You are on page 1of 8

EL

FILIBUSTERISMO
ni JOSE RIZAL
KABANATA 1:
SA KUBYERTA
KABANATA 1: SA KUBYERTA
(Buod)
Sa pagsisimula ng El Filibusterismo, nagsimula
ang paglalakbay ng Bapor Tabo. Ang Bapor Tabo
ay sinasabing tulad ng tabo ang hugis nito at
tsaka ay malinis ang labas nito ngunit ang loob
ang marumi. Maihahantulad ni Rizal ang bapor na
ito sa pamahalaan noong unang panahon. Ang
pamahalaan noon ay mabagal, nagmamalinis, at
walang pagbabago.
Sa kanilang paglalakbay, ang Kaptin ng Bapor ang
mas higit na nakakaalam ng mga pasikot-sikot sa
kanilang pupuntahan kaya binabalaan niya ang
mga tauhan niya kung malapit na sila sa
mababang lugar. Ang babala niya ay ikinairita ni
Donya Victorina. Maingay daw ang mga tauhan at
ng Kapitan. Ngunit parang ito ay isang paguuyam
dahil ang taong mga kinagagalit niya ay mga
Indio at halos 99 porsyento na nasa bapor ay mga
Indio at kasama na siya mismo rito.
Sa paglalakbay na rin ito ay nagkaroon ng pagtatalo
ukol sa bagal na paglalakbay nila.Sinabi ni Donya
Victorina na walang magandang lawa sa Pilipinas kaya
nagsimulang nag-isip ang iba ng paraan. Ang naisip
naman ni Simoun ay gawing isang mahabang
direstsong daanan at tabunan ang mga matandang
lawa upang mas mabilis ang paglalakbay. Ang sagot
naman dito ni Don Custodio ay sino naman daw ang
magtatrabaho nito. “Ang mga preso at salarin. Kung
kulang pa ay lahat ng mga bata at matatanda.” Wika ni
Simoun. Iniisip ni Don Cutosio na maaring mag-alsa
ang mga tao.
Natawa na lamang si Simoun at ipinaliwanag niya kay
Don Custodio ang ilang mga bagay na ginawa na ng
simabahan na hindi naman nag-alsa ang mga tao.
Umalis pagkatapos si Simoun upang pababain ang
sama ng loob niya. Mas may naisip si Don Custodio sa
pagbaba ni Simoun. Sabi niya ay mag-alaga na lang
daw ng mga pato upang ang mga pato mismo ang
maghuhukay ng lupa sa tubig at ito’y lalalim. Sa
pagtatapos ng kabanata na ito ay sinabi ni Donya
Victorina na magandang ideya ito ngunit magkakaroon
ng maraming balut noon at ayaw niya ito.
BAPOR TABO PAMAHALAAN

You might also like