You are on page 1of 27

Kasaysayan at

Pag-unlad ng
Wikang Filipino

1
Panahon ng mga
Katutubo
Alibata o baybayin ang tawag sa
katutubong paraan ng pagsulat
Binubuo ito ng labimpitong (17)
titik: tatlong (3) patinig at
labing-apat (14) na katinig

2
Alibata

3
Ang mga katinig ay binibigkas na
may kasamang tunog ng patinig
na /a/. Kung nais basahin o bigkasin
ang mga katinig na kasama ang
tunog na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik
ng tuldok sa itaas. Samantala, kung
ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama
sa pagbasa ng mga katinig, tuldok sa
ibaba nito ang inilalagay.

4
Samantala, kung ang nais kaltasin ay
ang anumang tunog ng patinig na
kasama ng katinig sa hulihan ng
isang salita, ginagamitan ito ng
panandang kruz (+) bilang hudyat sa
pagkakaltas ng huling tunog.

5
Gumagamit ng dalawang pahilis na
guhit // sa hulihan ng pangungusap
bilang hudyat ng pagtatapos nito.

6
Panahon ng mga Kastila
Maraming pagbabago ang naganap at
isa na rito ang sistema ng ating
pagsulat.
Ang dating alibata ay napalitan ng
Alpabetong Romano na binubuo naman
ng 20 titik, limang (5) patinig at
labinlimang (15) katinig.
a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p,
r, s, t, w, y
7
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
ang isa sa naging layunin ng
pananakop ng mga Kastila.
Ngunit nagkaroon ng suliranin
hinggil sa komunikasyon.
Nagtatag ang Hari ng Espanya
ng mga paaralang magtuturo ng
wikang Kastila sa mga Pilipino
ngunit ito ay tinutulan ng mga
prayle.
8
Ang mga misyonerong Kastila mismo
ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
1. Mas madaling matutuhan ang wika ng
isang rehiyon kaysa ituro ito sa lahat
ang Espanyol.
2. Higit na magiging kapani-paniwala at
mabisa kung ang isang banyaga ay
nagsasalita ng katutubong wika.
Ang mga prayley nagsulat ng mga
diksyunaryo at aklat-panggramatika,
katekismo at mga kumpesyonal para sa
mabilis na pagkatuto nila ng katutubong
wika
9
Naging usapin ang tungkol sa wikang
panturong gagamitin sa mga Pilipino.
Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang
katutubo sa pagtuturo ng
pananampalataya subalit hindi naman
ito nasunod.
Gobernador Tello turuan ang mga
Indio ng wikang Espanyol
Carlos I at Felipe II kailangang maging
bilinggwal ang mga Pilipino
Carlo I ituro ang doktrinang Kristiyana
sa pamamagitan ng wikang Kastila

10
Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni
Haring Felipe II ang utos tungkol sa
pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng
katutubo
Hindi naging matagumpay ang mga
kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II
ay naglagda ng isang dekrito na inuulit ang
mga probisyon sa mga nabanggit na batas.
Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga
hindi susunod dito.
Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni
Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos
na gamitin ang wikang Kastila sa mga
paaralang itatatag sa lahat ng mga
pamayanan ng Indio.
11
Panahon ng Propaganda
Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino
ang naging matindi ang damdaming
nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa
upang kumuha ng mga karunungan.
Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio
Luna, Marcelo H. del Pilar
Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat
sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang
nagsasaad ng pagiging makabayan,
masisidhing damdamin laban sa mga Kastila
ang pangunahing paksa ng kanilang mga
isinulat.
12
Panahon ng mga
Amerikano
Nagsimula na naman ang pakikibaka ng
mga Pilipino nang dumating ang mga
Amerikano sa pamumuno ni Almirante
Dewey
Ginamit nilang instrumento ang
edukasyon na sistema ng publikong
paaralan at pamumuhay na demokratiko
Mga gurong sundalo na tinatawag na
Thomasites ang mga naging guro noon.

