You are on page 1of 50

 Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile

River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa.


 Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang nagsimula
subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang
yumabong sa Egypt.
 Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit
ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong
milenyo.
 Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa
Egypt bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile.
Ang mga isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa
pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito.
Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang
tirahan ng mga sinaunang tao sa timog-ng kanlurang bahagi ng Egypt
malapit sa hangganan ng Sudan.
Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago pa sumapit 8000 B.C.E.
Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang
nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.
 Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang
Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy
na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng
lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy
patungong Mediterranean Sea.
 Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging
katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa
Abu Simbel.
 Ang Nile River na may 4160 milya o 6694
kilometro ang haba ay dumadaloy mula
katimugan patungong hilaga.
Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na
bilang THE GIFT OF THE NILE dahil kung wala ang ilog na
ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.

Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-


silangan ng disyerto ng Africa.

Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na


pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng
ilog tuwing Hulyo bawat taon.
The Gift
of the
Nile
 Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970
nang maitayo ang ASWAN HIGH DAM upang makapagbigay ng
elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig.
 Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay
nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa
lambak-ilog.
 Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain
at nag-iiwan ng matabang lupain na mainam para sa
pagtatanim.
 Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng
tubig-baha.
 Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa
bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang
tinatawag na delta.
 Ang lugar na ito ay naging tahanan ng mga ibon at
hayop.
 Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga
lupang sakahan.
 Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat
taon, ang mga sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga
imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal upang
padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka.
 Ang ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng
malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na
teknolohiya, at maayos na mga plano.
 Ang pagtataya ng panahon kung kailan magaganap
ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga
panahong ito.
 Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile
ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong
mga panahong iyon.
 Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang
matatagpuan malapit sa pampang ng ilog.
 Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at
kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng
kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito
ang mga pagsalakay.
 Dahil dito, ang mga tao ay nagawang
makapamuhay nang mapayapa at masagana sa
loob ng mahabang panahon.
 Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay
kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa
dinastiya ng naghaharing pharaoh.
Ang PHARAOH ang tumayong pinuno at hari ng
sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na
taglay ang mga lihim ng langit at lupa.
Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa
kanilang nasasakupan.
Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng
isang pharaoh ang lahat ng aspekto ng
pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian.
TUNGKULIN NG PHARAOH
pagsasaayos ng mga irigasyon
pagkontrol sa kalakalan
pagtatakda ng mga batas
pagpapanatili ng hukbo
pagtiyak sa kaayusan ng Egypt
EGYPTOLOGIST

mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng


Egypt.

Fernand Bisson de La Roque


MAHAHATI ANG KRONOLOHIYA NG KASAYSAYAN NG EGYPT SA SUMUSUNOD NA
PAGPAPANAHON:

Pre-dynastic Period - Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya Nauna sa 3100 B.C.E.


Early Dynastic Period - Panahon ng mga Unang Dinastiya Una at Ikalawang Dinastiya (circa 3100-2670 B.C.E.)
Old Kingdom - Matandang Kaharian Ikatlo hanggang Ikaanim na Dinastiya (circa 2670-2150 B.C.E.)
First Intermediate Period - Unang Intermedyang Panahon Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya (circa 2150-2040
B.C.E.)
Middle Kingdom - Gitnang Kaharian Ika-12 at Ika-13 Dinastiya (circa 2040-1650 B.C.E.)
Second Intermediate Period - Ikalawang Intermedyang Panahon Ika-14 hanggang Ika-17 Dinastiya (circa 1650-1550
B.C.E.)
New Kingdom - Bagong Kaharian Ika-18 hanggang Ika-20 Dinastiya (circa 1550-1070 B.C.E.)
Third Intermediate Period - Ikatlong Intermedyang Panahon Ika-21 hanggang Ika-25 Dinastiya (circa 1070-664
B.C.E.)
Late Period - Huling Panahon Ika-26 hanggang Ika-31 Dinastiya (circa 664-330 B.C.E.)
Nangingibabaw ang bawat dinastiya hangga’t hindi ito
napatatalsik o walang tagapagmana sa trono.
Ang mga petsa ng mga pangyayari sa kasaysayan ng
Egypt ay patuloy pa ring paksa ng mga pananaliksik kaya
di pa maitakda ang tiyak na petsa.
 Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit
sa Nile.

Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga lokal


na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan.

Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng


pagsulat na tinatawag na HIEROGLYPHICS o na ngangahulugang
“sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek.

Ang sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa


pakikipagkalakalan at pagtatala ng mga pangyayari.
 Pagsapit ng ikaapat na milenyo B.C.E., ang ilang
pamayanan ay naging sentro ng pamumuhay sa
sinaunang Egypt.
 Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na NOME o
malalayang pamayanan na naging batayan ng mga
binuong lalawigan ng sinaunang estado ng Egypt.
 Ang mga pinuno ng mga NOME o NOMARCH, ay
unti-unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile
upang makabuo ng panrehiyong pagkakakilanlan.
Ang proseso ng pagbubuo ng isang estado ay
nagtagal ng ilang siglo. Mahalagang salik ang
pagkakaroon ng mga alyansa sa harap ng
mabilis na mga pagbabago sa aspektong
pangkabuhayan at politikal.

Unti-unti ring lumaki ang populasyong


nangailangan ng mas intensibong irigasyon
para sa mga lupang sakahan.

Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng


Nile, ang UPPER EGYPT at LOWER EGYPT.
sumakop sa Lower Egypt na nagbigay-daan
upang mapag-isa ang lupain sa mahabang
panahon.
M
Si Menes ay isa sa mga pinakaunang
Pharaoh sa panahon ng Unang Dinastiya ng
E
Egypt. N
Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang
pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga
gobernador sa iba’t ibang lupain.
E
Ang MEMPHIS ang naging kabisera sa S
panahon ng paghahari ni Menes.
P
 Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa
Y Ikatlong Dinastiya ng Egypt.
 Ang mga kahanga-hangang pyramid o piramide
R ng Egypt na itinayo sa panahong ito ay nagsilbing
mga monumento ng kapangyarihan ng mga
A pharaoh at huling hantungan sa kanilang
pagpanaw.
M  Ang ilan sa halimbawa nito ay ang GREAT
PYRAMID NI KHUFU O CHEOPS SA GIZA na
I naitayo noong 2600 B.C.E. Ito ay may lawak na
5.3 ektarya at may taas na 147 metro.
D
 Makalipas lamang ang dalawang siglo, nahinto ang
pagtatayo ng mga piramide.
 Sa kabuuan, tinatayang may 80 lokasyon ang
pinagtayuan ng mga piramide sa Egypt subalit ang
karamihan sa mga ito ay gumuho na.
 Ang mga piramide ang tanging estrukturang Egyptian
na nananatili sa kasalukuyang panahon.
 Kabilang ito sa tinaguriang SEVEN WONDERS OF THE
ANCIENT WORLD na itinala ng mga Greek na
pinakamagandang arkitektura sa mundo.
 Bagama’t natigil na ang pagpapagawa ng piramide,
itinuon na lamang ng mga pharaoh ang panahon sa
iba pang mga pampublikong gawain.
 Kabilang dito ang paghukay ng kanal upang iugnay
ang Nile River at Red Sea at nang mapabilis ang
kalakalan at transportasyon.
 Gayundin ang pagsipsip ng mga latian sa Nile Delta
upang maging bagong taniman.
 Si PEPI II ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na
Dinastiya (circa 90 B.C.E.).
 Pinaniniwalaang tumagal ng 94 na taon ang kaniyang
pamumuno na nangangahulugang siya ang
pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa kasaysayan.
 Anim na taong gulang lamang si Pepi II nang maupo sa
trono.
 Namatay siya sa edad na 100.
 Bumagsak ang Old Kingdom sa kaniyang pagkamatay.
 Ang kaharian ay nagsimulang humina dahil sa laganap na
taggutom at mahinang pamamahala.
 Nagsimulang hamunin ng ilang mga opisyal ng
pamahalaan ang kapangyarihan ng pharaoh. Dahil dito,
nasadlak ang lupain sa kaguluhan sa loob halos ng
dalawang siglo.
 Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon
ay panahon ng Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya
ng Egypt.
 Sa pagsapit ng 2160 B.C.E., tinangka ng mga
panibagong pharaoh na pagbukluring muli ang
Lower Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis.
 Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa
Thebes ay binuo naman ang Upper Egypt.
 Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang
magkaribal na dinastiya sa Egypt.
 Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si M
MENTUHOTEP I. E
 Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang Egypt. N
