat ang sobra ay nakasasama at nagsisilbing
lason na siyang nagiging hadlang sa pagtupad sa mithiing makapagtapos ng pag-aaral ng isang

mag-aaral. (Hermosa 2012)

Ayon kay Julia Klaus (2017) ang mga guro ng silid-aralan ay paggamit ng teknolohiya sa

loob ng klase nang mas madalas kaysa dati. Ayon sa National School Boards Association,

magsagawa ng mga mag-aaral na malantad sa isang mataas na dami ng teknolohiya pati na rin

ang inaasahang sa pagsusulit, gayunman teknolohiya posibleng magagawa ng mga estudyante

ang isang guro kung ginagamit na di-angkop. Pagtuturo gamit ang teknolohiya, dapat malaman

ng mga potensyal na sagabal na maidudulot ng teknolohiya sa proseso ng pagkatuto ang guro.

Ang ilang negatibong epekto ng teknolohiya sa ngayon silid-aralan ay na maaari itong tumagal

ng layo ng pag-aaral ng mahahalagang panahon, maaari itong maging gasgas, at malalapitan din

ito ng mga pang-edukasyon na mga karanasan sa laro para sa mga estudyante.

Ayon kay Danielle Restuccia (2017) Ang resulta ay nasa: Kung paanong ang teknolohiya

ay nakakaapekto sa estudyante ang pagkatuto maraming sa atin alintana ng teknolohiya, na

inaabuso ang isang tablet na isulat ang isang mabilis na email o bunot ng smartphone para

hanapin ang mga direksyon sa pagmamaneho. Kahit sa loob ng klase, ang teknolohiya ay mas

karaniwang: maraming mga kuwarto ay may LED prodyektors at dokumentong camera, at

bigyan ng lumalaking bilang ng mga paaralan ang guro ang opsyon na ito ng isang MATALINO

na lupon o estudyante ang personal na mga kagamitan. May push upang makakuha ng mga

computer sa mga silid-aralan, makabubuting itigil para sa isang sandali at masuri ang mga epekto

ng mga teknolohiyang ito. Tiyak may mga downsides, tulad ng mga posibleng mas maikling
pansin sumasaklaw at isang malaking tumaas ang pananakot ng cyber. Sa kabilang banda, kung

titingnan natin sa akademikong larangan, mga estudyante ay gumagawa ng mga nadagdag dahil

sa mga computer at mga mobile device. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pangunahing

bentahe na binabahagi ng teknolohiya sa mga mag-aaral ng ika-21 siglo.

Ayon kay Ahmad Ali (2017) ang epekto ng teknolohiya sa ating kapaligiran ay malinaw

at mahalaga. Ating kapaligiran ay undergone isang kumpletong pagbabago sa ilalim ng

teknolohiya. Lahat ng bagay na may kaugnayan sa pag-aaral ay pagpunta sa maging electronic.

Natin gamitin ang maraming uri ng gadget sa theclass din tulad ng sa ating mga tahanan upang

tumulong sa atin sa pag-aaral ng anumang paksa. Nagawa ng teknolohiya ang mga thelearning

madali at kawili-wili. Kompyuter ay may mahalagang papel sa ang buong sitwasyon. May mga

software upang gumawa ng tunay na mundo na halos na karanasan. Tayo ay may mga

matematiko, biyolohikal, at bawat larangan ng kaugnay na software na umuunlad mabilis at

madali. Ang Internet ay naglalaan sa atin impormasyon mabilis at ayon sa paksa. Ang epekto ng

teknolohiya sa buhay ng mga estudyante ay malawak na. Kanilang pag-aaral ay naging layunin

na nakatuon sa iba't ibang pasilidad upang tulungan silang makita ang nais na impormasyon sa

oras. Ang teknolohiya ay may idinagdag na masayang elemento ng karunungan. Isa pang kamay,

ang pasilidad at assistant, teknolohiya ay may mga ilang negatibong epekto sa kapaligiran.

Espesyal, isipan ng mga estudyante ay nababahala sa mga elemento ng media at iba pang

negatibong panig ng kaligayahan na ito. Ang kapaligiran ay may magandang kinabukasan kung

ang bilis ng pag-unlad ay patuloy pa rin.


Ayon kay Bertilo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag ng

teknolohiya. Sa katunayan, itoy isa sa mga pagunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay

nagiging madali, at mabisa kung kaya naman napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa

teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Kung titingnan ang pag-unlad ng sektor ng edukasyon,

malaki ang pag-unlad nito kumpara sa dati nitong imahe. May pagkakataon na ngayon ang mga

guro na gawing mas interactive ang kanilang mga aralin. Marami ng online na mapagkukunan na

magagamit ng mga guro sa kanilang mga silid-aralan. Kabilang sa mga ito ang tinatawag ding

"interactive activities" na makikita sa iba't ibang website (Teachmint, 2022).

