You are on page 1of 15

Pokus ng Pandiwa

Ang Pokus ng Pandiwa ay ang tawag sa


bahagi ng panag-uri na bumubuo o
nagbibigay ng ganap na kahulugan sa
pandiwa at magagawang paksa ng
pangungusap kung babaguhin ang pokus ng
pandiwa.

May walong (8) uri ng Pokus ng Pandiwa

Aktor Pokus
- kapag ang simuno o ang paksa ang siyang
gumaganap ng kilos sa pangungusap. Sumasagot sa
tanong na Sino?
Halimbawa:
Umaawit ng kundiman si Kuh Ledesma.
Mangingisda si Mang Isidro.

Gol Pokus
- Ang tawag kapag ang tuwirang layon o ang gol ang
siyang pokus ng pangungusap. Sumasagot sa tanong na Ano?
Halimbawa:
Inawit ni Kuh Ledesma ang kundiman.
Binili ng bata ang bola.
Wawalisin ni Jackie ang basura.

Benepaktib Pokus
- Kapag ang pinaglalaanan o di-tuwirang layon ang nagiging
simuno o pokus. Sumasagot sa tanong na Para saan/Kanino?
Halimbawa:
Ibinili ng bata ng bola ang kapatid.
Ikinuha ni Rose ng pagkain ang anak.
Ipagluluto niya ng lugaw ang maysakit.

Direksyunal Pokus
- kapag tinutukoy ag direksyon o taong tatanggap ng
kilos.Sumasagot sa tanong na tungo saan/kanino?
Halimbawa:
Tinatawagan ng binate ang dalaga.
Pupuntahan ng apo ang lola niya.
Pinasyalan niya ang kaibigan.

Lokatib Pokus
- Kapag tinutukoy ang pook na pinagganapan. Sumsagot sa
tanong na Saan?
Halimbawa:
Binilhan ng doctor ng gamot ang Mercury.
Hinihigan ng bata ang kutson.
Tatamnan ng magsasaka ang bukid.

Kawsatib Pokus
- Kapag tinutukoy ang kadahilanan ng kilos. Sumasagot
sa tanong na Bakit?
Halimbawa:
Ikinasama ng loob niya ang ginawa mo.
Ikinagagalit ng inhinyero ang pag-alis mo.
Ikadadala niya ang hindi mo pagtupad sa pangako.

Instrumental Pokus
- kapag tinutukoy ang kagamitang ginamit sa pagkilos.
Sumasagot sa tanong na sa pamamagitan ng ano?
Halimbawa:
Ipinamutol ng karpintero ang lagari.
Ipinamimingwit ni Gerald ang kawayan.
Ipanggugupit nito angbagong gunting.

Resiprokal Pokus
- kapag tinutukoy ang gumaganap at tumatanggap ng
kilos ang pokus. Banghay ito sa mag-, -an.
Halimbawa:
Nagmamahalan ang mag-asawa.
Nagsuntukan ang magkalaban.
Nag-iibigan sina Sharon at Francis.

Pagsasanay:
1.

Nagtutungo sa ibat ibang bundok si Thor para ipakita ang


kanyang lakas.

2.

Itinatapon ni Thor ang kanyang Mjollnir tuwing siya ay


nagagalit.

3.

Pinupulutan daw ng isang higanteng ahas ang mundo.

4.

Minana ng mga anak ni Thor ang kanyang Mjollnir.

5.
6.

Ipinalilikha ng kidlat ni Thor ang kanyang mahiwagang


Mjollnir.
Ikinagalit ni Thor ang panlilinlang ng hari ng mga higante.

Pagsubok
Panuto: Lagyan ng nararapat na pandiwa, batay sa pagpapalit-palit ng pokus ng
pangungusap.
1.Kumain

ng manggat suman si Jaime.

_____________ ni Jaime ang manggat suman.


2. Nagmakinilya si Au ng mga tula para kay Jess.
_____________ ni Au ang mga tula si Jess.
3. Nanghingi ng donasyon si Pam para sa selebrasyon ng iskul.
_____________ ni Pam ang donasyon para sa selebrasyon ng iskul.

4. Sumama ang loob ng dalaga dahil hindi dumating ang katipan.


________________ ng loob ng dalaga ang hindi pagdating ng katipan.
5. Nagsikap siya para may maihandog siya sa kanyang magulang.
________________ niya ang maihandog niya sa kanyang magulang.
6. Nagtatayo ng mga tulay ang mga inhinyero para madali ang komunikasyon.
________________ ng mga inhinyero ang mga tulay para madali ang
komunikasyon.
7. Nagdebelop siya ng mabuting raport sa mga mamamayan para sa kanyang
reserts.
________________ niya ang mabuting raport sa mga mamamayan para sa
kanyang reserts.

8. Naggalugad sa kabundukan ang mga tagapagligtas upang makitang lahat ang


mga biktima.
_________________ ng mga tagapagligtas ang kabundukan upang makitang lahat
ang mga biktima.
9. Umigib ang mga agwador sa lumang balon para sa mga residente sa
pamamagitan ng kanilang biktima.
_________________ ng mga agwador ang lumang balon para sa mga residente sa
pamamagitan ng kanilang timba.
10. Bumalik na sa kanilang tahanan ang mga nagsilikas.
________________ na ng mga nagsilikas ang kanilang tahanan.

Kasunduan:
Sa isang buong papel gumawa ng isang sanaysay ukol sa mga
paksang ito:
a. K to 12
b. STD/AIDS
c. Eleksyon 2016
Pumili lamang ng isang paksa at mula dito ay gagawa kayo ng
sariling pamagat. Sa paggawa ng sanaysay isaalang-alang ang mga
pokus ng pandiwa. Pagkatapos ay salungguhitan ang mga pokus ng
pandiwa at isulat sa likod ng iyong mga papel kung anong mga
pandiwa ang iyong ginamit.

You might also like