You are on page 1of 35

May Plastik Ang Mundo

Matagal na Huwan
Matagal nang ipokrito ang laro mong ito
Matagal nang ika’y my trono sa impyerno
At nilulumot na ang kapwa mo tao.
Sa iyo, lumang tugtugin na ang pag-ibig sa Diyos
Patay na si “ Bigayan “ itsura ni “ damayan “
Ang takot ay wala na’t nilamon ng siglo
Ang ginto mong pader, malaya kay Kristo
Mga Talinghaga

• Ipokrito ang laro mo


• Trono sa impyerno
• Nilulumot ang kapwa mo tao
• Patay na si “bigayan” itsura ni “damayan”
• Nilamon na ng siglo
• Ginto mong pader
Natutuwa ka sa iyong panalo
Ang bahay mo’y pito; ang kotse ay walo
Sa bahay ampunan, sa “Mental Hospital”
Kaharap-harap mo, kamera’t potograpo
Nagagalit kang madaya ng iba;
Bago ang maskara’y suot-suot mo na
At ang simbahan ginawa mong bangketa
Mga talinghaga
• Maskara’y suot-suot mo na
• Simbaha’y ginawa mong bangketa
Paluhod-luhod ka kung Linggo’t Huwebes Santo
Tapos duduraan mo ang pulubi sa kanto
Magmumura ka’t manloloko ng tao
Nasisikmura mo ang ganitong serbisyo?
Mga Talinghaga

• Duduraan mo ang pulubi sa kanto


• Nasisikmura mo ang ganitong serbisyo
Huwan, O Huwan
bakit? O Bakit ba?
Ang magandang larawa’y ginawa mong dikdikan.
Dapat bang isigaw at ipagbulgarang…
Binalot mo ng plastik…ang mundo, ang mundo!
Mga Talinghaga

• Huwan, O Huwan! Bakit? O bakit ba?


Ang magandang larawa’y ginawa mong dikdikan
• Binalot mo ng Plastik… ang mundo
TAYUTAY

• Ang paggamit ng mga salita sa kanilang


di-karaniwan at literal na kahulugan upang
maging kaakit-akit at malinaw na istilo. Ito
ay nakapagdaragdag ng kagandahan sa
isang katha, pasalita man o maging
pasulat
Simili o Pagtutulad

• - Ginagamit ito sa paghahambing ng


dalawang bagay, tao, pangyayari atbp.
Ito’y gumagamit ng mga pagtutulad na
salita.

Katulad mo’y pambura ng aking lapis


Inaalis, alaalang puno ng hapis
Larawang may tuwa
Muling iguguhit
Metapora o Pagwawangis
• naghahambing din tulad ng pagtutulad
ngunit hindi gumagamit ng mga
pagtutulad na salita. Ito ay tiyakang
paghahambing.

Ikaw ang payong ng aking buhay


Silungan ng init
Hatid ay proteksyon
Sa panahong masungit
Personipikasyon
• Pagbibigay katauhan o pagsasalin ng
talino o gawain at katangian ng tao sa
mga bagay-bagay sa paligid natin.

Umahip ang hangin


Yumapos sa akin
Hatid na ligaya
Sa pusong may dusa
Pagmamalabis
Tinatawag din itong eksaherasyon. Ito’y
nagbibigay ng lagpas-lagpasang kalabisan o
kakulangang angkin ng mga bagay, tao,
pangyayari, kalagayan o katayuan.

Nadurog ang puso


Ng amang palalo,
Sinapit ng anak
Sa malupit niyang palad
Metonimiya o Pagpalit-tawag
• Ang pansamantalang pagpapalit ngalan
o pagbibigay ng ibang katawagan ng
mga bagay na magkakaugnay

Ilaw ng tahanan
Ikaw ang sandigan
Lamyos ng pagmamahal
Sa pag-unlad ko’y tangan
Senekdoke o pagpapalit-saklaw
Ang tayutay na ito’y bumabanggit sa
isang bagay para tukuyin ang kabuuan

Ang palad ng babae


Ay babasaging salamin
Na kung iyong hihingin
Ay taimtim mong idalangin
Balintunay o Ironya
• Ang pagpapahayag na ganito ay
parang pumupuri ngunit kung
uunawaing mabuti ay pangungutya

Sa Husay ng mga namumuno


Pamahalaan ay gumuho
Mga tapat sa tungkulin
Barya sa bulsa ko’y kumakalansing
Ang Apostrope o Pagtawag
Ito’y tuwirang pagtawag o pakikipag-
usap sa isang di-kaharap, o panawagan
sa isang bagay na bagamat wala ay
ipinalalagay na naroroon at nakauunawa

Kapayaan
Kailan ka ba namin makakamtan?
Kung ikaw ay ipinagkakait
Sa baryang halaga ang kapalit?
Pagsayusay (Tanong Retorikal)
• Ito’y isang pagtatanong na karaniwang
nasa anyong panawagan subalit di
nangangailangan ng katugunan

Sinong ama ang makakatiis


Sa pagdurusa ng anak
At paghihirap
Na pasakit
Paghahalintulad ( Analogy)

• Ito’y ang tuwirang paghahambing


ng mga kaugnayan o relasyon

Tubig at langis
Ang kanilang kaparis
Away at parungit
Sa kanila’y mamumutawi
Ang Pag-uulit
• Ito’y ang paraan ng paggamit ng
magkakatulad na mga unang titik o pantig
sa dalawa o higit pang mga salitang
magkakasunod

Sa luneta lilibot’
Lulukmo’t lulunurin
Ang lungkot
Paglalapat ng tayutay sa tula

Ang Hindi Magmahal sa sariling wika


Mahigit sa ____ at ______

Sa Aking mga Kababata


Dr. Jose P. Rizal
Ang Hindi Magmahal sa sariling wika
Mahigit sa hayop at malansang isda

Sa Aking mga Kababata


Dr. Jose P. Rizal
Sapagkat ang punong may hangad sa ____
Ay mariing hampas ng langit sa ______

Florante’t Laura
Francisco Balagtas
Sapagkat ang punong may hangad sa yaman
Ay mariing hampas ng langit sa bayan

Florante’t Laura
Francisco Balagtas
Ikaw nga ikaw nga ang nang isang araw
Itong buong _____ ay kinaladkad mo’t
Iyong _____ hanggang maging iyo

Sa Harap ng Isang Bungo


Jose Corazon De Jesus
Ikaw nga ikaw nga ang nang isang araw
Itong buong mundo ay kinaladkad mo’t
Iyong inilipad hanggang maging iyo

Sa Harap ng Isang Bungo


Jose Corazon De Jesus
Nang akoý maulila,
Gumuho ang buong ____,
Mga mataý lumuluha.
________ nag-aadhika

Ulila
ni Norilyn Ilagan
Nang akoý maulila,
Gumuho ang buong tadhana,
Mga mataý lumuluha.
Pusoý nag-aadhika

Ulila
ni Norilyn Ilagan
Sa tuwing sasapit ang petsang ito
________sa tuwa ang puso ko
Kung magagawa ko lang ____ ito
At ialay sa nag-iisa kong mahal na nanay

Pasasalamat Ko kay Nanay


ni Paul Pruel
Sa tuwing sasapit ang petsang ito
Lumulukso sa tuwa ang puso ko
Kung magagawa ko lang dukutin ito
At ialay sa nag-iisa kong mahal na nanay

Pasasalamat Ko kay Nanay


ni Paul Pruel
Palikha ng tula gamit ang bagay

You might also like