Ayon naman Journal ni Mc Lester Acurin (2016) patungkol sa "Epekto ng paggagmit ng

makabagong teknolohiya sa pag-aaral sa ikatlong taon", para sa mga mag-aaral, nakatutulong ito

ng malaki sa kanilang buhay sa eskwelahan, maging sa larangan ng akademiko o sa larangan ng

libangan. Lumalabas na ito ay nakatutulong sa paggawa at pagpapadali ng mga takdang aralin ng

mga mag-aaral. Nakatutulong din ito sa mga mag-aaral sa paggawa ng kanilang mga prouyekto.

Ang resultang ito ay nagpapaliwanag lamang na ang mga makabagong teknolohiya ay

nakakabuti at nakatutulong kung gagamitin sa tamang disiplina. Ang mga mag-aaral ay sabik at

handa sa pagpasok, sinadi din ng mga mag-aaral na ang paggamit ng PowerPoint and Microsoft

Word ay nakakatulong sa kanilang pagbuo ng pag-aaral, dagdag pa nito ay dahil sa makabagong

teknolohiya ay tumataas ang kanilang mga marka.

Ayon kay (Cruz, 2008), Ang teknolohiya ay ginagamit sa pagbuo ng mga kagamitan,

makina, kasangkapan na siyang makakatulong sa paglutas ng mga suliranin na nagaganap sa


panahong ito. Karagdagan, ayon kay Paciencia O. Roque (2015), ang teknolohiya ay sumusulong

dahil sa pagiging malikhaan ng mga taga imbento na siyang ginagamit na rin sa pang araw-araw

sa anumang larangan kabilang na rito ang larangan ng edukasyon.

Ayon sa Journal ni Bai-Rhema S. Marmay (2016) na pinamagatang "Teknolohiya, tulong

sa Edukasyon", isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang

mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Maraming imbensyon ng makabagong teknolohiya ang

nagagamit na sa panahon ngayon. Ito ay nagsilbing mahalang instrumento sa pagkatuto ng mga

mag-aaral. Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo.

Halimbawa na lamang nito ay ang unang praktikal na teleskopyo noong ika-17 na siglo. Ito ay

nagsilbing mahalagang instrumento sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay ang

makinalya na nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas

napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang

kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo. Iba't

ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong asignatura o

paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng

prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may

kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng

mga tagapagturo.

Ayon naman sa artikulong isinulat ni Krista Garcia sa Rappler.com noong 2018, ang

teknolohiya ay palaging gumaganap ng isang papel sa pagbibigay ng mga mag-aaral ng


napapanahong mga kasanayan at napapanahong mga ideya at pagtuklas. Ngunit ngayon, nakikita

natin ang mga inobasyon na hinahamon maging ang mismong pagkakaroon ng apat na pader na

silid-aralan at mga ratio ng guro-mag-aaral. Dagdag pa nya na ang lahat ng ito ay

mapapakinabangan ng mga mag-aaral ngayon at bukas, dahil ang pag-aaral ay nagiging mas

mura, mas mabilis, at mas madaling ma-access. Sa edukasyon, ang paggamit ng teknolohiya, ay

mas napapabilis at nagiging organisado ang mga gawaing akademiko. Katulad ng paglikom ng

mga impormasyon para sa kanilang takdang-aralin, research work, proyekto, pag-uulat at iba pa.

Ito'y nakakatulong lalo na sa mga mag-aaral na nangangailangan ng kalidad na edukasyon.

Ngunit, atin dapat isaalang alang ang paggamit nito nang wasto at naayon upang tiyak na hindi

maabuso ang pagkakaroon ng teknolohiya na nagiimpluwensya sa akademikong tagumpay ng

mga mag-aaral.

Napapatunayang ang sistema ng edukasyon ngayon ay mas napapabilis at mas nagiging

epektibo dahil sa tulog ng teknolohiya. Maraming pag-aaral ang nagsasabing malaking bahagi

ang ginagampanan ng teknolohiya sa pag abot ng tagumpay ng mga estudyante sa larangan ng

akademiko. Sa pangkalahatan, ang teknolohiya ay tunay nga'ng napaka maimpluwensiya.

