You are on page 1of 18

TULA

Ano ang Tula?

Ang Tula ay ang


pinakamaikling uri ng panitikan.
Binubuo ito ng mga salitang
maingat na pinili upang maipakita
ang isang kaisipan at
nararamdaman. Ito ay inilalahad
sa iba’t ibang uri o paraan.
Bakit kawili-wili ang pagbabasa ng tula?

Ang bawat saknong ng


tula ay may tugma at
ritmo na naggaganyak sa
mga mambabasa na
kawilihan at maibigan ito.
Sukat ang tawag sa bilang ng
pantig sa bawat taludtod ng tula .
Ang paggamit ng pagwawangis
(simile), pagtutulad (metaphor), at
pagtatao (personification) ay mga
tayutay na naglalantad ng
talinhaga ng tula.
Saknong ang tawag sa grupo ng
mga salita na may dalawa o higit
pang taludtod na bumubuo sa
tula.
Mga Elemento ng Tula
1.Tagapagsalaysay (speaker)
Ang tagapagsalita o nagsasalaysay
ng tula
2.Tagapakinig (audience)
Tao o mga taong kinakausap ng
nagsasalita
3. Paksa (topic)
Ang pangkalahatan o tiyak na paksa
ng tula
4. Tono (tone)
Tumutukoy sa saloobin ng may akda
ukol sa paksa ng tula
5. Tema (theme)
Tumutukoy sa pahayag ng may-akda
hinggil sa paksa ng tula
6. Diksyon (diction)
Tumutukoy sa pagpili ng may-akda
ng mga salitang gagamitin sa tula.
7. Sintaks o Palaugnayan (syntax)
ang pagsasa-ayos ng mga salita,
parirala at mga sugnay na ginamit sa
tula.
8. Matalinhagang Paglalarawan (imagery)
Mga salita o pariralang ginamit ng may-
akda upang matulungan ang mambabasa
na mailarawan sa isip ang mga sumusunod
na pandama: pang-amoy, paningin,
panlasa, pandinig at pandamdam.
9. Tayutay (figures of speech)
Tumutukoy sa mga patulang salita na
ginagamit upang ang dalawang bagay o
larawan ay mapagtulad upang gawing
kawili-wili at makahulugan ang pananalita.
10. Tunog (sound)
Ang paggamit ng mga patinig, katinig, diin
at kombinasyon ng tatlo.
11. Ritmo (rhythm)
Ang pag-uulit ng diin sa tula.
Dalawang Uri ng Tula

Tradisyunal – ito ay sumusunod sa


itinakdang panuntunan ng wika at
sintaks. Ito ay may ritmo at tugma.
Makabago – ito ay may sariling
paraan ng pagpapahayag. Hindi ito
gumagamit ng tugma, ayos at ritmo.
Iba’t ibang anyo ng Tula
Cinquain – Binubuo ng limang linya na
may itinakdang bilang ng
pantig o salita. Hindi
magkakatugma ang mga
salita rito.
Linya 1 – Pamagat – isang salita o dalawang
pantig
Linya 2 – Paglalawaran o halimbawa ng pamagat
– dalawang salita o apat na pantig
Linya 3 – Kilos na isinasagawa ng pamagat.
Tatlong salitang parirala o anim na
pantig
Linya 4 – Apat na salitang parirala na
naglalarawan sa damdamin tungkol sa
pamagat o walong mga pantig.
Linya 5 – Kasingkahulugan ng pamagat – isang salita na
may dalawang pantig
Cinquain

Punongkahoy
Luntian, Madahon
Lumalaki, Namumulaklak
Namumunga, Kay gandang
Pagmasdan Halamanan
HAIKU

Isang uri ng tulang


binubuo ng 17 pantig. Ang
mga salita ay pinagsama-
sama. Ang damdamin ng
tulang ito ay nakatuon sa
panahon at kalikasan.
Haiku

Buwang maliwanag
gumagabay sa gabi
umiilaw
DIAMONTE
Diamonte – Isang tulang may hugis diamonte.
Madaling isulat ang tulang ito.
Sundin ang mga hakbang na ito
Linya 1 – Isang salita/paksa
Linya 2 – Dalawang pang-uri na naglalarawan sa
salita/paksa
Linya 3 – Tatlong salitang pandiwa na nagsasabi
sa kilos ng salita/paksa
Linya 4 – Apat na salita, ang dalawa ay
naglalarawan sa paksa at ang huling dalawa ay
naglalarawan sa kasalungat ng salita/paksa
Linya 5 – Tatlong salita na nagsasabi sa kilos o
gawain ng kasalungat na salita o paksa
Linya 6 – Dalawang pang-uri na naglalarawan sa
kasalungat
Linya 7 – Isang salita (kasalungat ng salita o
paksa ng unang linya)
Tag-init
Maalinsangan, matindi ang init
Namamaypay, naliligo, nagpapalamig
Tuyot, di-maulan, malamig, maginaw
Nanginginig, naninigas, nagbabalabal
Kanais-nais, presko,
Taglamig
TULANG LIRIKO

Ang Tulang Liriko ay may sukat at


tugma
Sukat- bilang ng pantig sa bawat
taludtod na bumubuo ng saknong.
Tugma- mga salitang magkakasing-
tunog sa isang taludtod ng tula.
Nagpapaganda ng diwa ng tula ang
pagtutugma.
TULANG LIRIKO
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang
lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal
dilag
Ang di magnasang
makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya.

You might also like