You are on page 1of 50

FILI7: PAGBASA AT

PAGSULAT TUNGO SA
PANANALIKSIK
(Lecture 1)
Inihanda ni: Camille Faye Elcano, RPm
Pagkakaiba ng Wikang Pasalita at
Pasulat
Pasalita
1. May social context
-dahilan sa presensya ng tagapakinig.
2. Maaring magpabalik-balik ang
nagsasalita sa kanyang sinasabi
(recursive)
3. Natutunan sa isang proseso natural na
tila walang hirap.
Pasulat
1. Kadalasan ay ginagawa ng manunulat
habang siya ay nag-iisa na kinakailangan
ng imahinasyon kung sino ang kanyang
mambabasa.
2. May tiyak na istrukturang
kinakailangang sundin (linear).
3. Kadalasan ay natutunan ng mag-aaral sa
paaralan.
Mga Teorya sa Pagbasa
1. Tradisyunal na Pananaw
(Bottom-up)

Mambabasa

Teksto
1. Tradisyunal na Pananaw
(Bottom-up)
• Tradisyunal na uri ng pagbasa
• Bunga ng teoryang behaviorist na ang tao
ay nalilinang sa pamamagitan ng kanyang
pagbabasa.
• TABULA RASA – ang tao ay isang
blankong papel kung saan nalalagyan ng
lamang ang blankong papel base sa mga
bagay na nararanasan niya sa kanyang
kapaligiran.
1. Tradisyunal na Pananaw
(Bottom-up)
• Ang pagbasa ay pagkilala sa mga
nakasulat na simbolo upang maipakita
ang katumbas nitong tunog.
• Kinikilala ang mag titik, salita, parirala at
pangungusap bago malaman ang
kahulugan ng teksto.
• Ang mambabasa ay isang passive na
participant lamang sa proseso ng
pagbasa.
1. Tradisyunal na Pananaw
(Bottom-up)
• Ang proseso ng pag-unawa ay
nagsisimula sa teksto (bottom) patungo
sa mambabasa (up)
• Kaya tinatawag itong bottom-up
• Tinatawag din itong OUTSIDE-IN o DATA-
DRIVEN
• Ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi
nagmula sa tagabasa kundi sa teksto
2. Teoryang Kogntiv
(Top-Down)

Mambabasa

Teksto
2. Teoryang Kogntiv
(Top-Down)
• Nabuo bilang reaksyon sa naunang
teorya.
• Ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa
teksto kundi sa magbabasa tungo sa
teksto.
• Mula sa sikolohiyang Gestalt – na
naniniwalang ang pagbasa ay holistik,
kung saan mas mahalaga ang kabuuang
teksto kaysa sa mga parte nito.
2. Teoryang Kogntiv
(Top-Down)
• Ang mambabasa ay napaka-aktib na partisipant
sa proseso ng pagbasa.
• May taglay ng dating kaalaman ang mambabasa
na nakaimbak sa kanyang isipan na kanyang
nagagamit habang nakikipagtalastasan sa may-
akda sa pamamagitan ng teskto.
• Tinatawag din itong INSIDE-OUT o
CONCEPTUALLY-DRIVEN dahil ang impormasyon
ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa
teksto
2. Teoryang Kogntiv
(Top-Down)
• Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang
mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo
sa kanyang isipan mula sa kanyang mga
karanasan at pananaw sa paligid.
• Bunga nito, nakakabuo siya ng kanyang mga
palagay at hinuha na kanyang naiuugnay sa
mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang
teksto.
3. Teoryang Interaktib
• Bunga ito ng pambabatikos ng mga
dalubhasa sa ikalawang teorya.
• Dahil ang teoryang top-down daw ay
akama lamang sa mga bihira ng bumasa
at hindi sa mga baguhan pa lamang.
• Ito ay kumbinasyon ng top-down at
bottom-up
3. Teoryang Interaktib
• Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay
kumakatawan sa wika at kaisipan.
• Dito nagaganap ang interaksyong:

