You are on page 1of 16

Aralin 5

Honesto: Batang Matapat, Idolo ng Lahat!

May mga pagkakataong ikaw ay hindi nagiging tapat


sa mga gawaing ginagawa. Napipilitang
magsinungaling dahil sa takot na mapahiya o
mapagalitan ng nakakatanda. Nangyari na ba sa iyo
ang ganito?
Honesto: Batang Matapat, Idolo ng
Lahat!
Siya si Honesto, anak nila G. at Gng. Anastacio Castro. SIya ay
labimpitong taong gulang at kasalukuyang nasa ikalimang baitang ng
Paaralang Elementarya ng Sala sa bayan ng Cabuyao. Si Honesto ay
kakaiba sa karaniwang mga mag -aaral dahil sa murang edad ay
kinailangan na niyang maghanapbuhay upang makatulong sa gastusin
ng pamilya. Buong sipag niyang tinutulungan ang kanyang mga
magulang upang maitaguyod ang pangangailangan nilang
magkakapatid. Tunay na siya ay isang mabait at huwarang anak at
kapatid sa para kanyang pamilya.
Isang araw habang si Gng. Anacay ay
nagtuturo ay tinawag niya si Honesto sa harap ng
klase. Tila nagulat at natakot ang bata kaya siya ay
nagdalawang isip na tumayo at lumapit sa guro.
Hanggang sa siya ay lapitan na ng guro at malugod
na ipinagmalaki at ginawang halimbawa ang mga
gawi na nakasanayang gawin ni Honesto sa
paaralan at maging sa kanyang pinapasukan na
trabaho.
Nagsimulang magkuwento si Gng. Anacay. “Alam niyo ba mga
bata na kayo ay mapalad na magkaroon ng isang kamag - aral na
kinagigiliwan ng maraming tao dahil sa kanyang pagiging matapat.”
nagbulungan ang mga bata at tila nagtaka kung sino ang tinutukoy ng
guro. “Nakakwentuhan ko si Gng. Villanueva (Coordinator ng Yes - O
Club)noong isang araw, ayon sa kanya siya daw ay humanga sa ginawa
ng isa ninyong kamag - aral. Habang siya ay abala sa pangungolekta
ng mga naipong plastik na boteay nilapitan siya ng mga bata at nag -
alok ng tulong. Agad naman siyang pumayag at tinawag ang batang
ito na aking tinutukoy upang pamunuan ang pagbebenta ng mga
naipong bote para magamit na pondo ngYes - O Club.
Agad naman siyang tumugon sa aking ipinagawa. Makalipas
ang ilang minuto, dala - dala na niya ang pera na napagbentahan
mula sa mga plastik na bote. Agad siyang inabutan ng guro ng
pangmerienda ngunit mabilis na tinanggihan ang alok at masiyang
bumalik sa kanyang klase. Sa hindi kalayuan napansin ni Gng.
Villanueva ang grupo ng mga bata na naiinis na nagkukuwentuhan.
“Hmp. Nakakainis talaga malaki naman ang napagbentahan sa plastik
na bote ewan ba kung bakit ayaw niya pang bawasan.” ang wika ng
isa. Agad naman sumigunda ang isa pang mag - aaral, “Baka
sumisipsip lang paano laging liban sa klase.” Napaisip ng malalim ang
guro hinggil sa narinig na usapan ng mga bata. At agad na ikinatuwa
ang pagiging matapat na bata ng kanyang mag - aaral.
Biglang nagtaas ng kamay si Jocelyn, “Ma’am, Ma’am ako po
ba ang tinutukoy ninyo?” lakas loob na tanong ng bata at
umalingawngaw ang tawanan sa loob ng silid - aralan. Agad na
nagpatuloy sa pagkukwento si Gng. Anacay. “Bilang pagpapatuloy
kaninang umaga naman nakasalubong ko papasok ng paaralan si
Mang Max at agad na kinamusta ang batang ito. Sabi ko naman
medyo dumadalas siya sa pagliban sa klase at doon ko napagalaman
na siya pala ay kasalukuyang namamasukan sa construction upang
kumita ng pera at maipangdagdag sa kanilang pangagastos. Naantig
ako sa aking narinig at mas lalo niya pa akong pinahanga sa mga
sumunod na sinabi ni Kuya Max.
“Alam mo ba Gng. Anacay lubos akong nagagalak
sa batang iyan, noong isang araw ay umalis ako ng
maaga sa site na pinaggagawan ng aking bahay.
Kinailangan ko kasing dumalo sa miting pambarangay
na ipinatawag ni Kapitan Kiko Alimagno. Ako ay tiwala
sa aking mga trabahador ngunit noong isang araw ay
binalikan ko ang mga naganap sa site gamit ang CCTV
Camera na aking inilagay sa hindi kalayuan. Ako ay
nabigla sa aking nasaksihan, noong araw na ako ay
dumalo ng miting mga alas - 4:00 hapon.
Sa aking pag - alis pala ay agad ding nag - alisan ang aking
mga manggagawa kahit hindi pa oras ng uwian ng bigla akong
may narinig na boses at nagsabing,”mga kasama maaga pa po
alas - 5:00 ang ating uwian higit kumulang isang oras pa po
bago tayo maaaring umuwi,” ang mahinahon na paliwanag ng
bata. “Aba!, akala mo kung sino ka kabago - bago mo ganyan
ka.” paangil na sagot ng isa. “Oo nga atsaka wala naman si Boss
minsan lang naman ito,” dugtong pa ng isa. “Bahala po kayo
basta ako ay uuwi ng tama sa oras iyong itinakda ng may - ari,”
mahinahon ngunit malaman na pagpapaliwanag ng bata.
“Wow! tunay na kahanga - hanga naman talaga siya
sa kanyang mga kilos at gawi.” “Dapat siya ay kinikilala
sa flag ceremony upang tularan pa ng mga batang tulad
namin.” “Eh Ma’am sino po ba ang batang ito na dapat
naming tularan?” makulit na pagtatanong ng mga mag -
aaral ni Gng. Anacay. Dito na ipinagmalaki ng guro sa
lahat si Honesto isang batang matapat at dapat iniidolo
ng lahat. Dahil dito ay agad sa mungkahi ng kanyang
mga mag - aara ay agad na ipinatawag ni Gng. Anacay
ang mga magulang ni Honesto.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ilarawan si Honesto. Alin sa mga katangian niya ang
nagpapakita ng pagiging matapat?
2. Papaano hinangaan ni Gng. Anacay si Honesto? Isalaysay ito sa
klase.
3. Bilang isang indibidwal, paano mo maipapakita ang matapat na
paggawa sa paaralan? Sa lahat ng uri ng paggawa?
4. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging
matapat sa iba’t - ibang mga gawaing pampaaralan at sa uri ng
paggawa.
5. Sa iyong palagay, bakit gustong makaharap ng guro ang mga
magulang ni Honesto? Magbigay ng sapat na batayan.
Ano ang gagawin mo sa sitwasyong inilahad sa ibaba para maipakita ang
pagiging matapat. Ilahad ang iyong magiging damdamin.
1. Bumili ka ng pagkain sa kantina nang mapansin mong sobra ang sukli
na ibinigay sa iyo ng tindera.
2. May dumating na delivery ng materyales sa iyong pinapasukang
pabrika. Agad mong tiningnan ang inventory sheet ng mga inorder
ninyong materyales at natuklasan mong may mga sumobrang
materyales na iyo namang kakailangan sa paggawa ng isang proyekto
sa paaralan.
3. Si Romy isang working student, pumasok siya sa paaralan na hindi
nakapag -aral ng leksyon at antok na antok pa dahil kinailangan
niyang mag - overtime sa kanyang pinapasukan. Biglang nagbigay ng
pagsusulit ang kanyang guro
Mag-isip ng karanasan na nagpapakita ng
pagiging matapat. Pumili ng isang karanasan
gamit ang graphic organize at iulat ito sa klase.

