You are on page 1of 8

MAIKLING KWENTO

• Ang maikling kuwento - ay isang maiksing salaysay hinggil


sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa
o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang.
• Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad
ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang
madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing
tauhan.
• Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng
Maikling Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon
ng mga Amerikano.
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
Tauhan- Likha ng manunulat ang kanyang mga tauhan. May
pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga
pangyayari.
 Tagpuan- Dinadala ng may akda ang mga mambabasa sa ibat-ibang
lugar at sa ibat-ibang panahon kung saan at kalian
nagaganap ang mga pangyayari.
Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng
mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan- Tulay sa wakas.

Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.


NOBELA
• Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang
mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't
ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-
200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo,
naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging
bahagi ng mga pangunahing henerong
pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may
istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming
tiyak na istilo.
ELEMENTO NG NOBELA
• Tagpuan - Lugar at panahon ng mga
pinangyarihan
• Tauhan - Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa
nobela
• Banghay - Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa
nobela
• Pananaw - Panauhang ginagamit ng may-
akda a. Una - kapag kasali ang
may-akda sa kwento b. Pangalawa –
ang may-akda ay nakikipag-usap c.
Pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon
ng may-akda
• Tema - paksang- diwang binibigyan ng diin sa nobela
• Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
• Pamamaraan - istilo ng manunulat
• Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
• Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahul
sa tao, bagay at pangyayarihan
Maraming Salamat
Po….

You might also like