(Navarro, 2019)

Ayon sa pag-aaral nina O’Byrne et al. (2020), ang paggamit ng virtual laboratory

simulations ay isang epektibong alternatibo sa tradisyunal na laboratory activities para sa mga

estudyanteng kumukuha ng kursong Medical Technology. Sa pamamagitan ng mga computer-

based simulations, natututo ang mga estudyante ng tamang laboratory techniques at procedures
kahit hindi pisikal na nasa loob ng laboratoryo. Lumalabas sa kanilang pananaliksik na ang mga

estudyanteng gumamit ng simulations ay nagpakita ng mas mataas na retention ng kaalaman at

kumpiyansa sa aktwal na laboratory setting. Dahil dito, ang makabagong teknolohiyang ito ay

naging mahalagang bahagi ng modernong sistema ng edukasyon sa larangan ng MedTech. Batay

sa lokal na pananaliksik nina Santos at Cruz (2021), malaki ang naging epekto ng e-learning

platforms tulad ng Moodle, Google Classroom, at Canvas sa pag-aaral ng mga estudyante sa

larangan ng Allied Health Sciences, partikular sa Medical Technology. Itinuturing ng mga

estudyante ang mga platapormang ito bilang mabisang daluyan ng impormasyon, dahil sa

kakayahan nitong magbigay ng madaling access sa mga lektura, laboratory guides, at assessment

tools. Bukod pa rito, pinadadali rin nito ang komunikasyon sa pagitan ng guro at estudyante, na

nagiging dahilan ng mas sistematikong pagkatuto. Sa kabuuan, ang paggamit ng e-learning ay

nagdulot ng positibong pagbabago sa academic performance at self-directed learning ng mga

mag-aaral.

Sa pag-aaral nina Lee at Tan (2019), tinalakay ang papel ng Augmented Reality (AR) sa

pagpapalalim ng pag-unawa ng mga estudyante sa Clinical Laboratory Science. Sa pamamagitan

ng AR, nagiging mas malinaw at interaktibo ang pag-aaral ng microscopic organisms, blood

cells, at iba't ibang laboratory instruments. Sa halip na umasa lamang sa mga larawan o aktwal na

specimens, nabibigyang-buhay ng AR ang mga konsepto na mahirap intindihin sa tradisyunal na

paraan ng pagtuturo. Lumabas sa kanilang pag-aaral na ang mga estudyanteng gumamit ng AR

ay mas mabilis na natututo at mas matagal na naaalala ang mga konsepto, na lubhang mahalaga
sa kursong MedTech na nangangailangan ng visual accuracy at detalye. Ayon kina Dizon at

Malabanan (2022), ang paggamit ng gamification sa pagtuturo ng Medical Technology subjects

ay may positibong epekto sa motibasyon at academic performance ng mga estudyante. Sa

pamamagitan ng pagsasama ng mga palaro tulad ng leaderboards, badges, at interactive quizzes,

nagiging mas masigla at kapana-panabik ang proseso ng pagkatuto. Ang mga estudyante ay mas

nagiging aktibo sa diskusyon at mas nais na makamit ang mga layunin ng kurso. Ang resulta ng

kanilang pag-aaral ay nagpapakita na mas mataas ang score ng mga estudyanteng lumahok sa

gamified lessons kumpara sa mga dumaan sa tradisyunal na lecture-based na klase. Patunay ito

na ang teknolohiya ay maaaring gawing mas makabuluhan at masaya ang pag-aaral ng MedTech.

Sa pananaliksik nina Zhang at Romero (2020), sinuri ang epekto ng Artificial

Intelligence (AI) tutors sa paghasa ng clinical diagnostic skills ng mga estudyante sa larangan ng

Medical Technology. Ang mga AI tutor ay idinisenyo upang magbigay ng real-time feedback at

gabay sa mga estudyante habang sila ay nagsusuri ng mga laboratory data at gumagawa ng

clinical interpretations. Natuklasan sa kanilang pag-aaral na ang mga estudyanteng gumamit ng

AI tutors ay mas mahusay sa pag-aanalisa ng mga laboratory results at mas bihasa sa paggamit

ng critical thinking at clinical reasoning. Sa panahon kung saan ang teknolohiya ay mabilis na

umuunlad, ang AI ay nagiging katuwang hindi lamang sa industriya ng medisina kundi pati na

rin sa edukasyong medikal.

