You are on page 1of 16

a.

Balang-araw maaaring
lumuwag ang tali at kami`y
pakawalan.
b.Malayo pa ang panahong
iyon.
a.Alam kong para sa aking sarili`y
magagawa kong iwasan o putulin
ang mga ito.
b.May mga buklod na matibay pa
sa alinmang lumang tradisyon na
pumipigil sa akin.
a.Nabuksan ang mga pintong
mahigpit na nakasara, kusa ang
iba, ang iba nama`y pilit at
bahagya lamang.
b.Bumukas pa rin at pinapasok ang
mga di-inanyayahang panauhin.
a.Wala akong ibang ibig gawin
kundi ang ipagkaloob ang sarili sa
mga nagtatrabaho`t nagsisikap na
bagong kababaihan ng Europe.
b.Pahihintulutan lamang ng mga
batas ng aking bayan.
a.Paano nga ba hindi
magkakaganoon?
b.Ginawa lamang para
sa lalaki ang mga batas.
PANG-UGNAY
PANG-UGNAY
Mga salitang nagpapakita ng
relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, maaaring salita,
dalawang parirala o ng
dalawang sugnay.
A.PANGATNIG (CONJUNCTION)
•Mga salitang nag uugay sa dalawang salita,
parirala o sugnay.
1. Siya ang magluluto ng hapunan at ako
naman ang maghuhugas ng plato.
2. Ako ay naiinis dahil hindi siya
nakikinig sakin.
HALIMBAWA NG PANGATNIG
•Tulad ng
•Kahit na
•Dahil sa
•Kasi
•Palibhasa
•Bukod-tangi
B. PANG-ANGKOP (LIGATURE)
•Mga katagang nag-uugnay sa panuring
at salitang tinuturingan
1. Si Ana ay nakasuot ng maluwag na
pantalon.
2. Si Jose ay nakatira sa bahay na
bato.
HALIMBAWA NG PANG-ANGKOP
•Na
•Ng
C. PANG-UKOL ( PREPOSITION)
•Mga salitang nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang salita.
1. Ang mga aklat na ito ay para sa
bantang lansangan.
2. Ang kanilang tinatalakay ay tungkol
kay Juan.
HALIMBAWA NG PANG-UKOL
•Ang/si
•Ng/ni/kay
•Ayon sa/Ayon kay
•Para kay
• Panuto: Gamit ang mga larawan sa ibaba, sumulat ng isang
talataan na binubuo lamang ng limang (5) pangungusap na
ginagamitan ng mga uri ng pang-ugnay.
GAWAIN
Isulat ang iyong sariling
pananaw tungkol sa mga
napapanahong isyu sa ating
lipunan. Gumamit ng mga pang-
ugnay.
TAKDANG ARALIN
Magsaliksik ng mga balita
tungkol sa mga problemang
hinaharap ng mga kabataan
sa panahon ngayon.

You might also like