You are on page 1of 2

Alam mo ba na…

na ang pagsasalaysay ay maaaring pasulat, pasalita, patula, tuluyan, imahe, paawit,


teatro, o pasayaw. Isang hanay ng magkakasunod na pangyayari na maaaring gawa-gawa
lamang o nakabatay sa totoong pangyayari o maaaring mabatay sa alinman sa
sumusunod:
a. sariling karanasan
b. pangyayaring nakita o nasaksihan
c. pangyayaring narinig
d. pangyayaring nabasa
e. bungang-isip

Naririto ang ilang hakbang na maaaring pagbatayan sa pagsulat ng pagsasalaysay.


1. Linawin kung anong paksa ang tatalakayin.
2. Gumawa ng isang balangkas. Ito ay isang iskeleton ng iyong gagawing pagtalakay sa
paksa.
3. Alamin kung paano isasalaysay ang kuwento. Nararapat na nakaayon ito sa tamang
estruktura:
a. Introduksiyon – Sa bahaging ito inilalahad ang paksang tatalakayin.
b. Eksplorasiyon – Sa bahaging ito naman iniisa-isa ang mga kaalamang may
kinalaman sa paksa.
c. Kongklusyon – Tinatawag din itong wakas at sa bahaging ito maaaring magbigay ng
hamon sa mga mambabasa kung paano magkakaroon ng implikasyon ang mga
pangyayaring isinasalaysay sa aktuwal na buhay.
4. Bigyang-pansin ang wastong mekaniks sa pagsulat tulad ng wastong baybay, bantas at
pamimili ng angkop na salita.
Ang Masining na Pagsasalaysay Ang Pagsisimula
Ang panimula ay kailangang makaakit agad sa mambabasa sa tunay na daigdig na
ginagalawan ng mga tauhan at ng maging bahagi siya ng daigdig sa iyong kuwento.
Mga Uri ng Panimula
1. Panimulang nagbibigay-tuon sa kalagitnaan o sa pagwawakas na halos ng mga
pangyayari.
2. Paglalarawan ng tagpuan at panahon
3. Paglalarawan ng pangunahing tauhan
4. Panimulang pagbibigay-komentaryo sa kahulugan ng karanasan. Kaugnay ng ganitong
panimula, dapat namang iwasan ang sumusunod: a. Iwasan ang pangangaral o
pagsesermon. Halimbawa: Kung hindi uukol ay hindi bubukol. Ito’y napatunayan ko na
noon pa mang ako’y nasa haiskul pa lamang.
b. Iwasan ang panimulang nagpapahiwatig ng mga detalye tungkol sa magiging wakas ng
kuwento.
5. Paggamit ng karaniwang pahayag
6. Paggamit ng Usapan o Diyalogo
Pangkalahatang panahon– Ang tinutukoy ay ang mga panahon sa kasaysayan.
Tiyak na panahon – Kung ang uri ng araw ay tutukuyin sa isusulat na kuwento.

Paglikha ng mga tauhan


Ang mga tauhan, lalo na ang pangunahing tauhan, ay mailalarawang buhay na tauhan
kung matutukoy ang paraan ng pagkilos at pagsasalita.
Ilan Pang Mungkahi sa Paglalarawan ng Tauhan
1. Pumili ng ilang pangunahing katangian ng pangunahing tauhan na madaling makatulong
upang siya’y matandaan.
2. Ipakita ang gawi (mannerism) na magpapakita ng kaniyang personalidad at magpapakita
rin ng kaniyang nadarama.
3. Gawing malinaw ang paglalarawan.
4. Maaaring makalikha ng paglalarawan ng tauhan kilos, pagsasalita, anyo na kailangan sa
pagsasalaysay.
Ang Diyalogo o Usapan
Dalawang Bahagi ng Diyalogo
1. Tuwirang Pahayag-Eksaktong sinasabi ng tauhan.
2. Tag na Diyalogo-Hindi na ginagamit lalo na kung ang mga tagpo ay kababakasan ng
mabilisang pangyayari o mabilisang pag-uusap.
Ang Wakas ng Pagsasalaysay
Karaniwang isinalaysay ang isang bahagi ng aksiyon o pag-uulit sa ginawang panimula
na magbibigay-diin sa pangunahing layunin ng pagsasalaysay.
Pagpili ng Makatawag-pansing Pamagat
May mga katangiang dapat taglayin ang isang kaakit-akit at mabuting pamagat tulad ng:
1. may orihinalidad
2. di-pangkaraniwan
3. makahulugan
4. kapansin-pansin; at
5. kapana-panabik
Ang Gitnang Bahagi
Ang pinakamahalaga at mahirap sulatin ang gitnang bahagi ng isang
pagsasalaysay.Karaniwan itong nagtataglay ng sumusunod na sangkap:
pananaw, aksiyon, tagpuan, tauhan at diyalogo. Tunghayan ang kasunod na mungkahi sa
pagsasalaysay.
1. Pumili ng punto de vista o pananaw na gagamitin sa pagsasalaysay.
2. Sikaping magkaroon ng pagkakaugnay-ugnay ang mga suliranin sa kuwento; kailangang
ang mga ito ay di- pangkaraniwang suliranin.
3. Isalaysay ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Inaasahan na ang
mga ito’y maliwanag na masusundan ng mambabasa sapagkat umaayon sa pananaw o
punto de vista ng tauhang nagsasalaysay.
4. Panatilihin ang detalye ng aksiyon.
Pangunahing elemento ng kuwento ang pandama at isipan

You might also like