You are on page 1of 85

Filipino 1: Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Gawain
Basahin ang sumusunod na liham. Batay sa
gamit niya ng wika, ilarawan ang kaniyang
identidad o pagkakakilanlan.
Pag-usapan Natin
Batay sa nabasa mong liham, ano ang
masasabi mong identidad o pagkakakilanlan
ng sumulat ng liham? Paano mo nasabi?
Identidad
• Ang matatag at naisaayos na mga aspekto ng pagkatao:
mga bagay na maaaring suriin sa mga pormularyo ng
sensus tulad ng. . .
• - etnisidad (kultural) gaya ng Filipino, Tsino, Aleman,
Thai, atbp.
• - nasyonalidad (biyolohikal) gaya ng Filipino, American,
Australian, atbp.
• - antas o kalagayang sosyal (mahirap, mayaman, burgis,
atbp)
• - seks (biyolohikal) (lalaki/babae)
• - kasarian (lalaki, babae, atbp)
• - edad
Identidad
• Identidad ay isang
pagtatamo.
• Identidad ay baha-
bahagi at minsan ay
buo.
• Binabago ng tao ang
kaniyang identidad
upang umangkop sa
mga pangangailangan
ng pagkakataon.
Identidad
Identidad ay . . .
–ang hindi natitinag na katangian ng tao na
umiiral bago ang partikular na situwasyon
(personal/indibidwal).
at
–Dinamiko at nakakontekstuwalisadong
pagtatamo na isinagawa sa pakikipag-usap, at
nagbabago mula sa isang konteksto patungo sa
kasunod (binuo/tuloy-tuloy).
Identidad
• Identidad ng Pilipino ay sumisentro sa pagkakaiba
at pagka-indibidwal; katangiang ipinagkaiba niya sa
iba.
• Identidad ay isang sosyo-historikal na pamamaraan
na tumutukoy sa mga katangian ng pagkakatulad
kaugnay sa koneksyon ng isang tao sa iba at sa
isang partikular na pangkat ng tao.
Identidad
Upang maunawaan ang identidad, mahalagang
maikunsidera na ang identidad ay karaniwang nilikha
sa isang panlipunang konteksto sa pamamagitan ng
diskurso (wika at konteksto)
Dalawang pamamaraan kaugnay sa
Identidad
 Ang una ay kumikiling sa dulog primordialist o
sinauna na kinukuha ang kahulugan ng sarili at
kinabibilangang grupo bilang isang
permanenteng bagay, na binigyang-katuturan sa
pamamagitan ng mga layuning pamantayan tulad
ng pinagmulang lahi at mga katangiang
biyolohikal.
 Ang pananaw na ito ay pinangingibabawan ng
ideya ng indibidwal bilang isang ahente sa
pagsulong ng sarili at ang kamalayan ng sarili
kaugnay sa ibang tao.
Dalawang pamamaraan kaugnay sa
Identidad
 Ang pangalawa ay nakaugat sa teoryang social
constructionist, na tumitingin na ang identidad ay
nabubuo sa pamamagitan ng isang pinakapangunahing
pampolitikang pagpipilian ng ilang mga katangian.
 Bukod dito: Ang panlipunang konstruksiyon (social
construction) ay isang konsepto o praktis na maaaring
mukhang natural at malinaw sa mga tumatanggap nito,
ngunit sa katotohanan ay isang imbensyon o artifact ng
isang partikular na kultura o lipunan.
 Mauunawaan na ang panlipunang konstruksiyon ay mga
produkto (madalas na hindi sinasadya o walang malay) ng
hindi mabilang na mga pagpipilian ng tao sa halip na mga
batas na nagreresulta mula sa banal na kalooban o
kalikasan.
Dalawang pamamaraan kaugnay sa
Identidad
 Ang social constructionism ay karaniwang tutol
sa essentialism (na siyang nangingibabaw sa
unang pagtingin), na nagbibigay-katuturan sa
mga tiyak na penomena sa halip na mga trans-
historikal na diwa na hiwalay sa kamalayan na
tumutukoy sa kategorikal na istraktura ng
katotohanan.
 Sinusuri ng social constructionism ang ideya na
ang identidad ay natural na nakalaan, matatag, at
marapat na obhektibo.
Sintesis:
• Ang identidad ay isang pabago-bago, pleksibol, at
abstraktong bagay.
• Ang mga pagpapakita nito at ang mga paraan kung
saan ito ginagamit ay madalas na bukas upang
suriin (ayon kay Geetz at ang ideya na ang kultura
ay nakikita sa labas).
• Ang identidad ay maliwanag na nakikita sa
pamamagitan ng paggamit ng mga palatandaan
tulad ng wika, pananamit, pag-uugali at pagpili ng
espasyo, na ang epekto ay nakasalalay sa kanilang
pagkilala sa iba pang mga nilalang sa lipunan.
Sintesis:
• Ang mga palatandaan ay tumutulong na lumikha ng
hangganan na tutukoy sa pagkakatulad o pagkakaiba ng
gumagamit ng palatandaan at ang tumitingin sa
palatandaan, ang kabisaan nito ay nakasalalay sa
pinagsasaluhang pag-unawa sa kahulugan (Kultura!).
• Sa isang kontekstong panlipunan, nagkakaroon ng di
pagkakaunawaan dahil sa maling interpretasyon sa
kahalagahan ng ispesipikong palatandaan. Halimbawa:
Kapag nagsalita ng Ingles ay mayaman o matalino na.
• Ang isang indibidwal ay maaaring gumamit ng mga
palatandaan ng identidad upang makaimpluwensiya sa
ibang tao na hindi kinakailangang punan ang lahat ng
krayterya na ang eksternal na tumitingin ay tipikal na
iniuugnay sa isang abstraktong identidad.
Apat na Uri ng Identidad

