You are on page 1of 11

PONEMANG

SUPRASEGMENTAL
•Ito ay makahulugang tunog.
•Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw
na naihahayag ang damdamin, saloobin, at
kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.
•Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin
ang kahulugan, layunin o intensyon ng
pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan
ng diin, tono, intonasyon, at antala o hinto
sa pagbibigkas at pagsasalita.
1. Diin-ang lakas at bigat, o bahagyang pagtaas ng
tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang
diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang
may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng
diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito.
Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang
malaking titik.
BU:hay-kapalaran ng tao bu:HAY-humihinga pa.
LA:mang-natatangi la:MANG-nakahihigit,
nangunguna
2. Tono/Intonasyon-ang pagtaas at pagbaba ng
tinig na maaaring makapagpasigla,
makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin,
makapag-bigay kahulugan, at makapagpahina ng
usapan upang higit na maging mabisa ang ating
pakikipagtalastasan sa kapwa.
Nagpapalinaw ito ng mensahe o
intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-
awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman
at mattas na tono.
.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang
2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas
Kahapon=213 pag-aalinlangan
Kahapon=231, pagpapatibay
Talaga=213 pag-aalinlangan
Talaga=231, pagpapatibay, pagpapaphayag
3. Antala/Hinto-bahagyang pagtigil sa
pagsasalita upang higit ng maging malinaw
ang mensaheng ibig ipabatid sa kausap.
Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,),
dalawang guhit na pahilis(//), o gitling (-)
a) hindi//ako si Joshua
b) Hindi ako// si Joshua
c)Hindi ako si Joshua//
PAGSASANAY1. Bigkasin Mo
Bigkasin at isulat ang kahulugan ngmga pares ng
salita na pareho ang baybay subalit magkaiba
ang bigkas.
1. /SA:ka/ ___________/sa:KA/______________
2. /BU:hay/ _________/bu:HAY/ _____________
3. /ta:LA/ ______/ta:la?/ _________
4. /ba:lah/___________/ba:la?/____________
5. .//ki:ta/________/ki:tah/ ________________
PAGSASANAY 2. Tono
Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa
layunin nito. Maaaring gamitin ang biang 1 sa mababa,
bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas. Isulat sa
sagutang papel.
1. kanina=_________ pag-aalinlangan
2. Kanina=_______pagpapatibay, pagpapahayag
3. Mayaman=________pagtatanong
4. Mayaman=__________pagpapahayag
5. Kumusta=_________pagtatanong na masaya
6. Kumusta=________pag-aalala
7. Ayaw mo=_______paghamon
8. Ayaw mo=_______pagtatanong
PAGSASANAY 3 . Diin
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga salita.
Ipakita ang pagbabago ng kahulugan batay sa diin.
Halimbawa: /SA:ka/-bukid, /sa:KA/ -(also)

1. /BA:ba/-______________/ba:BA/-________________
2. /BA:ta/-_____________/ba:TA/-_______________
3. /BA:ga/-______________/ba:GA/-______________
4. /LA:bi/-______________/la:BI/-_____________
5. /BA:sa/-____________/ba:SA/-______________
PAGSASANAY 4. Hinto/Antala
Basahin ang sumusunod na pahayag.
Subukin kung anong mga pagkakaiba ng
kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng
hinto at intonasyon.
1.Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.
2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.
3.Hindi siya ang kaibigan ko.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
1.Paano naiiba ang tanka at haiku sa iba
pang uri ng tula?
2.Paano nakatutulong ang ponemang
suprasegmental s a pagbigkas ng tula?

You might also like