You are on page 1of 11

Filipino 8

GNG. SHEENA S. GREGORIO


KARUNUNGANG BAYAN

Ang Karunungang Bayan ay isang sangay ng Panitikan


kung saan nagiging daan ito upang maipahayag ang
mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng tao.
Nakatutulong ito sa pag-angkin ng kamalayang
tradisyunal, na nagpapatibay sa pagpapahalagang
kultural.
SALAWIKAIN

- Isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng mga


matatanda noong unang panahon upang mangaral at
akayin ang mga kabataan sa mabuting asal.
- PADRE GREGORIO MARTIN at MARIANO CUADRADO ang
unang nagtipon ng mga salawikaing tagalog
- DAMIANA EUGENIO- gumawa ng masusing pag-aaral
tungkol sa mga salawikain ng Pilipinas
Ang mga pangkat ng Salawikain:

1. Nagpapahayag ng panlahat sa paningin ng buhay at sa


batas ng buhay.
2. Nagpapahayag ng mabuting asal.
3. Nagpapahayag ng pagpapahalaga ng mga tao.
4. Nagpapahayag ng panlalahat na katotohanan sa buhay at
kalikasan ng tao.
5. Nakakapagpatawa.
Mga katangian ng Salawikain:
- maikling pangungusap.
- Payak
- karaniwang mga pananalita
- kinasasalaminan ng mga puna sa buhay
- may tugma ang karamihan
- pag-uulit ng mga salita
“Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.”

“ Kapag may isinuksok, may madudukot.”

“ Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.”

“ May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.”


SAWIKAIN
- Ito ay mga patalinhagang mga pananalita. Ito ay isang
paraan ng pagpukaw at paghasa sa kaisipan ng tao.
Nakalilibang ito bukod pa sa nakapagdadagdag ng
kaalaman.
- Hulog ng Langit (Suwerte)
- Makuwang ang Turnilyo (Luko- luko)
- Makati ang Dila (Madaldal)
- Bukambibig (lagging sinasambit)
- Anak Pawis (Dukha)
KASABIHAN
- Ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung
tawagin sa Ingles ay Nursery Rhymes o Mother Goose.
Ito ay mga tulang pambata o tugmang walang diwa o
mababaw lamang ang isinasaad na kahulugan.
- “putak ng putak batang duwag, matapang ka’t nasa
pugad.”
Gamit ng mga Kasabihan:

1. Pang-aliw, tulad ng katuwaan ng mga naglalarong bata


2. Panudyo, ginagawa ng mga bata sa kalaro kapag
nagkakapikunan
3. Sabi-sabi, o bukambibig lamang
4. Pampadulas-dila, ito’y larong pangkasanayang dila nang
lumaki na hindi utal ang isang bata
BASAHIN ANG
ALAMAT MULA SA
LUNGSOD NG
ALAMAT BAGUIO, “KUNG
BAKIT NASA ILALIM
NG LUPA ANG
GINTO.”
Takdang Aralin:

Sagutan sa kuwaderno ang mga


talasalitaan sa pahina 1. ilagay
ang kahulugan at gamitin sa
pangungusap. (2puntos bawat
isa)

You might also like