You are on page 1of 20

ANG KASAYSAYAN NG SECTOR

43 ANDERSON GUERILLA
SA BAYAN NG TAYABAS

Eric Saragina
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Alamin ang naging kasaysayan ng


Sector 43 Anderson Guerilla sa
bayan ng Tayabas sa panahon ng
pananakop ng mga Hapones.
 . Ang pag-aaral na ito ay kapaki-pakinabang para
sa mga Tayabasin. Nang sa gayon ay malaman
nila ang naging papel ng Sector 43 sa
pakikipaglaban sa mga Hapones para sa
kalayaan ng bayan ng Tayabas. Makakatulong din
ito sa mga taong nagnanais na hukayin sa
kasaysayan kung ano nga ba ang Sector 43
Anderson Guerilla sa bayan ng Tayabas at kung
bakit dapat tawaging mga bayani ang mga naging
miyembro nito. Magiging kapaki-pakinabang
ang pag-aaral na ito sa mga naging kasapi ng
Sector 43 Anderson Guerilla upang
maisadokumento ang kanilang katapangan at
kagitingan.
1.Ano ang kasaysayan ng Sector
43 Anderson Gerilya sa Bayan ng
Tayabas?
Ang planong pagpunta ni Capt. Anderson
sa bansang Australia upang makipag-
ugnayan kay Gen. Douglas McArthur ang
siyang naging dahilan upang matatag ang
Sector 43 ng bayan ng Tayabas. Narating ng
grupo ni Anderson ang Mauban, Quezon at
nagsimula dito ang pagtatatag ng Anderson
Guerillas hanggang matatag ang Sector 43
na sumasakop sa bayan ng Tayabas at
Lucban.
Itinatag sa Silangang Palale nayong
nasasakupan ng Tayabas ang Sector
43 Anderson Guerilla.
Ginarantiyahan ito ni Alkalde Hilarion
Yanza. Sa dalawang squadron na galing
sa Sector 42 (Mauban Area) na
pinamunuan ni Commander
Domingo Reyes, nagsimula ang
Sector 43 ng Tayabas.
Si Major Nonito Ber Alonso ang
naging pinuno ng Sector 43 na kilala
rin sa tawag na Capt. Terry. Sa
pagtatag niya ng lakas labing anim na
squadron ang kanyang naitatag sa
bayan ng Tayabas. Naging isa rin siya
sa mga naging pangunahing sector
commander ni Capt.Anderson.
Napili nilang himpilan ang Silangang
Palale o taguan at ang nayon ng
Katigan na nasasakupan din ng nayon
ng Tayabas dahil sa kaligtasan ng pook.
Napakadawag ng lugar na hindi
madaling gapiin at pasukin ng mga
sundalong Hapones.
Noong ika-10 ng Nobyembre, 1944 ang
pinakamalungkot na bahagi sa kasaysayan
ng Sector 43. Napatay ng gabi ng araw na
iyon si Maj. Alonso, kasama halos ang
lahat ng kanyang mga Staff Officer na
kinabibilangan ni Lt. Leonardo Reyes, Lt.
Mario Abadicio, Sgt. Juanito Figura, Sgt.
Vicente Cabuyao, Sgt. Procopio Cabalsa
at ilan pang mga tauhan. Naganap iyon sa
nayon ng Igang, sa pagitan ng Lucban at
Luisiana.
2. Sino-sino ang mga naging
miyembro ng Sektor 43 Gerilya sa
bayan ng Tayabas?
ANDERSON GUERILLA
Sector 43 SMA
Staff Officers of Major Nonito Ber Alonzo
(From April 11, 1943 to his death, November 10, 1944)
MAJOR NONITO BER ALONSO
Sector Commander
FOUR ORIGINAL SQUADRON COMMANDERS
Captain Felipe Bandelaria
Lt. Dominador Z. Talavera
Lt. Benjamin C. Reyes
Lt. Bienvenido Jardiniano
STAFF OFFICERS
Lt. Hilarion R. Yanza Overall Adviser
Col. Perpetuo S.Velena Sector Adjutant
Capt. Ermelo T. Perez Sector Planning
Capt. Demetrio V. Oriaz Squadron Sup.
Lt. Carmelo C. Nadera Sector Finance
Lt. Cesar B. Eclarin Sector Intelligence
Lt. Leonardo A. Reyes Sector Organization
Lt. Leonides P. Ragudo Sector Inspector
Major Eriberto G. Eleazar Field Sup.
Dr. Carmelo C. Alandy Medical Officer
Lt. Emilio Bandelaria Supply
Lt. Alfonso C. Raca Finance
Lt. Donato O. Jardiniano Field
Maraming mga Tayabasin ang
kusang loob na naghandog ng sarili
upang sumapi sa Sector 43
Anderson Guerilla. Humigit
kumulang 300 ang mga Tayabasing
naging miyembro ng Sector 43
Anderson Guerilla sa bayan ng
Tayabas.
3. Ano ang papel na ginampannan
ng Sektor 43 Anderson Gerilya sa
bayan ng Tayabas sa panahon ng
pananakop ng mga hapones?
Ang Sector 43 ang naging panunahing
grupo ng gerilya sa bayan ng Tayabas
base sa naging dami ng miyembro nito
na mga tubong Tayabasin. Ang naging
pangunahing pagkilos ng Sector 43 ay
bantayan ang mga nagiging pagkilos ng
Japanese Imperial Army sa loob at
palibot-libot ng bayan ng Tayabas.
Ito ang naging pangunahing utos ni Capt.
Anderson sa kanyang mga tauhan ang
mangalap ng mga impormasyon na
makatutulong kay Gen MacArthur at
huwag magpadalos-dalos sa kanilang
pagkilos. Nagkakaroon din ang Sector 43
ng mga maliliit na pananambang sa mga
kalaban at kung minsan ay nakikipag- joint
command sa Hunters ROTC.
Ang Sector 43 Anderson Guerilla ay
ang isa sa mga pangunahing grupo ng
gerilya na natatag sa bayan ng Tayabas.
Binubuo ito ng labing anim na
squadron na siyang nagbabantay sa
loob at palibot-libot ng bayan ng
Tayabas.
MARAMING SALAMAT PO!

The End

You might also like