13
William Cameron Forbes naniniwala ang
mga kawal Amerikano na mahalagang
maipalaganap agad sa kapuluan ang
wikang Ingles upang madaling
magkaunawaan ang mga Pilipino at
Amerikano
Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na
pinamumunuan ni Schurman na ang
layunin ay alamin ang pangangailangan ng
mga Pilipino
1. Isang pambayang paaralan ang kailangan
ng mga Pilipino
2. Mas pinili ng mga lider-Pilipino na
gamitin bilang wikang panturo ang Ingles
14
Jorge Bocobo naniniwalang ang lahat ng
sabjek sa primaryang baitang, kahit na
ang Ingles ay dapat ituro sa pamamagitan
ng diyalektong lokal
N.M Saleeby, isang Amerikanong
Superintende kahit na napakahusay ang
maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay
hindi pa rin ito magiging wikang panlahat
dahil ang mga Pilipino ay may kani-
kaniyang wikang bernakular na
nananatiling ginagamit sa kanilang mga
tahanan at sa iba pang pang-araw-araw
na gawain

15
Bise Gobernador Heneral George
Butte naniniwalang epektibong
gamitin ang mga wikang bernakular
sa pagtuturo sa mga Pilipino
Labag man sa iniutos ni Mc Kinley
na gamiting wikang panturo ang
mga wikang bernakular sa mga
paaralan ay nanatili pa rin ang
Ingles na wikang panturo at
pantulong naman ang wikang
rehiyonal

16
Panahon ng Hapones
Sa pagnanais na burahin ang anumang
impluwensiya ng mga Amerikano,
ipinagamit nila ang katutubong wika
partikular ang wikang Tagalog sa
pagsulat ng mga akdang
pampanitikan.
Ito ang panahong namayagpag ang
panitikang Tagalog.
Ipinatupad nila ang Order Militar Blg.
13 na nag-uutos na gawing opisyal na
wika ang Tagalog at wikang Hapon
17
Panahon nga Malasariling
Pamahalaan
Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3,
Artikulo XIV Ang Kongreso ay gagawa
ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral
na katutubong wika.
Dahil sa probisyong ito, itinatag ni
Pangulong Quezon ang Surian ng Wikang
Pambansa na ngayon ay Sentro ng
Wikang Filipino upang mamuno sa pag-
aaral sa pagpili ng wikang pambansa.
18
Manuel Luis Molina Quezon

19
Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas
Komonwelth Blg. 184 opisyal na paglikha ng
Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng
Nobyembre 1936
Ang tungkulin nito ay magsagawa ng
pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging
batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng
Pilipinas
Si Jaime C. de Veyra ang naging tagapangulo
ng komite
Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng
wikang tatawaging Wikang Pambansa
Ipinalabas noong 1937 ng Pang. Quezon ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 nag-
20
Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling
batayang wika :
1. Mas marami ang nakapagsasalita at
nakauunuwa ng Tagalog kumpara sa ibang
wika
2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog
kumpara sa ibang wikain sapagkat sa wikang
ito, kung ano ang bigkas ay siyang sulat
3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang
Maynila ang sentro ng kalakalan sa Pilipinas
4. Ang wikang Tagalo ay may hostorikal na
basehan sapagkat ito ang wikang ginamit sa
himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio
5. May mga aklat na panggramatika at
diksyunaryo ang wikang Tagalog
21
Dahil sa pagsusumikap ni Pang.
Quezon na magkaroon tayo ng wikang
pagkakakilanlan, hinirang siyang Ama
ng Wikang Pambansa
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
noong Abril 1940 nagpapahintulot sa
pagpapalimbag at paglalathala ng
Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila
sa Wikang Pambansa.
Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang
pambansa sa mga paaralan pampubliko
at pampribado sa buong bansa
22
Pinagtibay ng Batas Komonwelth Blg. 570 na ang
Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga
wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940
Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang
Proklamasyon Blg. 12 noong Marso 26, 1954 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng
Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-
kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2)
Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon
Blg. 186 noong Setyembre 23, 1955 na nag-uutos sa
paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13
hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng
kahalagahan sa kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto
19)

23
Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni
Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang
Bayan ang Sirkular 21 na nag-uutos na ituro
at awitin ang Pambansang Awit sa mga
paaralan
Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13,
1959 na nagsasaad na kailanmat tutukuyin
ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino
ang gagamitin
Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga
pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan
ng pamahalaan noong Oktubre 24, 1967 24
Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas,
Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum
Sirkular Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng
wikang Pilipino sa mga opisyal na
komunikasyon sa mga transaksyonng
pamahalaan
Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo
29, 1972 na humihiling sa lahat ng tanggapan
ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika
Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 2
at 3 Ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Pilipino at hanggat hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang25
Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng
Ministro ng Edukasyon at Kultura,
Juan Manuel ang Kautusang
Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na
isama ang Pilipino sa lahat ng
kurikulum na pandalubhasang antas
Nabagong muli ag Konstitusyon nang
sumiklab ang Edsa I noong Pebrero
25, 1986 at nahirang na pangulo ng
bansa si Gng. Corazon c. Aquino
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV,
nasasaad tungkol sa wika:
26
Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles
Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa
Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol
Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang
komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili

27

You might also like