MAMBABASA AWTOR
3. Teoryang Interaktib
• Ang interaksyon ay may dalawang
direksyon o bidirectional.
• Sa teoryang ito, mahalaga ang larangan
ng metakognisyon na nauugnay sa
kamalayan at kabatiran sa taglay na
kaalaman at sa angking kasanayan ng
mambabasa.
4. Teoryang Iskima
• Sa teoryang ito, mahalaga ang tungkulin
ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman
ng mambabasa.
• Bawat bagong impormasyong nakukuha sa
pagbasa ay naidadagdag sa dati ng iskima.
• Bago pa man basahin ng mambabasa ang
teksto, siya ay may taglay ng kaalaman sa
nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima ng
paksa.
5. Metakognisyon
• Ang teoryang ito ay naniniwala na isang
kognitib ang pagkatuto.
• Ito ay may kinalaman sa kaalaman o
knowledge, may kinalaman ito sa
pagkakaroon natin ng skills at kung
paano gamitin ang skills na ito.
5. Metakognisyon
• Hindi lamang inaalam ng mambabasa
ang nakasulat sa teksto kundi ang paraan
kung paano niya ito babasahin sa paraan
na mas mauunawaan niya ito.
• Tumutukoy ito sa kamalayan ng tao sa
mga proseso ng pag-iisip habang
gumagawa siya ng pakahulugan sa
nilalaman ng teksto.
Elemento ng Metakognitibong
Pagbasa
Elemento ng Metakognitibong
Pagbasa
• Pag-unawa
• Kahusayan
• Bokabularyo o Talasalitaan
• Palabigkasan o Palatunugan
Ang Pagbasa
Ang Pagbasa
“Ang pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at
pag-interpreta ng mga impormasyong nakakoda
sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na
midyum.”

Ayon kay Urquhart at Weir (1998)


Ang Pagbasa at Kahalagahan nito sa
Tao
Ang Pagbasa at Kahalagahan nito sa
Tao
• Paraan ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at
pagtataya ng mga kagamitang nakalimbag.
• Ang pagbasa ay susi sa pagtuklas sa mas
malawak pang karunungan,
• Sa pagbasa nadedevelop ng tao ang kanyang
katauhan, natatamo niya ang kaligayahan at
nakakamtan niya ang karunungan na
nakukuha niya mula sa tekstong kanyang
binabasa.
Ang Dalawang Pangunahing Layunin
sa Mapanaliksik na Pagbasa
Ang Dalawang Pangunahing Layunin
sa Mapanaliksik na Pagbasa

1. Makapangalap ng mahalagang
impormasyon.
2. Upang mapataas ang antas ng pag-
unawa
Ang mga Kahalagahan ng Pagbasa

1. •Pangkasiyahan

2. •Pangkaalaman

3. •Pang-moral

4. •Pangkapakinabangan

5. •Pangpaglalakbay-diwa
Ang mga Hakbang sa Pagbasa Bilang
Isang Proseso
• Kinikilala ang mga simbolong
1. Persepsyon nakalimbag
• Pag-unawa sa mga mensaheng
2.Komprehensyon
inihatid ng mga simbolo
• Paglalapat at pagpapahalaga
3. Aplikasyon sa mga kaisipang inilahad ng
awtor
• Pag-uugnay ng mga bago at
4. Integrasyon dati ng karanasan at kaalaman
ng mambabasa
Persepsyon
• Kilalanin ang mga nakasulat o
nakaimprentang simbolo para magkaroon
sa isip ng imahe nito.
• May tunog ang bawat usal
• Fonema – Ang pinakamaliit na yunit ng
tunog na may kahulugan
• Grafema – ang sistema ng pagsulat
May 28 letra o grafema ang Wikang Filipino na
may katumbas na mahalagang tunog kapag
isinasaboses
Persepsyon
• Binubuo ng 28 grafema ng dalawang uri
ng fonema ang Alpabetong Pilipino
–Fonemang Patinig:
• /a/, /e/, /i/, /o/, /u/
–Fonemang Katinig:
• /b/, /d/, /g/, /h/, /j/, /k/, /l/, /m/, /n/,
/ng/, /p/, /r/, /s/, /t/, /v/, /w/, /y/, /z/
Persepsyon
• Ang pagsasama ng fonema ay nakabubuo
ng morfema.
• Morfema – ang pinakamaliit na yunit ng
salita na may kahulugan gaya ng panlapi,
salitang ugat, pinanlapiang salitang ugat
(maylapi) at inuulit na salitang-ugat.
Ang mga Paraan ng Pagpapalawak ng
Interpretasyon

