MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY JAMAICA GAILE A. DAGAN JENNY JOY D. DELA CRUZ LAICA P. DOMINGSIL CHRISTELLE L. NICOLAS Layunin • Malaman ang kalagayan ng wikang pambansa na Filipino sa kasalukuyang panahon. Kahalagahan • Upang mabigyan ng aksyon kung kinakailangan man ang mga problemang may kinalaman sa wika • Mabatid ang mga dapat pang linangin sa pag- aaral ng wika Metodolohiya • Ang mga nakalahad sa pananaliksik ay nakabatay sa mga datos na nakalap mula sa labinlimang nainterbyu (15) noong ika-11 ng Setyembre. • Anim (6) sa kanila ay traysikel drayber na nasa dalawampu’t apat (24) hanggang apat na put apat (44) na taong gulang at ang siyam (9) ay mga estudyante ng nasabing paaralan na nasa edad labinwalo (18) hanggang dalawampu’t isa (21). • Ang pag-aaral ay isinagawa sa Brgy. 16 Quiling Sur, City of Batac partikular sa Mariano Marcos State University. PAGSISIPI, PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN NG DATOS Pagsisipi, Paglalahad at Pagpapakahulugan ng Datos
• Iilan lamang ang nakakaalam ng Wikang
Pambansa sa mga traysikel drayber, samantalang alam lahat ng mga estudyante. • Sino ang kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa? Anim ang nakasagot ng tama sa mga kasali sa pag-aaral. • Sino ang Ama ng Balarilang Filipino? Sa labinlimabg (15) kalahok iisa lamang ang nakakuha na galing sa grupo ng mga estudyante. Pagsisipi, Paglalahad at Pagpapakahulugan ng Datos
• Kailan ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika?
Sa mga traysikel drayber, tatlo (3) ang nakakuha ng sagot samantalang lahat ng siyam na estudyante ang nakakuha rin ng tamang sagot. • Ano ang pambansang salawikain ng Pilipinas? Walang nakakuha ng tamang sagot. Pagsisipi, Paglalahad at Pagpapakahulugan ng Datos
Sa pangalawang parte ng katanungan,
• Isa (1) sa mga traysikel drayber ang nakapagbigay ng kahulugan sa mga salitang boxer shorts, razor, at honeybee sa salitang Filipino. • Dalawa (2) naman sa grupo ng mga estudyante ang nakapagbigay kahulugan sa salitang honeybee sa salitang Filipino Lagom • Sa panahon ngayon may mga tao pa ring nalilito sa tawag sa Wikang Pambansa, kung ito nga ba ay Tagalog o Filipino. • Karamihan sa mga Pilipino ang hindi nakakaalam kung sino ang Ama ng Wikang Pambansa at Ama ng Balarilang Filipino, mga naghahanap-buhay man o estudyante. • Iilan na lamang ang nakakaalam sa mga katumbas ng salitang Ingles sa salitang Filipino, sa kadahilanang ito ang nakalakhang gamiting salita. Kongklusyon • Madami nang mga lenggwahe ang nabuo ng mga tao. • Nalilimutan na ng mga tao ang mga salitang Filipino at higit ng ginagamit ang mga salitang Ingles o mga salitang nabuo ng mga tao katulad ng salitang balbal at gay lingo. • Ang wika ay patuloy na nagbabago at hindi maipagkakailang teknolohiya ang isa sa mga salik kung bakit ito nagbabago. • Sa mga nakikita at naririnig sa social media na kanilang ginagaya ay nakaka apekto sa kalagayan ng wika. • Ang Wikang Pambansa ay dapat alalahanin at payabungin para sa kapakanan ng bansa. Maraming Salamat!