 Nalipat ang kabisera sa ITJTAWY (ipinapalagay na ngayon ay el-Lisht) sa T
Lower Egypt. U
 Sa panahon ni SENUSRET I O SESOSTRIS I (1970-1926 B.C.E.), H
nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia. O
 Noong 1878 B.C.E., ipinagpatuloy ni SENUSRET O SESOSTRIS III (1878-1842 T
B.C.E.) ang kampanyang militar sa Nubia. E
 Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang palawakin ang P
kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria.
I
 Ang pinakamahusay na pinuno ng panahong ito ay si
AMENEMHET II (1929-1895 B.C.E.) na namayani sa loob ng 45
taon.
 Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga gawain ng
karamihan sa mga naging pinuno ng Ika-12 Dinastiya.
 Sa halip, maraming ekspedisyon ang nagtungo sa Nubia,
Syria, at Eastern Desert upang tumuklas ng mahahalagang
bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring
gamitin.
 Nagkaroon din ng kalakalan sa pagitan ng Egypt at Crete ng AMENEMHET II
kabihasnang Minoan.
 Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian.
 Kaguluhan at pagdating ng mga Hyksos mula sa Asya ang namayani
sa panahong ito.
 Ang katagang HYKSOS ay nangangahulugang “mga prinsipe mula sa
dayuhang lupain.”
 Sinamantala nila ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang
lugar at palawigin ang kanilang kapangyarihan sa katimugan.
 Nagsimula ang pamamayani ng mga Hyksos noong 1670 B.C.E. at
kanilang napasailalim ang Egypt sa loob ng isang siglo.
 Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit ng mga chariot ay natutuhan
din ng mga Egyptian.
 Nang lumaon, dahil sa kawalan ng kontrol sa kabisera, nagsimula ang
panibagong panahon sa kasaysayan ng Egypt.
 Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na Dinastiya sa alinman sa
dalawang lugar, sa Itjtawy o sa Thebes.
 Subalit nang lumaon, nagsimulang humina ang kanilang kontrol sa lupain. Ayon sa
mga tala, ang Ika-13 Dinastiya ay nagkaroon ng 57 hari.
 Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala.
Ang Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw sa isang bahaging Nile Delta.
 Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang Ika-16 na
Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayani sa Avaris.
 Nagawang palawigin ng mga pinuno rito ang kanilang kapangyarihan hanggang
sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes.
 Ang pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa pag-usbong ng Ika-
17 Dinastiya.
 Nagawang mapatalsik ng mga pinuno nito ang mga Hyksos mula sa Egypt.
 Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon
ng kabihasnang Egyptian. A
 Ito ay pinasimulan ng Ika-18 Dinastiya.
 Tinatawag din ito bilang Empire Age.
H
 Naitaboy ni AHMOSE (1570-1546 B.C.E.) ang mga Hyksos mula sa
Egypt noong 1570 B.C.E.
M
 Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang pharaoh mula sa
Thebes at namayani mula sa delta hanggang Nubia sa katimugan. O
 Panahon din ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng Egypt
sa kamay ng malalakas na mga pharaoh. S
 Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot sa Nubia sa katimugan
hanggang sa Euphrates River sa Mesopotamia, sa lupain ng mga
Hittite at Mitanni.
E
H
A
 Si REYNA HATSHEPSUT (1503-1483 B.C.E.), asawa ni
PHARAOH THUTMOSE II (1518-1504 B.C.E.), ay kinilala
T
bilang isa sa mahusay na babaing pinuno sa S
kasaysayan. H
 Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng
E
mga ekspedisyon sa ibang mga lupain.
 Sa kaniyang pagkamatay, lalo pang pinalawig ni
P
THUTMOSE III (1504-1450 B.C.E.), anak ni THUTMOSE II, S
ang Imperyong Egypt. U
T
 Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo B.C.E. ay si AMENOPHIS
AMENOPHIS IV
IV o AKHENATON (1350-1334 B.C.E.).
 Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan.
 Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba
sa maraming diyos.
 Pinasimulan niya ang bagong relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang
diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw.
