You are on page 1of 53

Iba’t Ibang

Mapagkukunan
ng mga
Impormasyon
INTERNET
Sa panahong ito kung saan laganap
at napakabilis na ng modernisasyon sa
teknolihiya, napakadali ng kumalap o
kumuha ng impormasyon sa tulong ng
Internet. Isang click lang sa mga search
engine tulad ng Google ay aabot sa
daang libong resulta ang lalabas sa
loob lang ng kalahating Segundo.
Subalit kailangang maging mapanuri at
matalino rin ang taong nananaliksik upang
matukoy kung mapagkakatiwalaan at tumpak
ba ang web site na may domain extension na
.edu (education), .org (organization) .info
(information) o .gov (goverment) ang
panggagalingan ng impormasyon dahil
maaaring mas beripikado ang nilalaman ng
mga ito kaysa iba.
Dapat ding tandaan ng nananaliksik
na hindi nya basta puwedeng kopyahin at
angkinin ang mga impormasyong
makukuha sa mga website dahil ito’y
paglabag sa intellectual property rights at
copyright ng mga ito. Mahalagang
banggitin o bigyang pagkilala ang
pinagmulan ng mga impormasyon.
SILID-
AKLATAN
Maging sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng
teknolohiya, ang mga nakalimbag na aklat at
maging ang mga e-book ay mabisa pa ring
mapagkukunan ng impormasyon. Kaama na rito
ang iba’t ibang sanggunian tulad ng
encyclopedia, alamanac , atlas, at diksiyonaryo.
Mahalaga lang na tingnan ang petsa ng
pagkakalimbag o pagkakasulat sapagkat kapag
masyado nang luma ang aklat ay maaaring may
mga mas bago nang impormasyong hindi
taglay ng mga ito.
Mga Artikulo sa
Magasin at
Diyaryo
Sa mga magasin at diyaryo
man ay marami ring artikulo
o tekstong maaaring
pagmulan ng kinakailangang
impormasyon.
Mga Video mula sa
YouTube, mga
Dokumentaryo, at iba
pang Palabas
Pantelebisyon
Ang mga impormasyon ay hindi
lang nagmumula sa mga
nababasang pinagkukunan
kundi gayundin sa mga
napapanood na video,
dokumentaryo, at iba pang
palabas pantelebisyon.
Mga Panayam,
Seminar, at Workshop
Ang ilang napapanahong
impormasyon ay maaari ding nagmula
o makuha sa mga panayam,seminar, at
workshop kung saan ang mga
tagapagsalita o tagapanayam ay mga
eksperto sa paksang kanilang
ibinibigay para sa mga tagapakinig.
TULALANG
(EPIKO NG MGA MANOBO)
Manobo
Ang mga Manobo ay grupo ng mga katutubong
matatagpuan sa Pilipinas, partikular na sa isla ng
Mindanao, sa mga probinsya ng Bukidnon,
Cotabato, Davao, Misamis, at Surigao. Ang ilan sa
mga kaugalian at tradisyon ng mga Manobo ay
ang pagkakasting o paggawa ng mga alahas;
naniniwala sila sa Diwata; at, naniniwala rin sila
sa mga kaluluwa at elementong hindi nakikita.
Karaniwang nagtatanim ng mga palay at mais
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
MANOBO.
Pinamumunuan sila ng isang Sultan o Datu,
Ang lalaki sa kanilang pangkat ay maaaring makapag-asawa
ng higit sa isa kung siya ay may sapat na kayamanan o
mapangyarihan
Nauuri sa dalawa ang mga tao sa kanilang lipunan: Ang mga
kabilang sa maharlikang pangkat at ang mga
pangkaraniwang mamamayang nasa ilalim ng kpangyarihan
ng mga Maharlika
Naniniwala sila na may isang MAKAPANGYARIHANG
ESPIRITU o GREAT SPIRIT na siyang pinakamataas sa lahat
Pang-ugnay na
Ginagamit sa
Pagbibigay ng Sanhi at
Bunga,Panghihikayat,
at Pagpapahayag ng
Saloobin
 Ang maayos na pag-uugnayan ng
mga salita,parirala, at
pangungusap ay mahalagang
sangkap para sa malinaw,lohikal,
at mabisang paglalahad.Sa
paggamit ng iba’t ibang pang-
ugnay, higit na nabibigyang diin
ang layunin sa pagpapahayag.
1. Pang-ugnay na ginagamit sa
pagbibigay ng sanhi at bunga
 Pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi
o dahilan: sapagkat/pagkat,
dahil/dahilan sa,palibhasa, at
kasi/naging
 Pang-ugnay na nagpapakita ng
bunga o resulta: kaya/kaya
naman,dahil ditto, bunga nito, tuloy
2. Pang – ugnay na ginagamit sa
panghihikayat
Pang-ugnay na nagpapakita ng
pagsang-ayon:totoo,oo,Mabuti,at
sigurado
Pang – ugnay na nagpapakita ng
pagtutol: hindi, ngunit, subalit,
datapwat, at bagama’t
3. Pang-ugnay na ginagamit
sa pagpapahayag ng
saloobin. Ilan sa mga ito ay
ang :sa palagay
ko,kapag,pag, kung gayon,
sana at basta.

You might also like