You are on page 1of 33

ANG MAIKLING KWENTO

• Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang


sa kasukdulan na madaling sinusundan ng
wakas.
• Tinatawag ding maikling katha ang
maikling kwento.
G. Edgar Allan Poe
• Tinaguriang “AMA
ng MAIKLING
KWENTO” dahil
siya ang kauna-
unahang manunulat
na nagpakilala ng
maikling kwento
bilang isang sining.
G. Edgar Allan Poe

Nahilig siya sa mga kwentong may


balangkas na kakaiba
at katangi-tangi.
Ginoong O'Henry
• Siya isa ring
mahusay na
manunulat ng
maikling kwento.
• Siya ang unang
sumulat ng isang
pagwawakas ng
kwento na di-
akalain.
SA PILIPINAS
( Panahon ng Amerikano)
• “ Mga Kwentong Ginto” ( 1936)
(ALEJANDRO G. ABADILLA)

• “ Kwentong Ginto ng 50 Batikang


Kwentista” ( 1939)
(PEDRITO REYES)
Iba pang sikat na manunulat ng
Maikling Kwento:
• Ernest Hemingway
• Sherwood Anderson
• Thomas Dreiser
• William Faukner

• Anton Chekov ( Rusya)- unang naghimagsik


laban sa dating paraan ng pagsulat ng
maikling kwento
MGA UGAT NG MAIKLING
KWENTO
• MITOLOHIYA
• PABULA
• PARABULA
• ALAMAT
• KWENTONG BAYAN
• KARANIWANG KWENTO
Mga Bahagi at Sangkap ng
Maikling Kwento
Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at
suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang
magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na
gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o
suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na
pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente,
gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng
problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
PROTAGONISTA

Siya ang bida sa kwento.


ANTAGONISTA

Siya ang kontrabida sa kwento.


TAUHANG LAPAD

Hindi nagbabago ang katauhan sa


kwento mula sa simula hanggang
wakas.
TAUHANG BILOG

Kabaligtaran ng tauhang lapad;


nagbabago ang katauhan sa kwento.
• Gitna
• Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan,
tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na
kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging
kababasahan ng pakikitunggali o pakikipag-
sapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga
suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa
kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang
kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung
saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang
kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang
bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng
kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging


winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng
may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para
bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung
ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng
kuwento.
PANINGIN

Tumutukoy sa pananaw na pinagdaraanan ng


mga pangyayari sa isang katha. Makikilala ng
bumabasa ang nilikha ng nagsasalaysay sa
pamamagitan ng paningin.
Karaniwang paraan ng
pagsasalaysay ng kwento...
• Paningin sa unang panauhan
( ang nagsasalita)

• Paningin sa pangatlong panauhan


( ang kinakausap )

• Obhetibong paningin
( pinag-uusapan)
Unang Panauhan

• Sasanib ang may akda sa isa


sa mga tauhan na siyang
nagsasalaysay ng kwento.
Halimbawa: ( Suyuan sa Tubigan)
ni Macario Pineda

Sumisilip pa lamang ang araw nang kami'y lumusong sa


landas na patungo sa tubigan ni Ka Teryo. Nakasabay
namin si Ka Teryo. Nakasabay namin sa Ka Albina, na
kasama ang dalaga niyang si Nati at ang kanyang
pamangking si Pilang. Ang tatlo'y may sunong na mga
matong ng kasangkapan at pagkain.
Pangatlong Panauhan
• Gumagamit ang may-akda ng
pangatlong panauhan na siyang
malayang nagsasalaysay ng mga
pangyayari sa kwento. Nagagawa ng
nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang
sabihin o maaari rin namang itago ang
nais itago.
Halimbawa: “Alsado”
ni Reynaldo A. Duque

