You are on page 1of 26

Pagbabago sa Wika

(Pagpapatuloy)
Bb. Justine Ann D. Gumapac
Tagapag-ulat
Pagbabago sa lahat ng lebel ng wika:
 Pagbabagong Pangfonoloji – sa lebel ng
tunog
 Pagbabagong Pangmorpoloji – sa mga
salita
 Pagbabagong Pansintaks – sa pagbubuo
ng mga sentens
 Pagbabagong Pansemantik – sa
kahalagahan
PAGBABAGONG PANGFONOLOJI
Hindi na naririnig na inisyal k- bago ng n sa
kontemporaryong Ingles bagamat nakikita pa
rin kapag nakasulat ang mga salitang meron
nito. Hal. know ‘alam’, knife ‘kutsilyo’, *Sa mga
WP ang mga PP na diptong ay napalitan ng
monoptong sa Kapangpangan kaya PP
*ɁanaɁəy ‘anay’ > Ɂane (ay>e); PP *Ɂapúy > Ɂapi
(uy>i).
*Rul
a e
PP y
u i
Monoptongisesyon
Ito ang proseso ng pagbabago na ang dating
diptong, vawel + semi-vawel, ay nagiging
isang vawel. Pwedeng sabihing pagsisimplifay
ito ng wika dahil mas simple ang isang tunog
kesa sa kombinasyon ng dalawang tunog.
Hal. Middle English riwd> Modern English rud
‘bastos, walang galang’; PP *ɁanáɁey> Kap
Ɂane ‘anay’; PP * kagtəy> Igt Ɂagsɛ ‘atay’
Diptongisesyon
Kabaligtaran ito ng prosesong
katatalakay pa lamang. Naging
diptong ang dating isang vawel
lamang, tulad ng Middle English wi:f >
Modern English wayf ‘asawang
babae’.
Asimilesyon
Pagbabagong morfofonimik bilang
singkronik na pagbabago. -
nababago ang dating tunog sa isang
salita dahil sa hila o impluwensya ng
katabing tunog. Hal. PP *supsəp >
Yak. Səssəp dahil bumagay o
naasimileyt ang unang p sa katabing
s sa pagdedevelop ng Yakan.
Disimilesyon
Kabaligtaran ng asimilesyon ang
prosesong ito na makikita sa mga PP
stap na naging mga neysal na
homorganik. Ibig sabihin, naging neysal
na binibigkas sa punto ng artikulesyon
ng dating stap.
Halimbawa: PP *sáɁbit > Itb saɁmit ‘sabit’,,
PP *supsəp > Itw súmsup ‘susup’.
Pagtaas at Pagbaba
Maaring nagkaroon ng pagbabago
dahil napataas o napababa ang
pusisyon ng dila sa pagbigkas ng
dating mababa o mataas na tunog
hal. Middle English he > hi ‘sya (lalake)’
kung saan napalitan ang pagitna na e
ng pataas na i at PP *siku > Igt śɛko
kung saan napalitan ang pataas na *i
ang mababang ɛ.
Patalikod at Paharap
Sa prosesong ito binibigkas sa harapan ng bibig
ang tunog na dating binibigkas sa likod o di kaya
binibigkas sa likod ng bibig ang dating binibigkas
sa harap. Hal. Ang tunog na [ɒ]sa Ingles ng mga
British na binibigkas sa likod ng bibig sa mga
salitang father, apple, ask na naging æ, na
binibigkas sa harap ng bibig sa Ingles ng mga
Amerikano. Sa mga WP makikita ang prosesong
ito sa PP * dá|an > Isi dԑyán ‘daan’, *danúm > Kal
čẻlum ‘tubig’ kung saan nahilang paharap ang a
ng mga katabing tunog.
Metatesis
Ito ang prosesong paglipat ng tunog sa ibang pusisyon sa
loob ng isang morfim o salita tulad ng PP *bəɁgát > Akl
bugɁát, Bla Ɂablát ‘bigat’; *linaw > Ilk nilaw ‘langaw’;PP
dakəp > Igt dəkáp ‘dakip’; PP * diwátaɁ > Bla Ɂadwatá
‘diwata’. Nagkaroon ng otomatik at kinundisyon na
metatesis sa kap ang mga tunog na p-, t-, b-, at s- nung ito’y
nasa unahan ng mga salita na sinusundan ng a na
nanggaling sa PP *ə kaya ang PP *bəgásɁ > Ɂabyás ‘ bigas’,
*pəsá > ɁapsáɁ ‘ pisa’. Hindi nangyari ang metatesis nung
nagkaroon ng tatlong sunod-sunod na konsonant na resulta
ng prosesong ito. Hal. *bəɁgát > bayát ‘bigat’ at *bəɁkaɁ >
bába ‘baba’ dahil magkakaroon nga ng tatlong KKK ang
mga salitang ito (bɁg/bɁk) na labag sa patern ng mga tunog
sa Kapampangan.
Pagkawala/Delisyon at Pagdadagdag
Maaring mangyari ang pagkawala ng tunog sa
isang pusisyon lamang nito sa salita.
Hal. Nawala o di na binibigkas ang tunog na –e
sa name, dance, nose kahit sinusulat pa rin ito sa
nasabing pusisyon sa mga ganitong salita.
Nangyayari din na nadadagdagan ng tunog
ang mga salita dahil sa pangkaraniwang
katangian ng wika.
JEMINESYON - Pag-uulit ng isang tunog
Hal. *pənúɁ > Yak pənnúɁ, Ilk punnú, Ibg
pannú, Buk pənnuɁ ‘puno’.
REDUPLIKESYON – Pag-uulit ng silabol,
morfim o ng buong salita.
Hal. PP *kimlat, > Nag, Vir, Kam kikilát, Mar
kilakilát, Ibg kilakiláɁ ‘kidlat’
PAGBABAGONG PANGMORFOLOJI
Analoji
Isang proseso na nagreresulta sa pagbuo ng mga
salita. Habang nagbabago ang isang wika, sa
pagdaan ng panahon, malaki din ang proseso ito sa
pagbabago sa sistemang morfoloji.
Analojik na pagbabago - Pagbabago ng ilang mga
elemento ng wika dahil sa impluensya ng mga iba
pang elementong mas laganap sa wikang iyon.
Hal. Konggresman – tong ‘koleksyon ng
nagpapamajong’= tongresman ‘ konggresman n
kumukulekta ng suhol’.
 Pagdadagdag ng afiks- hal. Ulam: mag-ulam;
bahay: magbahay; Helikopter: maghelikopter.
Kodak→ kodakan → kodaker; drive (verb)- driver;
sing – singer
“plural –s” datas, alumnas, -datum, alumnae
Verb sa Ingles na may ed para sa pas-tens hal
killed, grouped, moved,loved kesa sa paraang ng
repleysiv tulad ng swum, wrote, ate.
 Beys-form na nilalagyan ng afiks- donate-
donation- donated-donates
PAGBABAGONG PANSINTAKS
Ang pagbabago na may epekto sa pagbubuo
ng sentens, o di kaya sa isa o higit pang mga
elemento ng sentens. Nangyayari ito dahil sa
ilang bagay. Isa na rito ang pagkakalantad ng
spiker ng wika sa mga ekspresyon, pronunsesyon,
salita o tunog ng ibang wika. Nagkakaroon din
ng pagbabago dahil sa mga inobesyon sa sarili
niyang wika at ng pagbabago sa kanyang
linggwistik environment.
• Halimbawa, may pagkakaiba o iregularidad sa
isang umiiral na rul na kapag higit sa dalawa ang
gumagawa ng isang aksyon, ginagamit ang plural
na marker at lumilitaw din ang plural sa verbal-
afiks.

