You are on page 1of 15

Teodoro A.

Agoncillo
Ni: Princes Katherine Dawn G. Pernito
Si Teodoro A. Agoncillo kilala sa
katawagang "Teddy" o "Ago" ng mga
kaibigan ay tanyag na istoryador,
mangangatha, at makata. Isinilang siya sa
Lemery, Batangas noong 9 Nobyembre
1912, at namatay noong 14 Enero 1985.
Higit siyang kilala bilang
istoryador, at sumulat ng mga akda
gaya ng The Story of Bonifacio and the
Katipunan: The Revolt of the Masses
na sumuri sa papel ni Andres Bonifacio
sa 1896 Himagsikan at sa bisa ng
kanyang kamatayan.
Sinundan iyon ng Malolos: The Crisis
of the Republic na nagtampok naman sa
Kasunduan sa Biyak na Bato. Sa
pagtataksil ng Estado Unidos, sa Digmaang
Filipino-Amerikano, sa mga ilustrado at
pagtataksil mismo ng ilang Filipino sa
pagtataguyod ng Republika ng Filipinas.
Sinulat din ni Agoncillo ang A Short
History of the Filipino People, na bumago
sa pagsulat ng kasaysayan ng bansa at
ginawa pang sangguniang aklat ng lahat ng
estudyante sa unang taon sa unibersidad.
Ang iba pang aklat niya ay ang sumusunod:

The Fateful Years: Japan’s Adventure in the


Philippines , Filipino Nationalism, at The
Burden of Proof: The Vargas-Laurel
Collaboration.

Tula
Republikang Basahan
Itinuwid ni Agoncillo ang maraming mali
sa pagsulat ng kasaysayan at gumamit ng punto
de bista ng Filipino sa pagbusisi ng kasaysayan.
Ang kanyang mga sanaysay hinggil sa
kasaysayan na pawang nalathala sa mga
pahayagan ay nagbigay panibagong kulay sa
nakababatong paglalahad hinggil sa mga
pangyayari noong nakaraang panahon. Kinilala
ni Tomas Fonacier, dating dekano sa UP, ang
husay ni Agoncillo at hinirang itong sulatin muli
ang kasaysayan ng Filipino na noon ay laging
ang ipinagmamagara lamang ay mga natamo at
tagumpay ng mga mananakop na Espanyol at
Amerikano.
Alagad ng Panitikan

Sumulat ng mga tula, kwento, at sanaysay si Agoncillo,


at nagtipon ng mga tula at kwento na pawang sinulat ng
kanyang mga kapanahon. Pinamatnugutan niya ang
klasikong Maikling Kwentong Tagalog 1886-1948, at
nakabuo ng isang koleksyon ng mga tanagang hindi pa
nalathala magpahangga ngayon.
Republikang Basahan
Teodoro Agoncillo

Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?


Ang tingin sa tanikala'y busilak ng kalayaan?

Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y nakasusi,


Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?

Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng pagtataksil


Sa sarili, lipi't angkan, sa bayan mong dumaraing!
Kalayaan! Republika! Ang bayani'y dinudusta.
Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!

Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili


Ang dangal ng tahanan mong ibo't pugad ng pagkasi.

Malaya ka, bakit hindi? Sa bitaya'n ikaw'y manhik,


At magbigting mahinahon sa sarili na ring lubid!

Kalayaan - ito pala'y mayron na ring tinutubo


Sa puhunang dila't laway, at hindi sa luha't dugo!
Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang
nangangarap,
Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.

Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing,


Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing!

Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,


Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin!

Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay,


Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay.
Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika,
Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi't gawa.

Republika na nga itong ang sa inyo'y hindi iyo,


Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!

Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi?


Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati!

Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok,


Palipasin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.
Kasarinlan! Republika! Kayo baga'y nauulol,
Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng kabaong?

Repblika! Kasarinlan! Mandi'y hindi nadarama,


Ang paglaya'y sa matapang at sa kanyon bumubuga!

Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng Kalayaan


Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan!
Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng isang sibat,
Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapwa tabak.

Ang paglaya'y isang tining ng nagsamang dugo't luha,


Sa saro ng kagitinga'y bayani lang ang tutungga.

Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin,


Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim!

You might also like