• Namimitak na ang bukang-liwayway. Hindi


pa nahahawi ang makapal na dagim na
nakatalukbong sa paligid. Malagablab ang
ginantsilyong apoy ng siga sa harap ng dap-ayan.
Hindi pa nakatilaok nang tatlong ulit ang mga
labuyo nang madaling- araw na iyon ngunit gising
nang lahat ang halos ng mga taga-Baugen.
Matatandang lalaki.Matatandang babae. Mga bata.
Ang kabataan. Para silang mga guyam na sunod-
sunod na nagtungo sa dap-ayan.
Obhetibong Paningin
• Ang tagapagsalaysay ang nagsisilbing
kamera na malayang nakalilibot subalit
naitatala lamang nito ang tuwirang nakikita
at naririnig. Sa pananaw na ito, tumatayong
tagapanood lamang ang bumabasa sa mga
pangyayari sa kwento.
Obhetibong Paningin o Paninging Palayon – ang
tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang
nakalilibot habang itinatala nito ang bawat nakikita at
naririnig. Ang tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok
sa isipan ng tauhan at hindi rin nakapagbibigay puna o
paliwanag. Tumatayong tagapanood lamang siya ng
mga pangyayari sa kwento. Nakikita niya ang ginagawa
ng mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila , ngunit
hindi niya tuwirang masasabi ang kanilang iniisip o
nadarama.
Halimbawa: “Ang Nara, ang Bagyo at ang Alaala”
ni A. Sanchez Encarnacion

• Pinulot ni Victor ang naligaw na dahon ng


nara na nilipad sa pasamano ng bintana, at
hindi niya naunawaan kung bakit dahan-
dahan niya itong inilagay sa lukong ng
malambot na palad.
Tuwing umagang mananaog siya upang umigib,
pinagpapaalalahanan siya ng ina. Lagi niyang isinasaisip ang mga
biling ito. Ngunit sadya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag
naririnig niya ang masasakit na panunuksyo sa kanya sa gripo,
lalung-lalo na mula kay Ogor.

Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit


magsisimula ng panunukso:

"Ang itim mo, Impen!" itutukso nito.

"Kapatid mo ba si Kano?" isasabad ng isa sa mga nasa gripo.

"Sino ba talaga ang tatay mo?"

"Sino pa," isisingit ni Ogor, "di si Dikyam!"


PAKSANG-DIWA O TEMA

• Ito ang kaisipang iniikutan ng


katha. Upang matukoy ang tema,
dapat nating itanong kung ano
ang sentral na ideya ng kwento:
pagkaunawa sa buhay ang
nilalaman nito.
SIMBOLO
Ang simbolo ay isang makasining na sangkap na
ang layunin ay kumakatawan sa isang uri ng
damdamin, bagay, paniniwala, o kaisipan. Katulad ng
mga sangkap na panretorika, ang simbolo ay may
tungkuling magkintal ng isang bagay sa isip ng
mambabasa upang iyon ay maging ganap na bahagi ng
kanyang pang-unawa. Kagaya ng mga tayutay o
talinhaga, ang pangunahing layunin ng simbolo ay ang
magkintal ng mga imahe o larawan. Sa isang maikling
kuwento lalo na, makakatulong nang malaki ang mga
simbolo upang makapagdulot ng kaisahang kintal o
diwa.
tanikalang bakal - kawalan ng kalayaan

putol na tinapay at

santabong sabaw - paghihirap

maruming kamay - kasalanan

sugat ng puso - pighati, dalamhati


.Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng
mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila,
sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay
tinatawag na simile sa Ingles.

Halimbawa:

1. Tila yelo sa lamig ang kamay Ng binata nang dumampi


sa kanyang pisngi.

2. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing


nagninigning.

3. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas


sa piitan.
Idagdag pa ang paglalarawang ito:
Sa matinding sikat ng araw, tila
siya isang mandirigmang sugatan, ngunit
matatag na nakatindig sa pinagwagihang
larangan.
Ang matinding sikat ay sumisimbolo sa galit ni
Impen kay Ogor na matagal niyang
kinimkim.Bagamat si Impen ay mandirigmang
sugatan ngunit natuklasan niya ang kanyang
kakayahan, ang kakayahang ipagtanggol ang sarili
laban sa pang-aalipusta ng iba. Ito ay isang
tagumpay para sa kanya. At hindi na siya papayag
na muling apihin ninuman.
• K - awili-wiling basahin ng bawat
mag-aaral upang lalong matuto sa
• W- ika, gramatika, higit sa lahat ito ay
nagsisilbing
• E - hemplo ng buhay batay sa mga mensahe
at kakintalang
• N - nakapaloob sa isipan ng may-akda
o sumulat, nang sa gayon
• T - ayo ay maging mas mabuting
nilalang para sa Kanya sa bawat
• O- ras, sa bawat sandandali ng ating
buhay at pakikisalamuha sa iba.
Salamat sa Panginoon sa
biyaya ng maikling
kwento.=)

You might also like