Dumating sina Juan at Jose.


Nagsidating sina Juan at Jose.
Nagsidatingan sina Juan, Jose at Pedro.
Ang mga pagbabago sa sintaks na bunga ng
impluwensya ng linggwistik-envayronment o ng
pagkawala ng mga konstraksyon ay nagreresulta
sa pagbabago sa mga rul ng sintaks. Kapag
nagkaroon ng inobesyon sa wika bunga ng
pagbabago ng linggwistik-envayronment,
nagkakaroon ng karagdagang rul ng pag-aayos
ng rul ng gramar. Nagkakaroon naman ng
pagkawala ng rul kapag di na gamit ang isang
konstraksyon ng wika. Kapag nangyari ito
masasabing nagkaroon ng simplifikesyon sa
gramar.
 Malamang gaano man tayo katatas sa
Tagalog mahirap siguro nating
maintindihan ang:

Carit nang carit ang matáng itiningin sa


acqin nang poot.

“ Kumakarit/matalim ang galit/ may poot


na matang itining sa akin.”
PAGBABAGONG PANSEMANTIK
Mas nahahalata kaagad ang mga
pagbabagong semantik, ang mga
pagbabago sa kahulugan, kesa sa
pagbabago sa ibang lebel ng wika.
Tulad ng nabanggit na, nagbabago
ang wika dahil sa pagbabago ng
envayronment nito na maaring epekto
ng maygresyon o kontak sa ibang
grupo o wika.
Ekstensyon / Ekspansyon
Nagkakaroon ng ekstensyon o paglawak
ng kahulugan ang salita kapag
nadadagdagan o nagiging mas malawak
ang kahulugan nito.
Hal.
Ang salitang pare na galing sa kumpadre
‘ninong ng anak’.
May tendensi tayong gamitin ang pangalan ng
isang brand para sa lahat ng ganitong produkto
at ito’y nagreresulta sa paglawak ng kahulugan

Halimbawa:
Kolgeyt “panlinis ng ngipin’ na galing sa
Colgate na pangalan lang ng isang brand.
Xerox na maririnig na ipasiroks, magpasiroks,
kahit hindi Xerox ang pangalan ng makinang
gagamitin.
Redaksyon
Kabaligtaran ng ekspansyon. Nababawasan
ang sakop ng kahulugan o nagiging mas
spesipik sa dating kahulugan ang tinutukoy.
Halimbawa:
Dating ‘kombersasyon’ ang ibig sabihin ng
Ingles sermon pero nabawasan ang lawak ng
kahulugan nito ngayon sa mensaheng
ibinibigay ng pari sa simbahan.
Salitang hiram naman ito sa Tagalog na
bukod sa nabanggit na kahulugan,
nagkaroon pa ito ng mas ispesipik na
kahulugan.
Halimbawa:
Salitang kerida na galing sa Kas querida
‘minamahal’ na naging ‘babaeng binabahay
o kinakasama’.
Pag-angat/elevesyon o pagbaba
Sa prosesong ito, nagkakaroon ng mas
marangal na kahulugan o naaangat ang
kahulugan sa dati.
Halimbawa:
Dati, Ing village- anumang komunidad sa
probinsya
Ngayon, village- eksklusibong komunidad sa
syudad. Tulad ng San Lorenzo Village.
Nangyayari din na nababago ang
kahulugan at nabibigyan ng mas mababang
konotasyon kaysa sa dati.
Halimbawa:
Noon, Senyora- pantawag sa babaeng may
asawa samantalang Senyorita- tawag sa
dalaga
Ngayon, ang dalawang ito ay salitang
pantawag sa tamad o walang silbing babae.
Wakas

Maraming Salamat Po!

You might also like