You are on page 1of 5

KABANATA 18

Ang mga Kadayaan


 Sinalubongni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya.
Bago nagsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayk upang
Makita ang salamin sa kanyang inaasahang matagpuan,
ngunit wala siyang nakita.
 Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong
kahoy sa kanyang pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay
natagpuan naiya sa isang libingang nasa-piramid ni Khufu,
isang Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at
kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa
pamamagitan ngpagbigkas ngunang salita ang abo ay
nabubuhay at nakakausapang isang ulo at pagbanggit ng
ikalawang salita ito ay babalik sa dating kinalalagyan nito.
 Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang
ulo at sinsbi nitong siya si Imuthis. Siya ay umuwi sa
sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang
paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay
nabati niya ang isang lihim na hindi ang tunay na
Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gautama,
isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala
sa tulong ng pandaraya.
 Sa katakutang isumbong siya kay Cambises ay binalak
ang ikakasawi ni Imuthus sa tulong ng mga saserdoteng
Taga-Ehipto na siyang nakapangyayari noon sa kanilang
bayan. Siya ayumibig sa isang anak ng pari at naging
kaagaw niya rito ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang
pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at
napiit, tumakas at napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay
muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig kay
Padre Salvi ang espinghe habang nagsasalita ito. Dahil sa
takot hinimatay ang prayle.
 Kinabukasan nagpalabas ng utos ang gobernador na
nagbabawal sa palabas ngunit wala na si Mr. Leeds,
nagtungo ito sa Hongkong dala ang kanyang lihim.

You might also like