You are on page 1of 15

Kahulugan ng

Pamilyar at Di-Pamilyar
na Salita
Prepared By:
Sylvia R. Orcajo
Tuklasin Natin!

Ang ating buhay ay iisa lamang. Kailangan


natin itong ingatan. Tulad ng paninigarilyo na kung
saan ay isang kasanayan kung saan sinusunog ang
isang sangkap. Ito rin ay ang pangunahing sanhi ng
sakit sa puso, baga, kanser at iba pa. Tuklasin natin
kung paano nakakaapekto ang paninigarilyo sa
ating buhay.
1. Ano ang inyong nakita sa larawan?
2. Nakabubuti ba ito sa ating katawan?
3. May magaganda bang maidudulot sa gawaing ito?
4. Ano ang inyong maipapayo sa mga taong
naninigarilyo?
Gawin Mo!
Panuto: Tingnan ang salita sa kolum B na magtutugma sa pangungusap sa
kolum A.

Kolum A: Kolum B:
1. Ang intensyon o ang bagay na minimithi ng A. Sigarilyo
puso at damdamin ng isang tao/ pangkat.
B. Layunin
2. Ito ay sinasabi na hindi dapat gawin.

3. Sinisindihan sa kabilang dulo na bahagi nito at C. Bawal


sa kabila naman ay kung saan maaaring hithitin
ang usok.
Alam mo ba?

Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan


sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao
kada 13 Segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang
namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi
rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis
at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag-atake
ng hika.
Basahin Natin!
Buwan ng Hunyo: Bawal Manigarilyo
Ang buwan ng Hunyo bawat taon ay nagdiriwang ng “No
Smoking Month” alinsunod sa Republic Act 9211 ng Tobacco
Regulatory Act ng taong 2003. Ano ang layunin nito? Sa buwan
nga lamang ba talaga ng Hunyo bawal ang paninigarilyo?
Hindi lamang sa buwan ng Hunyo ang mahigpit na
pagkakampanya para sa pagbabawal manigariyo. Kaya lamang
sa buwang ito pinaiigting ang kampanya ng Department of
Health (DOH) na talikuran na ang masamang gawaing ito.
Ayon sa estatistika, 41 porsyento ng matatandang
Pilipino ay naninigarilyo. Ang 64 porsyento nito ay kalalakihan
at 18 porsyento ay kababaihan.
Polusyon sa hangin ang idinudulot ng usok ng sigarilyo.
Nagdudulot din ito ng karamdaman sa naninigarilyo at sa
nakalalanghap lamang ng usok nito. Pinatunayan ng mga
pagsusuri na ang paninigarilyo ay naging dahilan ng iba’t ibang
karamdaman. Nagiging sanhi ito ng kanser sa baga, sa bibig,
tiyan, lalamunan, lapay, bato, urinary bladder, prostate, at
cervical cancer. Ang paninigarilyo ang pangunahing sanhi ng
chronic obstructive pulmonary disease (COPD), isang
kondisyon na karaniwang anyo nito ay chronic bronchitis at
emphysema.
Hinaharang ng sakit na ito ang daloy ng hangin patungo
sa baga kay nagkakaroon ng kahirapan sa paghinga. Ito rin ang
pinakamatinding panganib sa cardiovascular disease na
nagiging sanhi ng heart attacks at stroke. Pinalala rin nito ang
hika o asthma. May ambag din ito sa cataract at iba pang uri
ng sakit sa mata, peptic ulcer, kakayahang magka-anak, at
kung ano-ano pang sakit sa katawan. Isa rin ito sa dahilan ng
pagkasira ng mga ngipin.
Ipinahayag ng World Health Organization (WHO), na sa
buong mundo, ang tabako ang dahilan ng tinatayang limang
milyong kaso ng pagkamatay bawat taon. Ag isang stick ng
sigarilyo ay nagpapaikli sa buhay ng isang tao ng mga 10-11
minuto. Ang labis na pagkalulong naman sa sigarilyo ay
nababawasan ang buhay ng pito hanggang walong taon.
Tunay nga na walang mabuting naidudulot ang
paninigarilyo. Hindi ito lingid sa kaalaman ng 70% ng mga
taong naninigarilyo. Nagnanais silang huminto na sa
paninigarilyo subalit hindi nila magawa. Maaring kulang sila sa
determinasyon.
Habang patuloy na ipinagdiriwang taun-taon ang Hunyo
bilang “No Smoking Month,” sana marami pang maninigarilyo
ang tuluyan na itong iwasan.
Pagsasanay
PANUTO: Isulat ang salitang binibigyan ng kahulugan ng
pangungusap.
__________1. Ang polusyon ay ang pagiging marumi ng
kapaligiran.

__________2.Ang Department of Health (Kagawaran ng


Kalusugan) ay ahensiyang nangunguna sa pangangalaga sa
kapakanang pangkalusugan ng mga mamamayan ng bansa.
__________3.Ang Asthma o Hika ay karaniwang matagal at
pabalik-balik na sakit na pamamaga sa daluyan ng hangin.

__________4. Nagaganap sa buwan ng Hunyo ang “No


Smoking month” bilang pagpapaigting sa kampanya laban sa
paninigarilyo sa pamamagitan ng pagmulat sa publiko ng hindi
magandang epekto nito.

__________5. Ang pagpapasya na tiyak at walang pag-


aalinlangan para magawa ang gustong gawin ay
determinasyon.
TANDAAN MO!

Upang maibigay ang


kahulugan ng pamilyar at
di pamilyar na salita,
kailangan basahing
mabuti ang depinisyon na
ibinigay.
Salita Kahulugan
_____1. Kubyertos A. Nagsusulat ng tula. Maaring ilarawan nila ang
P _____2. Pagdadalangtao kanilang sarili bilang ganoon o mailarawan sila
A _____3. Makata bilang ibang tao.
_____4. Bapor
G _____5. Palayaw B. Kadalasang maikli, maiksi, maganda, minamaliit o
T kaya pamalit sa totoong pangalan ng isang tao o
bagay.
A
T C. Isang uri ng kasangkapang pangkain.
A D. Isang malaking sasakyang pantubig na ginagamit
Y para sa pandagat na paglalakbay.
A A. Ang pagdadala ng isa o higit pang mga supling na
tinatawag na fetus sa loob ng bahay-bata.
Takdang-aralin!

Maghanap ng kahit anong maikling


seleksyon. Kunin ang mga salitang
pamilyar at di-pamilyar at ibigay ang
kahulugan nito.

You might also like