You are on page 1of 15

Sesyon: 8

1st Quarter
TUKLASIN

Ang kapansanan sa katawan ay hindi hadlang para


umasenso. Ngayong araw na ito ay pag-aralan natin
ang mga salitang nababasa natin sa tula at ang
kahulugan nito.
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

1. Ano ang kahulugan ng SPED?


2. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa special child?
3. Ano ang nararamdaman mo pag nakakita ka ng mga special
children? Ano-ano ang ginagawa mo?
4. Dapat ba nating bigyan ng limos ang mga pulubi? Bakit?
GAWAIN 1
Bawat bata ay bibigyan ng istrip ng mga salita at ibigay ang kahulugan; gamitin
ang diksyunaryong Filipino…gamitin sa sariling pangungusap

Pulubi bingi pipi kapansanan hanapbuhay pilay abuloy

Api sikap masagana sagwil


GAWAIN 2

• Pag-uulat sa bawat pangkat. Sa mga nagawa nilang


mga tanong batay sa larawan
Alam mo ba na…
Ang kapansanan sa katawan ay hindi hadlang sa
buhay ng isang tao. Kailangan lang talaga na may
positibong pananaw sa buhay ang tao. Babasahin at
pag-aaralan natin ngayon na ang kapansanan ay hindi
hadlang sa tagumpay ng isang tao.
GAWAIN 3
Mga taong may kapansanan; Pangkatang Gawain; (4 na Pangkat)
Batay sa mga larawan isulat ang tatlong salita na mabubuo ninyo at
isulat ang kahulugan nito sa manila paper
GAWAIN 4
PANGKATANG GAWAIN

Pag-uulat ng bawat pangkat sa ginawa nila sa mga


larawan sa harap ng klase.
GAWAIN 5
PANGKATANG GAWAIN

Pagtsek ng pagsusulit ng mga mag-aaral.


GAWAIN 6
PANGKATANG GAWAIN

Isasaulo ang tula na nabasa at isulat sa ½ papel


ang buod nito
TANDAAN MO
Madali lang na matutuhan ang kahulugan ng
mga salita kung ito ay ginagamit sa
pangungusap. Sa pagsulat ng isang talatang
komposisyon ay madali at mahusay ang kung
naintindihang mabuti ang mga salita na
ginagamit. Sa pagbibigay buod ng binasang tula
ay madali lang pag naunawaan ang mga salita
na ginamit sa tula.
PAGSUBOK NG KAALAMAN
Basahin ang sumusunod na dalawang saknong na tula
at isulat ang buod nito sa ½ papel na crosswise
Kapaligiran Natin

Halinang magdilig sa patak ng ulan,


Malamig na hangin sila ay hahagkan,
Tayo’y maglalaro sa bundok at parang,
Ang lupang maganda’y ating iingatan.

Ang ilog, ang dagat, ating linisin,


Huwag itong tapunan ng basura natin,
Yaong mga isda’y ating paramihin,
Huwag lagyan ng lason, dagat kalingain
PAGLALAPAT
Piliin sa kahon ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang nakasalungguhit
sa pangungusap. Isulat sa patlaang ang titik ng tamang sagot.

a. nagkalat f. sobra
b. alaga g. madala
c. sira-sira h. damit
d. hindi makatuwid i. pagod
e. mag-angat ng ulo j. paos
PAGLALAPAT
______1. Ang sanggol ay labis na nagutom kaya sumakit ang kanyang tiyan.
______2. Ang saplot ay proteksyon ng katawan laban sa init at lamig.
______3. Hapo ang katawan ng babae dahil sa maghapong paglalakad.
______4. Kailangan kang tumunghay para makita ang nasa paligid mo.
______5. Lalong gininaw ang bata dahil sa gula-gulanit ang damit niyang suot.
______6. Naglipana sa syudad ang mga batang walang tirahan.
______7. Madaling maanod ng tubig ang magaang bagay.
______8. Ang bahaw na tinig ng bata ay dulot ng walang humpay na pag-iyak.
______9. Ang mga anak ay dapat kupkop ng ina sa tahanan.
______10. Namamaluktot sa paghiga ang bata dahil sa ginaw.
GAWAIN 5
Suriin ang panghalip panaong may salungguhit sa pangungusap.
Isulat sa unang patlang kung una, ikalawa, o ikatlong panauhan. Isulat
sa ikalawang patlang kung ito ay isahan, dalawahan o maramihan ang
kailanan nito;

____________ 1. Kayo ay ang kasapi ng pangkat Sunflower.____________


____________2. Iniulat niya ang kanyang pagsisiyasat.____________
____________3. Tayo nang magsimula sa pagbubungkal ng lupa sa ating
GPAK.____________
____________4. Para sa amin ang mga libro na idiniliber kanina ng
babae.____________

You might also like