Ayon kay Cavan (2021), sa mga naunang pag aaral ang teknolohiya ay may malaking

papel na ginagampanan sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sapagkat napapalalim nito ang


kasanayang matatamo maging sa kognitibong pagganap. Mula naman sa pabago-bagong aspeto

ng pagtuturo naaapektuhan din ang paraan ng mga guro sa pagsanib ng mga ito. Dahil sa mga

pagbabagong ito mahalagang matukoy ang iba pang paraan para mapaunlad ang pampropesyunal

na kasanayan na maaaring magreresulta sa pag-unlad ng kognitibong pagganap ng mga guro, ang

mga pansangay na paaralan at mga nakatataas na edukasyon ay nangangailangan nang mas

maraming pananaliksik ukol sa pagsasanay sa teknolohiya bilang kinakailangang estratehiya sa

pampropesyunal na kaunlaran.

Ayon kay Villarito (2014), ang teknolohiya ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman at

libangan sa mga mag-aaral. Bukod sa telebisyon , cellphone at syempre ang personal kompyuter

at ang dala nitong internet. Masabi natin na napakaraming naitulong ang teknolohiya sa ating

buhay, lahat ng sector sa ating komunidad ay nadama ang kahalagahan ng mga makabagong

teknolohiya sa pang araw-araw na pamumuhay. Tunay nga‘t nabago na ng teknolohiya ang

paraan ng buhay ng mga mag- aaral. Ang mga imposible dati ay kaya ng gawin ngayon, ngunit

mayron nga bang disiplina ang mga mag-aaral upang magamit ng maayos ang mga dala nitong

dulot? Lahat ng bagay ay sumasama kapag nasubrahan at isa sa mga bagay na ito ay ang

teknolohiya.

Ayon kay Coquilla et al. (2019), sa panahon ngayon, hindi natin mapipigilan ang mabilis

na pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ang teknolohiya ay bagay na kung saan pinapadali

ang mga gawain. Salamat sa Teknolohiya at nabuo ang gadgets. Ang gadgets ay isang

elektronikong kagamitan minsan ay malaki at maliit tulad ng cellphone, tablet, computer, laptop
at iba pa. Ngunit lahat ng bagay ay may masama at mabuting epekto para sa mag-aaral. Sa pag-

usbong ng makabagong henerasyon ay marami naring pagbabago sa pamumuhay ng mga

Pilipino. Naging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng social

media, text message at iba pa gamit ang teknolohiya.

Ayon kay Adolfo et al. (2019), Cellphone, facebook, instagram, internet, at laro. Ilan lang

ito sa mga makabagong teknolohiya na nakakaapekto sa pagkatuto ng mag-aaral. Ayon kay

Jackson, ang mga bata ay gumagastos ng higit pa at mas maraming oras gamit ang impormasyon

teknolohiya. Ang internet, cellphone, instant messaging, video at laro ngayon ay maghawak ng

malaking mga segment sa araw-araw na buhay ng mga bata. Ngunit napakaliit ay kilala tungkol

sa kung paano gamitin ito ay nakakaapekto sa kanila.

Ayon kay Alfanta et al. (2024), Batay sa resulta ng pag-aaral, ang negatibong danas ng

mga guro ay nagdudulot ng kawalan ng lakas ng loob sa paggamit ng teknolohiya, naging

dahilan ang kakulangan ng kaalaman sa paggamit ng teknolohiya at kakulangan ng mga

kasangkapang teknolohiya sa pagtuturo. Ang negatibong naranasan ng mga mag-aaral ay

nagdudulot ng pagkabahala sa paggamit ng teknolohiya, nagiging dahilan ang pang-aabuso sa

paggamit nito, pagkakaroon ng hindi magandang epekto sa kalusugan, walang pambili ng load,

at mahinang internet o walang signal. Nakikita sa resulta ang mga danas ng mga guro at mag-

aaral sa paggamit ng teknolohiya sa edukasyon na kung saan talaga namang nakakatulong upang

mas mabilis ang paggawa ng mga proyekto ngunit sa kabila nito'y nagkakaroon parin ng iba't

ibang mga suliranin sa likod nito. Ang teknolohiya ay may mataas na kalidad, naa-access at
madaling gamitin, ang teknolohiya ay maaaring maging isang mahalagang tool para sa

pagpapabuti ng pagtuturo at pag-aaral. Ito ay natatangi dahil matututunan ng mga mag-aaral ang

posibleng kahihinatnan ng isang makabuluhang pagbaba ng atensyon ng mag-aaral sa klase. Ang

mga mag-aaral ay mas nakatuon sa mobile na teknolohiya na mayroon sila sa kanila at maaari

silang akusahan ng plagiarism dahil masyadong gumagamit ng teknolohiya ang mga estudyante

na kung saan basta nalang nila kinukupya ang mga impormasyon nang walang pahintulot o

paraphrasing.