 Sa kasamaang-palad, hindi tinangkilik ng mga pari ang ganitong
pagtatangka.
 Sa pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan.
 Siya ay pinalitan ni Tutankhamen (1334-1325 B.C.E.) na noon ay siyam na
taong gulang pa lamang nang maupo sa trono.
 Ang Ika-19 na Dinastiya ay pinasimulan ni RAMESES I (1293-1291
B.C.E.). Siya ay sinundan nina SETI I (1291-1279 B.C.E.) at RAMESES II R
(1279-1213 B.C.E.).
 Si RAMESES II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga panahong ito. Sa A
loob ng 20 taon, kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor M
na unti-unting pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt.
 Natapos ang alitan ng Egypt at Hittite nang lumagda sa isang
E
kasunduang pangkapayapaan si Rameses II at Hattusilis III, ang hari S
ng Hittite.
 Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan
E
ng dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Pinaniniwalaang S
ang Exodus ng mga Jew mula Egypt ay naganap sa panahon ni
Rameses II.
 Muli na namang humina ang pamamahala sa Egypt sa kaniyang I
pagpanaw.
 Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang TANITES,
ay pinasimulan ni SMENDES (1070-1044 B.C.E.) ng Lower
Egypt.
SMENDES
 Ang dinastiyang ito ay napalitan ng mga hari mula sa
Libya na nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya.
S
 Ang unang pinuno nito ay si SHOSHENQ I (946-913 H
B.C.E.) na isang heneral sa ilalim ng nagdaang O
dinastiya. S
 Sa mga panahong ito, maraming mga H
E
nagtutunggaliang pangkat ang nagnanais N
mapasakamay ang kapangyarihan. G
 Humantong ito sa pagbuo ng Ika-23 Dinastiya.
I
 Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang prinsipe ang
kumontrol sa Lower Nubia.
 Nang lumaon, isang nagngangalang PIYE ang
P
sumalakay pahilaga upang kalabanin ang mga
naghahari sa Nile Delta. I
 Umabot ang kaniyang kapangyarihan hanggang sa
Memphis.
 Sumuko nang lumaon ang kaniyang katunggaling si
Y
E
TEFNAKHTE subalit pinayagan siyang mamuno sa
Lower Egypt.
 Sinimulan niya ang Ika-24 na Dinastiya na hindi
naman nagtagal.
 Nagsimula ang ika-26 na dinastiya sa ilalim ni psammetichus (664-610 P
b.C.E.).
S
 Nagawa niyang pagbuklurin ang middle at lower egypt. Nakontrol
A
niya ang buong egypt noong 656 b.C.E.
M
 Sa ilalim ni apries, isang hukbo ang ipinadala upang tulungan ang mga
taga-libya na puksain ang kolonya ng greece na cyrene.
M
E
 Subalit ang malaking pagkatalo ng kaniyang hukbo ay nagdulot ng
kaguluhang sibil na humantong sa paghalili ni amasis ii (570-526 T
b.C.E.). I
 Hindi naglaon, napasakamay ng mga persian ang egypt. C
 Ang pinuno ng mga persian na si cambyses ii ang naging unang hari ng H
ika-27 dinastiya. U
S
 Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian
sa pagtatapos ng Ika-28 Dinastiya.
 Sa pananaw ng Persia, ang Egypt ay isa
lamang nagrerebelyong lalawigan nito.
 Namuno ang mga Egyptian hanggang sa ika-
30 Dinastiya bagama’t mahihina ang naging
pinuno.
 Panandaliang bumalik sa kapangyarihan
ang mga Persian at itinatag ang Ika-31
Dinastiya.
A
 Noong 332 B.C.E., sinakop ni ALEXANDER THE T
L
GREAT ang Egypt at ginawa itong bahagi ng H
E
kanyang Imperyong Hellenistic. E
X
 Malawak ang saklaw ng kaniyang imperyo na X
umabot ng Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia, A G
Mesopotamia hanggang Indus Valley sa India. N R
 Sa kaniyang pagkamatay noong 323 B.C.E., nagging D E
satrap o gobernador ng Egypt ang kaniyang E A
kaibigan at heneral na si Ptolemy. R T
Noong 305 B.C.E., itinalaga ni PTOLEMY
ang kaniyang sarili bilang hari ng Egypt at
C
pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. L
Ang DINASTIYANG PTOLEMAIC ay naghari E
sa loob halos ng tatlong siglo. O
Si CLEOPATRA VII ang kahuli-hulihang P
A
reyna ng dinastiya.
T
Ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong R
Roman noong 30 B.C.E. A
Czantal Ruth Naomi Garcia

Michaella Astronomo
Ryza Granil
Abrielle Cerbito
Rohann Basilio
Geraldine Esteban

You might also like