You are on page 1of 19

Inihanda ni:

G. BERNIE B. FAYO
MT-1 (SHS), INHS
MGA LAYUNIN:
1. Nababatid ang paraang dimensyunal.
2.Naiisa-isa at naipapaliwanag ang apat na
dimensyon ng paraang dimensyunal.
3.Nakapagbubuo ng mga halimbawang tanong
batay sa bawat dimensyon ng paraang
dimensyunal.
4.Nasusuri at nabibigyang-halaga ang teksto o
anumang genre ng panitikan sa paraang
dimensyunal.
Paraang
Dimensyunal
Tumutukoy ito sa iba’t
ibang antas ng mga tanong sa
pag-unawa na binubuo ng
apat na dimensyon.
1. Unang Dimensyon – Pag-
unawang Literal

Ito ay mga tanong na


nangangailangan ng mga sagot
na tuwirang makikita sa teksto.
Halimbawa:

Sinu-sino ang mga tauhan sa


kwento?
Saan nangyari ang kuwento?
Ano ang mga katangian ng
pangunahing tauhan sa
kwento o teksto?
2. Ikalawang Dimensyon -
Pagpapakahulugan
Ito ay mga tanong na
nangangailangan ng sagot na
hindi tuwirang isinasaad sa
teksto. Kailangan ang masusing
pag-iisip at pag-uugnay ng mga
kaisipan upang masagot ang
mga ito.
Halimbawa:
Bakit masama ang pag-
uugali ng pangunahing tauhan?
Bakit nagbago ang pagtingin
ng mga tao sa pangunahing
tauhan?
Paano natuklasan ng mga
taga-nayon ang katauhan ng
inhinyero?
3. Ikatlong Dimensyon –
Pagpapahalagang Kritikal

Ito ay mga tanong na


kumikilatis sa kahalagahan ng
kaisipang nakapaloob sa teksto o
kuwento.
Halimbawa:
Makatarungan ba sa isang ina ang
pagbibenta ng aliw may ipanustos at
ipakain lamang sa kanyang mga
anak?
May katwiran ba siya sa kanyang
sinabi?
Makatotohanan ba ang mga kilos
na naipakita ng bawat tauhan sa
pelikula?
Tama ba ang kanyang ginawa na
pagkitil ng kanyang buhay?
4. Ikaapat na Dimensyon –
Pag-uugnay sa Sarili, Paglikha
Ito ay mga tanong na
nangangailangan ng mga sagot na
wala sa teksto kung hindi nasa
isipan ng bumabasa. Kailangang
iugnay ng bumabasa ang sariling
karanasan at mga dati na niyang
kaalaman sa binabasa upang
masagot ang mga tanong na ito.
Halimbawa:
Ihambing ang pagkakaiba ng…..
Angkop ba ang pamagat ng
kuwento?
Ano ang gagawin mo pag
nangyari sa iyo ang nangyari sa
pangunahing tauhan?
Kung ikaw si Alberto,
mangungutang ka rin ba para sa
inyong kasal?
PANONOOD NG MOVIE
TRAILER
Paglalapat ng Paraang
Dimensyunal
Mga gabay na tanong:
1. Anong katangian mayroon ang ama sa
ipinakitang movie trailer?
2. Bakit kaya ganoon na lamang ang
pagmamalupit ng ama sa kanyang mga
anak?
3. Makatotohanan ba ang ipinakitang mga
kilos ng bawat tauhan sa movie trailer?
4. Kung ikaw ang isa sa mga anak,
magsasawalang-kibo ka na lamang ba sa sa
bagsik na kalupitan ng ama? O gagawa ka
ng paraan upang matuldukan ang kanyang
ginagawang pagmamalupit?
MGA ILANG PANGHULING
TAGUBILIN
Ayon kay Natividad...Walang
magaling at mahusay na
pamaraan sa isang gurong
hindi nakakaunawang lubos
ng paraang ginagamit... Guro
at guro pa rin ang dapat
magpakadalubhasa sa
pamamaraan upang
makinabang ang mga mag-
aaral.
kabanata o bahagi sa nobelang
El Filibusterismo ni Dr. Jose
Rizal, ang tungkol kay Pilosopo
Tasyo.
Minsan, may isang binatang
lumapit kay Pilosopo Tasyo para
subukin ang katalinuhan
niya. Ang sabi ng binata:
“Pilosopo Tasyo, sabihin nga
ninyo sa akin ang kalagayan ng
ibon na nasa aking palad.” Saglit
ang ibong nasa palad ng binata,
hihigpitan ng binata ang
pagkakuyom ng kanyang palad
para mamatay ito, at kapag sinabi
naman niyang patay, ito ay
pakakawalan niya. Nagsalita si
Pilosopo Tasyo, at sinabi niya:
“Ang kalagayan ng ibong iyan ay
nasa palad mo.” Oo, nakasalalay
sa kanyang palad kung
mananatiling buhay o patay ang
pinaglalaruan niyang ibon.
At ganoon din tayong mga
guro. NAKASALALAY SA ATING
MGA KAMAY KUNG MAGIGING
BUHAY O PATAY ANG MGA
TALAKAYAN AT PAG-AARAL SA
LOOB NG ATING KLASRUM!
Nais ba nating maging masaya,
masigla at kawili-wili o kabagut-
bagot ang bawat araw ng ating
pagkaklase?
Maraming
Salamat !

You might also like