Ayon kay Raja (2018). Ang teknolohiya ay isang regalo ng Diyos. Pagkatapos ng regalo

ng buhay, marahil ito ang tu pinakadakilang mga biyaya ng Diyos. Ito ang ina ng sibilisasyon, ng

mga sining, at ng mga agham, Tunay nga, nagbago ang paraan ng ating pamumuhay dahil sa

teknolohiya. Ito ay nakakaapekto sa iba't ibang bahagi ng buhay at nagtatakda ng bagong

kahulugan sa pamunashay: Walang duda, ang teknolohiya ay naglalaro ng mahalagang papel sa

bawat aspeto ng buhay. Maraming manuwal na gawain ang maaaring mapadali, salamat sa

teknolohiya. Gayundin, maraming matafimuot at mahalagang proseso ang maaaring maganap

nang mas malali at mas mahisa sa tulong ng makabagong teknolohiya. Dahil sa paggamit ng

teknolohiya, naghago ang pamumuhay at ito ay nagbago pam sa mas mabuti

Ang pag-unlad ng teknolohiya ay may impluwensya sa huwat hahagi ng ating buhay,

mala sa bangko hanggang sa paraan ng ating pakikipag-ugnayan sa isa't isa. Tunay nga, ang

teknolohiya ay naging isang mahalagang bahagi ng pagpupanatili ng sibilisasyon, at ang

paggamit nito sa edukasyon ay kaya ngay hinh mairwasan. Ang teknolohiya ay hindi lamang
naghihigay ng access sa mga mag-aaral sa maraming online na materyal, kundi ito rin ay

nakakatulong sa kanilang pag-aaral. (Siamoy, 2017)

Ayon kay Tretinjak (2014). Ang mga bagong teknolohiya ay lubos na nagbago ng paraan

kung pano sila nakikipag-ugnayan sa kaalaman kaya't ang tradisyunal na paraan ng pag-aaral at

pagtuturo ay hindi na sapat. Upang gawing mas interaktibo ang kapaligitan ng pag-aaral at

mapadali ang pagkatuto ng mga estudyante, kinakailangan ang pagsasagawa ng mga

makabagong puraan ng paghituns. Maraming bứt thang paraan ng pagtuturo ang kumitaw mula

sa integrasyon ng teknolohiya sa edukasyon.

Ang makabagong teknolohiya ay nagbukas ng bagong kabanata sa larangan ng

edukasyon, sa katunayan, ang pagbabagong teknololákal na ito ay nagpapapinhawa sa pagtuturo

at nagpupalusay sa kasiyahan ng pag-aaral para sa mga estudyante. Sa madisyonal na pataan, ang

mga guro ay nagle-lecture sa silid-aralan gamit ang board at chalk, habang ang ilang mga

estudyante ay nagbubukas ng kanilang libro at tila sinusundan ang leksyon. Maaring may mga

ilang nagmurmukhang bored, may iba na nakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan, at ang mga

pagkakataon para sa komunikasyon at kolaborasyon ay limitado sa ibang mga estudyante sa

silid-aralan. (Velayutham, 2022)

Sa flipped teaching, ini-enkourage ang mga estudyante na pag-aralan ang materyal ng

kurso hago ang klase sa pamamagitan ng paggamit ng mga babasahin, pre-recorded na mga

viden lecture, o mga research ausagrement. Ang oras ng klase ay inilalaan para mga aktibong

paraan ng pag-aaral. Ang whole brain teaching ay tumutulong sa pagsigla nig parehong bahagi
ng utak at naghihigay diin sa uktibong paraan ng pag-uural kung saan inruulit ng mga estudyante

ang pangunahing impormasyon at nagtatrabaho sa mga basic na kasanayan sa parnamagitan ng

kalokohan at laro. Ang gamification ay isang teknik ng pag-aaral batay sa laro na nagbibigay

daan para sa mga estudyante na mag-aaral gamit ang mga laro. (Tretinjak 2014)

Ayon kay Knezek (2004), Maaari nilang pamahagi ang kanilang natutunan sa mga silid-

aralan kahit sa ibang mga estudyante mula sa ibang estado na simusandan ang parehong

ekspedisyon. Ang mga estudyante ay maaaring magkaruon ng mga talakayun sa grupo gamit ang

mga teknololiya-based na kasangkapan tulad ng Zoom meet, Google Meet, at iba pa. Maari rin

silang magtulungan sa mga proyektong pang-grupo sa pamamagitan ng pagpapamahagi ng mga

materyal sa pag-aaral gamit ang mga teknolohiyang talud ng wikis, Google docs, at mga apps na

naka-hase sa cloud.