Karanasan

Ikatlong Pagiging Unang


Pagpipilian Matapat Pagpipilian

Ikalawang
Pagpipilian
Kaya mo bang maging matapat sa lahat ng pagkakataon?
Gumawa ng Self - Assessment Organizer. Punan ang bawat kahon ng mga sagot
batay sa iyong natutuhan at karanasan.

C. Sinisimulan Ko

B. Kaya Ko D. Gagawin Ko

A. Nalaman Ko
Pangalan E. Natututo Ako
ng Bata
Tandaan Natin
Ang pagiging matapat ay ugaling dapat ipagmalaki. Ang taong
nagpapakita ng ganitong pag - uugali saanman at kailanman ay
makakamit ang tunay na kaligayahan at magkakaroon ng isang
maayos, payapa at maunlad na pamumuhay. Iniiwasan niyang
magsinungaling at pagtakpan ang mga maling gawi na ginawa ng iba.
Sa pagiging matapat marami kang maaaring matapakang ibang
tao lalo’t higit iyong may mga baluktot at maling sistema sa buhay.
Hindi bale ng mapahiya at mapagalitan ng mas nakakatanda huwag
lang mabalewala ang ugali ng pagiging isang matapat na indibidwal sa
paaralan man o sa paggawa at saan mang dako pa iyan.
Subukin Natin
Iguhit ang simbolo ng thumbs up kung ang pangungusap ay naglalahad
ng wastong kaisipan at thumbs down naman kung hindi.
_______1. Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran sa E.P.P.
Agad mo itong sinabi sa iyong nanay pati ang eksaktong
halaga ng naturang halaga nito.
______2. Nalimutan ni Archie na gawin ang kanyang
takdang - aralin sa Math. Biglang nagwasto ng
kuwarderno si Bb. Tan, nang tawagin niya si Archie ay
sinabi niyang naiwan niya ang kanyang takdang - aralin
sa bahay.
______3. Si Ericka ay kumandidato bilang pangulo ng Supreme
Pupil Government sa kanilang paaralan. Sa mismong araw ng
botohan ay may nakita siyang nakakalat na balota na siyang
gagamitin sa botohan agad - agad ay ibinalik niya ang mga ito sa
gurong taga - pangasiwa.
______4. Si Mang Aldo ay nangungupit ng mga labis na kagamitan
mula sa opisina na kanyang pinagtatrabahuhan at agad na
ibinebenta sa labas ang mga kagamitang kanyang nakuha sa mas
mababang halaga.
______5. May malasakit sa mga gawain sa pabrika si Ruby
nakatingin man o hindi ang kanyang amo sa oras ng trabaho.

You might also like