pagkatapos, hihikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng mga hakbang sa paggawa ng ibinigay na paksa. Gabay na Tanong: 1. Ano-anong mga salita sa mga hakbang na inyong inilahad ang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod? 2. Ano kayang mangyayari kung hindi masunod ang mga hakbang na inyong inilahad? 3. Paano nakatutulong ang mga salitang nagsasaad ng pagkakasunod-sunod sa paglalahad ninyo ng hakbang? Napakahalaga sa pagsulat ng pinal na manuskrito ang tamang pagkakaayos ng mga nakalap na mga datos upang masiguro ang katumpakan ng mga impormasyong nais ipahatid sa mga mambabasa. Napakalaki ng papel na ginagampanan ng mga pahayag sa pag-aayos ng datos. Sa pagsisimula: Una, Sa umpisa, Noong una, Unang-una
Sa gitna: Ikalawa, ikatlo…Sumunod,
Pagkatapos, saka.
Sa Wakas: Sa dakong huli, sa huli,
wakas. Pagsunod-sunurin ang mga pangungusap ayon sa tamang ayos sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-7 sa mga patlang bago ang bilang. Ang Tamang Paraan ng Paghuhugas ng Kamay ____1. Unang-una basain ang mga kamay ng malinis at dumadaloy na tubig. ____2. Sa huli, patuyuin ang mga kamay gamit ang malinis na tuwalya o air dry. ____3. Sunod, sabunan nang mabuti ang kamay. ____4. Ikatlo, kuskusin ang mga palad at likod ng kamay. ____5. Saka banlawan nang mabuti ang kamay ng malinis at dumadaloy na tubig. ____6. Ikalima, kuskusin ang mga kuko at mga hinlalaki. ____7. Ikaapat, isa-isahing kuskusin ang mga daliri lalo na ang mga pagitan nito. • Bumuo ng isang talatang tungkol sa Kulturang Pilipino na ginagamitan ng mga pahayag sa pag-aayos ng datos.