3
MGA KATANUNGAN

1. Ano-ano ang mga makabagong teknolohiya na makakatulong sa pag-aaral?

( ) Laptop

( ) Computer

( ) Cellphone

( ) Tablet

( ) Ipad

( ) Atbp:_____________

2. Ano ang posibleng epekto nito sa pag-aaral?

( ) Mababang grades

( ) Maraming nakakalap na impormasyon

( ) Pagkagambala

( ) Pagdepende sa teknolohiya

( ) Kakulangan sa partisipasyon

( ) Atbp:______________

3. Ano-ano ang pwedeng maging benipisyo ng mga mag-aaral na Medical Technology sa


pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino?

( ) Mas madaling maunawaan

( ) Naipapahayag ng mas malinaw ang ideya

( ) Mas aktibong partisipasyon sa klase


( ) Nagpapalawak ng bokabularyo

( ) Nagpapalalim ng pag-unawa sa kultura

( ) Atbp:_______________

4. Bakit kaylangan gamitan ng teknolohiya ang pag-aaral ng Medical Technology?

( ) Mas napapadali ang pagbigay ng impormasyon

( ) Interactive at engaging na learning

( ) Mas flexible ang pag-aaral

( ) Nahahasa ang digital skills

( ) Tulong sa mga importanteng kailangan ng mag-aaral

( ) Atbp:________________

5. Bakit nakakaapekto ang wikang Filipino sa pag-aaral ng Medical Technology sa larangan ng


medesina?

( ) Mabilis na komunikasyon

( ) Mas madaling pag-unawa

( ) Mas aktibong partisipasyon

( ) Mas napapadali ang pag-aaral

( ) Mas malinaw na kaalaman

( ) Atbp:________________

6. Paano makakatulong ang makabagong teknolohiya sa pag-aaral?

( ) Mas napapadali ang pagbigay ng impormasyon

( ) Interactive at engaging na learning


( ) Mas flexible ang pag-aaral

( ) Nahahasa ang digital skills

( ) Tulong sa mga importanteng kailangan ng mag-aaral

( ) Atbp:________________

5
PAGKOLEKTA NG DATOS

Pagkatapos suriin ang mga talatanungan para sa pananaliksik, sinimulan ng mga

mananaliksik ang pagsasagawa ng sarbey. Ang mga talatanungan ay sariling gawa ng

mananaliksik. Ito ay magsisilbing kasangkapan upang maisakatuparan ang pag-aaral batay sa

layunin ng mga mananaliksik.

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng google form upang makabuo at makagawa ng

naturang sarbey upang magkaroon ng karagdagang impormasyon tungkol sa pag-aaral na

isinasagawa. Sa pangangalap ng mga karagdagang impormasyon ang mga mananaliksik ay

gagamit ng online platform tulad ng messenger upang maipamahagi ang talatanungan sa mga

napiling respondente.

Ang Paraan ng Pananaliksik

Isinasagawa ang pag-aaral na ito sa taong panuruan 2025 sa Good Samaritan Colleges.

Ang mga naging respondante ng pag-aaral ang mga piling mag-aaral mula sa Good Samaritan

Colleges. Sa kabuuan, may 50 na bilang ang mga respondante.

Ang Pag-aanalisa ng Datos

Sa pag-aalisa ng datos, kailangang kuhanin ng mga mananaliksik ang porsyento at ang

dami o ang kabuuang bilang ng kasagutan ng mga respondante na makututulong sa

presenatasyon ng pag-aaral.
6

RESULTA AT DISKUSYON

Sa bahaging ito ng pag-aaral nakalahad ang mga resulta batay sa mga tanong na nabuo

kaugnay sa pananaliksik.

Talahanayan 1. Impormasyon Hinggil sa Wikang Madalas na Ginagamit ng mga Nanay sa

mga Estudyante pagkagaling sa eskwelahan.

Mga Wika at Dayalekto Bilang Bahagdan

Wikang Filipino 5 10%

Wikang English 10 20%

Dayalektong Ilokano 7 14%

Dayalektong Bisaya 10 20%

Dayalektong Kapampangan 8 16%

atbp: ___________________ 10 20%

KABUUAN 50 100%

Ipinapakita sa talahanayan 1 ang wikang madalas na ginagamit ng mga Nanay sa mga

Estudyante pagkagaling sa eskwelahan na kung saan ang pinakamataas na bilang ang Wikang

Ingles.
7

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Kongklusyon

Batay na rin sa nakalap na datos …

Rekomendasyon

Dahil ayon sa pag-aaral na ito ukol sa persepyon ng mga mag-aaral na Good Samaritan

Colleges …
8

BIBLIOGRAPI

Mga Sanggunian: ( WEBSITE AT MGA URL - APA PORMAT )


9

APENDISE A.
TALATANUNGAN

Mahal naming Respondante:

Magandang Araw po!


