You are on page 1of 13

Ito ay may layuning magsalaysay o

magkuwento ng mga magkakaugnay-


ugnay na pangyayari. Ang batayan nito’y
maaaring mga sariling karanasan, mga
pangyayaring napakinggan/narinig,
nakita/nasaksihan/napanood,
nabasa/natunghayan o nabalitaan.
Maaari ring magkuwento ng mga pangyaya
ring likhang isip lamang.
Upang maging epektibo ang narasyon,mayroong katangian na dapat taglayin

Mga Katangian Ng
Mabuting Narasyon
1.Mabuting Pamagat
Ito ay panawang pansin ng pasulat
na narasyon, kung hindi mabuti
ang pamagat niyon, malamang na
walang magkakainteres na basahin
yon.
1. Samakatuwid, upang maging mabuti ang
pamagat, kailangang taglayin niyon ang
mga sumusunod na katangian:
a. Maikli
b. Kawili-wili o kapana-panaik
c. Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng
wakas
d. Orihinal o hindi palasak
e. Hindi katawa tawa, kung ang komposisyon
ay wala naming layunin ng magpatawa
f. May kaugnayan o naaangkop sa paksang
diwa ng komposisyon
2. Mahalagang Paksa
Kung gaano kahalaga ang isang
naratibong diskurso, gayundin
naman ang paksa niyon. Tandaang
ang isang akdang nauukol sa isang
walang kwetong paksa ay nagiging
walng kwentang akda. Nasa
orihinalidad ang buhay ng isang
narasyon.
3. Wastong pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari
ibat-ibang ayos ng pagkakasuno-sunod ng
isang narasyon:
a. Simula --- Gitna --- Wakas
b. Gitna o dakong wakas ---- Simula ---
Wakas
c. Wakas --- Simula --- tunay na wakas
4 . Mabuting Simula
Bukod sa pamagat,ito ay ang pang akit din sa mga
mambabasa. Nagsisilbi itong pwersang tumutulak sa
mga mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbabasa.
Ito rin ay nararapat lamang ng magiing tiyak at
tuwiran. “Magsimula sa simula” ang payo ng
maraming manunulat. Aksyon agad ika nga. Hindi na
kailangan ng palioy ligoy sa na introduksyon tulad ng
noong unang panahon, isang araw, habang, minsan,
may isang at ang kwentong ito ay tungkol sa. Ang
ganitong simula ay paso/laos na.
5. Mabuting Wakas
a. Dapat maging kawili-wili upang makintal ang
ang bias ng narasyon.
b. Iwasan ang prediktabol na wakas.
c. (Mas maigi kung) lagyan ng twist na
makatwiran ang narasyon.
d. Iwasan ang paligoy ligoy. Isunod agad ang
wakas pagkatpos ng kasukdulan.
e.Iwasan ang pangangaral sa wakas.

You might also like