You are on page 1of 26

Alpabetong at Ortograpiyang

Filipino

Members:
Adap, John Ronir
Arenas, Bjorn
Jusi, Kenneth
Yeso, John Paul
Kasaysayan ng Alpabetong Pilipino

 Ang mga mananaliksik ay nagkakaisa na ang ating


mga ninuno’y may sarili nang kalinangan at
sibilisasyon bago pa man dumating ang Kastila.
Bukod pa sa pagkakaroon na ng sistema ng
pamamahala at kalakalan, sila ay maalam nang
sumulat at bumasa. Samakatuwid, mayroon na
silang sistema ng pagsulat gamit ang kanilang
alpabetong tinatawag nilang “ALIBATA”
Alibata ( alif~bet, baybayin)

 Pinakaunang alpabetong ginamit ng mga Pilipino.


 Sa iba’t ibang lugar, may kaunting pag kakaiba
ang mga simbolo ng Alibata.
 Ito ay binubuo ng 17 na titik: 3 patinig at 14 na
katinig.
Pinanggalingan ng Alibata

 Walang malinaw na pinanggalingan, ayon sa mga


eksperto ay nanggaling ito mula sa Celebes ngunit
ayon naman sa ibang dalubhasa ay sa bansang
India nagmula.
Pagbigkas ng Alibata

 Kapag ang isang katinig ay may tuldok sa ibabaw


, binibigkas iyon nang may kasamang tunog na /e/
o/ i.

 Kapag ang isang katinig ay may tuldok sa ilalim,


ang kasamang patinig ng katinig ay /o/ o/ u/.
Paraan ng pagsulat ng Alibata

 Sinusulat nang pabertikal mula taas paibaba at


pahorizontal mula kaliwa hanggang kanan
 Sinusulat sa mga kahoy, kawayan, malalaking
dahon, at bato.
 Ginagamit ang balaraw o anumang bagay na
matutulis na panulat at dagta ng mga puno at
halaman bilang tinta.
Larawan ng Alibata
Alpabetong Romano

 Ipinakilala at tinuro ng mga Kastila na dumating sa


Pilipinas
 Isa sa mga pinakamahalagang impluwensya ng
mga Kastila
 Hindi agad niyakap ng lubusan ng mga Pilipino
kabilang na si Dr. Jose Rizal
 Hindi nag tagal at napalitan agad ng Abakada
Alpabetong Romano
Abakada

 Bunga ng pagpapahintulot ng pagpapalimbag ng


mga diskyunaryo at aklat sa gramatika ng Wikang
Pambansa sa mga paaralan noon 1940, binalangkas
ni Lope K. Santos ang bagong alpabetong ito
 Tinawag ito “Abakada” sapagkat ito ang unang 4 na
titik sa alpabetong ito
 Binubuo ng 20 titik : 15 katinig at 5 patinig na
kumakatawan sa makahulugan tunog ng bawat isa
 Noong 1971, nadama ang di kasapatan ng dating
abakada sa malawakang panghihiram ng mga salita at
pagbaybay ng pantanging pangalan.

 Nagkaroon ng pag-uusap ang Wikang pambansa at


matapos ang 3 buwan nabuo ang Lupong Sangguinian.

 Inatasan na dagdagan ng 11 titik ang abakada- C, CH,


F, J, Ñ, LL, Q, RR, V, X, at Z na gagamitin sa pagbaybay
ng mga salitang hiram at mga patanging pangalan.
ABAKADA
Modernong Alpabeto

Malalaking mga titik


ABCDEFGHIJKLMNÑGOPQRSTUVW
XYZ
Maliliit na mga titik
abcdefghIjklmnñngopqrstuvwxyz
MGA TUNTUNIN SA PAG BAYBAY
Pagbigkas ng Pagbaybay

 Ang pagbigkas o pasalitang pagbaybay sa


Filipino ay patitik at hindi papantig. Ang ispeling o
pagbaybay ay isa-isang pagbigkas sa maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa
isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal,
simbolong pang agham at iba pa.
Pasulat na Pagbaybay

 Sa pagsulat ng ng mga katutubong salita at mga


hiram na karaniwang salita na ang sisimula na sa
sistema ng pagbaybay sa Wikang Pambansa ay
susunod pa rin ang kung ano ang bigkas ay siyang
susulat at kung ano ang sulat ay siyang bigkas.
 Ang dagdag na 8 letra ay ginagamit sa mga:
 Pantanging pangalan

 Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas


Panumbas sa mga hiram na Salita

 Ang unang pinagkukunan ng mga hiram na salitang


maaaring itinumbas ay ang leksiyon ng kasalukuyang
Pilipino.
 Maaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa
ibang katutubong wika ng bansa.
 Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles
at Kastila, unang presensya ang hiram sa Kastila.
Iniaayon sa bigkas ng salitang Kastila ang
pagbabatay sa Filipino.
 Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man
ay maaaring hindi maunawaan ng marami, hihiram ng
tuwiran ang katagang Ingles at binabaybay ito ayon sa
sumusunod na paraan:
 Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito nang
walang pagbabago
 Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito
at baybayin nang konsistent, ayon sa simulain kung ano
ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat sy
siyang bigkas
 May mga salita sa Ingles o sa iba pang banyagang
salita na lubhang di konsistent ang ispelling o lubhang
malayo ang ispeling sa bigkas na:
 Maaaring hayaan na muna sa orihinal na anyo o panatilihin
ang ispeling sapagkat binabaybay ayon sa alpabetong
Filipino ay hindi mabakas ang orihinal na ispeling nito.

 Maaaring hiramin ng walang pagbabago ang mga salitang


pang-agham at teknikal.
 Hiramin ng walang pagbabago ang mga simbolong
pangagham.
Ang gamit ng Gitling

 Sa pag-uulit ng salitang ugat o mahigit sa isang pantig


ng salitang ugat.

 Kung ang unlapi ay nag tatapos sa katinig at ang


salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig.

 Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng


dalawang salitang pinagsama.

 Kung may unlapi ang tanging pangalan ng tao, bagay,


lugar, bagay o kagamitang at sagisag o simbolo. Ang
tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
 Kapag ang panlaping ika ay iniunlapi sa numero o
tambilang.
 Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng
praksyon.
 Kapag nanatili ang kahulugan ng dalawang salitang
pinagtambal.
 Kapag pinag kakabit o pinagsasama ang apelyido
ng babae at ng kanyang asawa.
 Kapag hinati ang salita sa dulo ng linya.
Gamit ng Daglat

 Sa pormal na sulatin ipinagbabawal ang paggamit


ng mga Daglat. Ngunit dala ng pangangailangan
sa mahabang panahon sa larangan ng agham at
teknolohiya, lumalawak at dumarami pa ang mga
ginagamit ng daglat.
Ginagamit ang Daglat sa

 Pagputol sa dulo ng mga salita.

 Pagpapakilala ng mga akronim.

 Ginagamit sa titulo o rango na isinasama sa pangalan.

 Pagkabit ng katungkulan sa pangalan ng isang tao.

 Ang mga Jr., Sr., III na bahagi sa pangalan ng mga tao.

 Mawawala ang mga Gng., G., Dr. kapag idinudugtong ang


mga titulo.
 Mga kilalang unyon, organisasyon, samahan at
ahensya.
 Mga dako ng kumpas o direksyon.
 Mga gawaing teknikal at tabulonya.
 Sa pag sulat ng oras nu(nang umaga), nh(nang
hapon), ng(ng gabi).
 Mga sagisag o simbolo na karaniwang ginagamit
sa pagsulat.

You might also like