Kami ang mga mananaliksik ng Good Samaritan Colleges na kasalukuyang kumukuha ng BS

Medical Technology na humihingi ng kaunting oras at panahon sa inyo upang sagutin ang mga

tanong sa aming pananaliksik na ang “Epekto ng makabagong teknolohiya ng wika sa pag-aaral

ng mga Medical Technology Student ng Good Samaritan” Pahahalagahan at ituturing pribado

ang anumang isasagot ninyo.

Salamat po,
Mga mananaliksik.

PANUTO: Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang loob ng panaklong na tumutugon sa napiling

kasagutan.

1. Ano-ano ang mga makabagong teknolohiya na makakatulong sa pag-aaral?

( ) Laptop

( ) Computer
( ) Cellphone

( ) Tablet

( ) Ipad

( ) Atbp:_____________

2. Ano ang posibleng epekto nito sa pag-aaral?

( ) Mababang grades

( ) Maraming nakakalap na impormasyon

( ) Pagkagambala

( ) Pagdepende sa teknolohiya

( ) Kakulangan sa partisipasyon

( ) Atbp:______________

3. Ano-ano ang pwedeng maging benipisyo ng mga mag-aaral na Medical Technology sa


pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino?

( ) Mas madaling maunawaan

( ) Naipapahayag ng mas malinaw ang ideya

( ) Mas aktibong partisipasyon sa klase

( ) Nagpapalawak ng bokabularyo

( ) Nagpapalalim ng pag-unawa sa kultura

( ) Atbp:_______________

4. Bakit kaylangan gamitan ng teknolohiya ang pag-aaral ng Medical Technology?

( ) Mas napapadali ang pagbigay ng impormasyon


( ) Interactive at engaging na learning

( ) Mas flexible ang pag-aaral

( ) Nahahasa ang digital skills

( ) Tulong sa mga importanteng kailangan ng mag-aaral

( ) Atbp:________________

5. Bakit nakakaapekto ang wikang Filipino sa pag-aaral ng Medical Technology sa larangan ng


medesina?

( ) Mabilis na komunikasyon

( ) Mas madaling pag-unawa

( ) Mas aktibong partisipasyon

( ) Mas napapadali ang pag-aaral

( ) Mas malinaw na kaalaman

( ) Atbp:________________

6. Paano makakatulong ang makabagong teknolohiya sa pag-aaral?

( ) Mas napapadali ang pagbigay ng impormasyon

( ) Interactive at engaging na learning

( ) Mas flexible ang pag-aaral

( ) Nahahasa ang digital skills

( ) Tulong sa mga importanteng kailangan ng mag-aaral

( ) Atbp:________________
v

APENDISE B.
TALAMBUHAY NG MGA MANANALIKSIK

Aquino, Ron Oliver M.

Tubong Brgy. Sagana, Laur, Nueva Ecija. Isinilang noong May 05, 2002. Pangalawang

anak nina G. Ronald T. Aquino at Gng. Oliva M. Aquino, 22 taong gulang.

Nagtapos ng elementarya sa Sagana Elementary School. Habang nagtapos ng Junior High

School sa St. Stephen’s Academy na nagkamit ng karangalan. At Senior High School naman sa

Honorato C. Perez Memorial Science High School na may karangalan. At ipinagpapatuloy ang

kolehiyo sa Good Samaritan Colleges sa kursong Medical Technology.


Catolico, Daryl Jaze A.

Tubong Brgy. Daan Sarile, Cabanatuan City. Isinilang noong April 27, 2005. Bunsong

anak nina G. Reynold N. Catolico at Gng. Rochelle A. Catolico, 19 taong gulang.

Nagtapos ng elementarya sa Daan Sarile Integrated School. Habang nagtapos ng Junior

High School at Senior High School sa Good Samaritan Colleges. At ipinagpapatuloy ang

kolehiyo sa Good Samaritan Colleges sa kursong Medical Technology.


Carpio, Alicia Gwynette A.

Tubong Brgy. Pagas, Cabanatuan City. Isinilang noong ika 8- Hunyo taong 1999. Pang
tatlong anak nina Ginoong. Ronaldo V. Carpio at Ginang. Lorena F. Alvarez . Siya si Alicia
Gwynette A. Carpio 25 taong gulang.
Nag tapos ng Elementarya sa Pagas, Elementary School. Habang nag tapos naman ng
Junior High School sa Nueva Ecija High School at ang Senior High School naman sa Phinma
Araullo University. At ipinagpatuloy ang kolehiyo sa Good Samaritan Colleges sa kursong
Medical Technology.
Garcia, Mikaela Xandrie C.