MASTER INTERACTIONAL

IDENTIDAD

PERSONAL RELATIONAL
Master na Identidad
• Master na Identidad (primarya) ay relatibong
matatag at hindi nagbabago: seks, etnisidad, edad,
pambansa at rehiyunal na pinagmulan
• Ang kahulugan ng master na identidad ay nababago
ng panahon at espasyo.
– “Mahina ka lang. Hindi mo kaya ang ginagawa ng
mga kalalakihan.”
Interaksyunal na Identidad
• Ang interaksyunal na identidad ay tumutukoy sa
gampanin ng tao sa komunikatibong konteksto sa
ispesipikong tao.
• Halimbawa: Si Richard ay kapitbahay ko, na
panganay na anak ni Romeo, nagtatrabaho siya sa
isang fastfood, kaibigan siya ng kapatid kong si Liza.
Personal na Identidad
• Ang personal na identidad ay inaasahan na
relatibong matatag at natatangi.
– kadalasan ay tumutukoy sa kung paano nakikipag-
usap at nakikitungo ang isang tao sa iba: maiinitin
ang ulo, matapat, bastos, makatuwiran, mahiyain,
tsismoso, madaldal (sariling pagtingin at pagtingin
ng ibang tao).
• Ang personal na identidad ay kadalasang
pinagtatalunan (sabi ng aking ina ay matigas ang
ulo ko, ngunit sa sarili ko ay hindi naman).
Relasyunal na Identidad
• Ang relasyunal na identidad ay tumutukoy sa uri ng
relasyon na ginagampanan ng isang tao sa isang
partikular na kausap sa isang ispesipikong
sitwasyon.
• Ang relasyunal na identidad ay napagkakasunduan
mula sa isang tagpo sa iba pa at nagbabago.
“Ang identidad, maging indibidwal man, sosyal,
o institusyunal ay isang bagay na patuloy na
nililinang at pinagkakasunduan sa ating buhay
sa pamamagitan ng ating interaksyon sa iba.” -
Joanna Thornborrow. (2004).
“Ang tuon ay nasa identidad na hindi ibinibigay kundi
aktibong nililikha – maging intensiyon man, estratehikong
manipulasyon o sa pamamagitan ng malay na
praktis…itinuturing na ang wika ay isang panlipunang
aksyon o gawain.” - Paul Kroskrity. (2000).
Wika at Identidad
• Sa lingguwistika, ang Sapir–Whorf hypothesis (linguistic
relativity hypothesis) ay bumuo ng palagay ng isang
sistematikong relasyon sa pagitan ng mga kategorya ng
gramatika ng wika na ginagamit ng isang tao at kung
paano ang parehong tao ay nakakaunawa sa mundo at
kumikilos dito.
• Ito ay ang ideya kung bakit maraming panawag sa
“snow” ang mga eskimo at kung bakit maraming
panumbas sa “rice” ang mga Pilipino. Inilalarawan din
nito kung paano nakakaugnay ang tao sa daigdig
(halimbawa: kung ano ang pagtingin natin sa “living
things” at “non-living things” sa kaso ng “bato”)
Paggamit ng Wika at Master na Identidad
Pambansa at/o rehiyunal
– Pinagsasaluhang paglahok sa mga gawain gaya ng Buwan
ng Wikang Pambansa
Etniko
– Paggamit ng wika: Filipino, Ingles, at mga katutubong Wika
– Kontekstuwal na Praktis:
Paano mangangatuwiran/mangusap gamit ang mga
sanggunian na batid ng ibang ispiker ng magkatulad na
wika?
Antas ng Lipunan
– Paggamit ng Ingles ng mga nasa eksklusibong unibersidad
sa pamamagitan ng punto ng pagsasalita.
Paggamit ng Wika at Master na Identidad
• Propesyunal
– Paggamit ng espesyalisadong bokabularyo gaya ng
mga duktor, inhinyero, arkitekto, guro, at iba pa.
• Kasarian
– Wika ng mga bakla
• Edad
– wika ng milenyals, bata, matatanda
Sistema ng Pagtawag at Interaksyunal na
Indentidad
Pagtawag
– Paano mo gustong tawagin ka? Palayaw mo…
• Sa iyong mga magulang? Rob, Robi, Bert, Robert,
Bobby, Roberto, Obet
• Sa iyong mga kaibigan?
• Sa iyong mga guro o propesor?
• Sa iyong matalik na kaibigan?
• Sa iyong kasintahan?
– Paano ka tinatawag ng mga taong ito?
– Nagbabago ba ang iyong pangalan sa pagdaan ng
panahon?
Sistema ng Pagtawag at Interaksyunal na
Indentidad
Mga panawag bilang pagpapakita ng paggalang:
– Tagalog ay may “po” at “Opo”
– Paggamit ng Manong, Manang, Ate, Kuya, Lola,
Lolo at iba pa.
Pagpapangalan at Personalidad?
 Isang lalaking may pangalan na Sue.
 Ayon sa pag-aaral “Ang mga lalaki na may pangalang
pambabae (Taylor, Dominique) ay higit na
nagpapakita ng kawalan ng mabuting asal sa
paaralan habang sila ay nagkakaedad.” - David N.
Figlio ‘Boys named Sue: Disruptive children and their
peers.’ NBER Working Paper 11277, April 2005.
Ano ang problema sa kongklusyong ito?
Isteryotipo?
Determinismo?
Nasyon, Nasyonalidad, at Nasyonalismo
 inobatibo, makabagong konsepto,
makasaysayang bagay na nilikha noong ika-18 na
siglo sa Kanlurang Europa (Anderson 1991)
 Bago ang pagdating ng nasyonalidad, at sa
kawalan ng mga teknolohiya tulad ng
palimbagan, riles, sasakyan, paano naisayos ang
lipunan ng tao?
Lokal na Komunidad

