You are on page 1of 2

Ano ang Nobela?

Ang nobela ay isa sa pinakakilalang uri ng panitikan sa buong


mundo. Patunay na dito ang mga akda tulad ng Harry Potter ni JK
Rowling na nakakuha ng lubos na atensyon sa mga taong mahilig
magbasa. Sa blog post na ito, iyong mababasa ang kahulugan,
elemento at ilan sa mga halimbawa ng nobela.
Ano ang Kahulugan ng Nobela?
Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng
mahabang kwento na nahahati sa mga kabanata. Ang kathang ito ay
karaniwang nabibilang sa katergoryang piksyon, samakatuwid, ito ay
karaniwang kathang isip lamang ng manunulat. Naglalaman ito ng
dalawa o higit pang mga tauhan, maraming pangyayari at may
kaganapan sa iba’t-ibang tagpuan. Binubuo ito ng 60,000 hanggang
200,000 na salita o 300-1,300 pahina. Ang kathang ito ay hindi
mababasa sa isang upuan lamang sapagkat mahaba at madami ang
mga kaganapan dito.
Dagdag pa, ito rin ay mahabang uri ng akda na naglalahad ng mga
karanasan ng pangunahing tauhan na pinag-uugnay ng mahusay na
pagkabalangkas ng awtor. Ang mga pangyayari sa akdang ito ay
matatagpuan sa mga kabanata. Ang bawat kabanata ay may
ginagampanan para mabuo ang kawili-wiling daloy ng kwento sa
nobela.
Elemento ng Nobela
Ang nobela ay may siyam na elemento, ito ay ang: tagpuan, tauhan,
banghay, pananaw, tema, damdamin, pamamaraan, pananalita at
simbolismo.

Tagpuan – Ito ay ang lugar at panahon kung saan naganap ang mga
pangyayari. Kumpara sa iba pang uri ng akdang pampanitikan, ang
kwento sa nobela ay hindi naganap sa iisang tagpuan lamang, sa halip
ang mga pangyayari ay nagaganap sa iba’t-ibang lugar at panahon.
Tauhan – Ito ang nagbibigay buhay at ang kumikilos sa akda.
Banghay – Ito ang pagkakasunud-sunod o daloy ng mga pangyayari.
Pananaw – Ito ay ang panauhang ginamit ng manunulat (Point of
view). Ito ay maaring maging una, pangalawa o pangatlo.
Una – Kapag ang may akda ay kasali sa kwento
Pangalawa – Ang may akda ang nakikipag-usap
Pangatlo – Ito ay batay sa obserbasyon ng may akda
Tema – Ito ay paksa kung saan umiikot ang istorya ng nobela. Ito ay
maaring maging tungkol sa pag-ibig, paghihiganti, digmaan,
kabayanihan, kamatayan, at iba pa.
Damdamin – Ito ang nagbibigay kulay sa mga pangyayari. Ang
damdamin ay ang emosyong nais iparating ng awtor sa mga
mambabasa.
Pamamaraan – Ito ay ang istilo na ginamit ng manunulat.
Pananalita – Diyalogong ginamit sa nobela
Simbolismo – Ito ay ang mga tao, bagay, hayop at pangyayari na
nagpapakita ng mas malalim na kahulugan. Ang magandang
halimbawa ng simbolismo sa nobela ay ang pagsusuot ng tauhan ng
itim na damit. Ito ay nangangahulugan ng pagluluksa sa tauhang
namatay.

You might also like