Tubong Brgy. Dicarma, Cabanatuan City. Isinilang noong ika-26 ng Oktubre taong 2004.
Panganay na anak nina G. Rodolfo F. Garcia at Gng. Judith C. Garcia. Siya si Mikaela Xandrie
C. Garcia 20 taong gulang.
Nagtapos ng Elementarya sa Global Kids Montessori, na nagkamit ng may karangalan.
Habang nagtapos naman ng Junior High School At Senior High School sa Good Samaritan
Colleges At ipinagpatuloy ang kolehiyo sa Good Samaritan Colleges sa kursong Medical
Technology.
Lucena, Leah V.

Tubong Brgy. Sagana, Laur, Nueva Ecija. Isinilang noong ika-22 ng Agosto taong 2005.
Panganay na anak nina G. Valentino S. Lucena at Gng. Rechelle V. Lucena. Siya si Leah V.
Lucena, 19 taong gulang.
Nagtapos ng Elementarya sa Sagana Elementary School. Habang nagtapos naman ng
Junior High School sa Jorge M. Padilla National High School ng may karangalan at Senior High
School naman sa Jorge M. Padilla National High School ng may karangalan. At ipinagpatuloy
ang kolehiyo sa Good Samaritan Colleges sa kursong Medical Technology.
Reyes, Ma. Clarissa S.

Tubong Brgy. Sta Clara Quezon Nueva Ecija. Isinilang noong ika-18 enero taong 2002.
Pang limang anak nina G. Wilfredo T. Reyes at Gng. Ruby L. Simplina. Siya si Ma. Clarissa S.
Reyes, 23 taong gulang.
Nag tapos ng Elementarya, Junior High School at Senior High School sa Holy Family
Academy. At ipinagpatuloy ang kolehiyo sa Good Samaritan Colleges sa kursong Medical
Technology
GOOD SAMARITAN COLLEGES

BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY

SARBEY- KWESTYONER

FILIPINO 101

“Epekto ng makabagong teknolohiya ng wika sa pag-aaral ng mga Medical Technology

student ng Good Samaritan Colleges”

Pangalan(opsyunal):___________________________________

Kasarian: £ Lalaki £Babae

Taon at Seksyon:____________

PANUTO: Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang loob ng panaklong na tumutugon sa napiling

kasagutan.

1. Ano-ano ang mga makabagong teknolohiya na makakatulong sa pag-aaral?

( ) Laptop

( ) Computer

( ) Cellphone
( ) Tablet

( ) Ipad

( ) Atbp:_____________

2. Ano ang posibleng epekto nito sa pag-aaral?

( ) Mababang grades

( ) Maraming nakakalap na impormasyon

( ) Pagkagambala

( ) Pagdepende sa teknolohiya

( ) Kakulangan sa partisipasyon

( ) Atbp:______________

3. Ano-ano ang pwedeng maging benipisyo ng mga mag-aaral na Medical Technology sa


pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino?

( ) Mas madaling maunawaan

( ) Naipapahayag ng mas malinaw ang ideya

( ) Mas aktibong partisipasyon sa klase

( ) Nagpapalawak ng bokabularyo

( ) Nagpapalalim ng pag-unawa sa kultura

( ) Atbp:_______________

4. Bakit kaylangan gamitan ng teknolohiya ang pag-aaral ng Medical Technology?

( ) Mas napapadali ang pagbigay ng impormasyon

( ) Interactive at engaging na learning


( ) Mas flexible ang pag-aaral

( ) Nahahasa ang digital skills

( ) Tulong sa mga importanteng kailangan ng mag-aaral

( ) Atbp:________________

5. Bakit nakakaapekto ang wikang Filipino sa pag-aaral ng Medical Technology sa larangan ng


medesina?

( ) Mabilis na komunikasyon

( ) Mas madaling pag-unawa

( ) Mas aktibong partisipasyon

( ) Mas napapadali ang pag-aaral

( ) Mas malinaw na kaalaman

( ) Atbp:________________

6. Paano makakatulong ang makabagong teknolohiya sa pag-aaral?

( ) Mas napapadali ang pagbigay ng impormasyon

( ) Interactive at engaging na learning

( ) Mas flexible ang pag-aaral

( ) Nahahasa ang digital skills

( ) Tulong sa mga importanteng kailangan ng mag-aaral

( ) Atbp:________________

You might also like