• Dalawang paraan ng pagpapalawak ng


interpretasyon:
– Denotasyon
– Konotasyon
Denotasyon

• Ito ang kahulugan ng salita na nakukuha sa


diksyunaryo, ang literal na kahulugan
• Tinatawag ding “aktwal na kahulugan”
Denotasyon
Ang Bigkas

Ang Bahagi ng Pananalita

Ang Etimolohiya

Ang Kayarian ng Salita

Ang Kasalungat na Kahulugan (Antonym)


1. Ang Bigkas
• Kung paano nag salita ay isinasatunog o
isinasaboses pag sinabi.
– Baga (ekspresyon) - /bagah/
– Baga (apoy sa uling) - /ba.gah/
– Baga (organo sa paghinga) - /ba.ga?/
2. Ang Bahagi ng Pananalita
• Pangngalan
• Panghalip
• Pandiwa
• Pang-uri
• Pang-abay
• Pang-ugnayan
3. Ang Etimolohiya
• Ang pinagmulan o pinanggalingan ng salita
• Nagpapahiwatig na din ito ng cultural na
kahulugan.
– Ikabana (salitang hapon)
• artistikong pagsasaayos ng bulaklak sa vase.
4. Ang Kayarian ng Salita
• Nakasulat ito ng pabahagi para ipakita ang
istruktura kung paano nabuo sa pamamagitan
ng panlapi, salitang-ugat at kung anumang
kumbinasyon.
• Halimbawa:
Ipinagsumigawan
– Salitang ugat: Sigaw
– Panlapi: ipinag (unlapi)
Um (gitlapi)
An (hulapi)
5. Ang Kasalungat na Kahulugan
(Antonym)
• Mga Halimbawa:
– Lumaban – Sumuko
– Kumapit – Bumitaw
– Simula – Wakas
– Saya – Lungkot
– Lumapit – Lumayo
– Mahal – Mura
Konotasyon
• Ito ang pagpapahiwatig o asosyativong
kahulugan na maaring nagsasaad ng
cultural o pangkaranasang kahulugan,
gayundin, ng programatikong kahulugan
ayon sa pagkakagamit ng salita sa
pangungusap.
Konotasyon

Kolokasyon

Klaster

Kultural na Pangkaranasan
1. Kolokasyon
• Mahaba ang lubid na itinali niya sa puno.
• Mahaba ang dila ng kanilang kapitbahay.
• Mahaba ang kamay ng bisitang isinama mo.
• Mahaba ang buhay ng pusa.
• Makati ang alipunga.
• Makati ang dila niya.
• Makati siya.
2. Klaster
MGA HALIMBAWA

Mapagbigay Makasarili

Maalaga Pabaya

Matapat Salawahan

Mapagparaya Mapang-angkin

Pagmamahal Pagkamuhi
3. Kultural na Pangkaranasan

“Hindi ko ipinapangako ang walang


hanggan sa iyo, ang sa akin lang,
parehas tayong bato, na kung magka-
kiskisan ay posibleng magliyab ng husto,
kaya, sino ako para tumanggi sa
apoy?”
Ang mga Kaantasan sa Pagbasa
Ang mga Kaantasan sa Pagbasa

Ang batayang antas

Ang inspeksyunal na antas

Ang mapanuri o analitikal na antas

Ang sintopikal na antas


Mga Teknik sa Pagbasa
Mga Teknik sa Pagbasa

Iskaning Iskiming Kaswal

Kritikal Komprehensibo Replektib

Basang-tala/
Muling-basa o Suring-Basa o
Pagtatala o note
Re-reading Review
taking
WAKAS
(Maghanda ng ¼ yellow pad)

You might also like