You are on page 1of 6

KURIDO

Ang salitang "corrido" (baybay sa Kastila) ay


nangangahulugang kasalukuyang mga balita (current events)
sa mga Mehikano.
Dito sa Pilipinas,ang kurido ay isang tulang pasalaysay na
natutungkol sa katapangan, kabayanihan, kababalaghan, at
pananampalataya ng mga tauhan .
Karamihan sa mga paksa ay galing Europa at dinala lamang
dito ng mga Kastila.
Naging tanyag na awitin noong ikalabinsiyam na siglo ang
kurido dahil sa kakulangan ng babasahin, libangan, at
panoorin ang mga tao.
Ang ilan sa ating mga maunulat ng kurido ay sina Jose de
la Cruz, Ananias Zorilla, at Francisco Baltazar.

Hal:
Prinsipe Orentis
(kuridong sinulat ni Jose de la Cruz )
SAYNETE
Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang
mga huling taon ng pananakop sa atin ng mga Kastila
ang Saynete.
Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad
ng kaugalian ng isang lahi of katutubo, sa kanyang
pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa.
Hal:
"La India Elagante Y El Negrito Amanta" ni Francisco
Baltazar.
SARSUELA
Ang sarsuela ay isang melodrama o dulang musikal
na tatluhing yugto.
Ang paksa ay natutungkol sa pag-ibig, paghihiganti,
paninibugho, at iba pang masisidhing damdamin.
Naglalarawan din ito ng pang-araw-araw na buhay ng
mga Pilipino .
Upang lalong magustuhan ng mga manonood,
hinahaluan ito ng katatawanan na laging
ginagampanan ng mga katulong sa dula.
Sinasabing ito'y naging libangan nang mga huling
taon na ng pananakop sa atin ng mga Kastila.
Hal:
"Walang Sugat" ni Severino Reyes

You might also like