Komunidad ng Relihiyon Dinastiya ng Kaharian


Lokal na Komunidad
• Nakikilala sa pamamagitan ng lugar – mga tao na may sapat na lapit
para sa harapang pakikipag-ugnayan
• Maaaring multilingguwal

Komunidad ng Relihiyon
• Nakikilala sa pamamagitan ng pananampalataya, ngunit maaaring
maipaabot sa lahat ng sangkatauhan
• Karaniwang gumagamit ng sagradong wika, superyor sa bernakular

Dinastiya ng Kaharian
• Nakikilala sa pamamagitan ng katapatan sa hari
• Sa kalaunan ay naging katangian ng nasyonalista sa Kanlurang Europa
Nasyonalismo – Produkto ng Romantisismo ng
Kanlurang Europeo
• Tatlong Pilosopong Aleman:
Johann Wilhelm von Johann Gottlieb
Gottfried Herder Humboldt Fichte
Nasyonalismo – Produkto ng Romantisismo ng
Kanlurang Europeo
• Tatlong Pilosopong Aleman:
Johann
Gottfried Herder
“May hihigit pa bang
mahalagang bagay sa
bayan kaysa sa wika ng
kaniyang ninuno?”
Nasyonalismo – Produkto ng Romantisismo ng
Kanlurang Europeo
• Tatlong Pilosopong Aleman:
Wilhelm von
Humboldt

Ang wika ay ang


“espirituwal na paghinga”
ng isang bansa.
Nasyonalismo – Produkto ng Romantisismo ng
Kanlurang Europeo
• Tatlong Pilosopong Aleman:
Johann Gottlieb
Fichte
“Higit na hinubog ng wika
ang tao kaysa ng hinubog
ng tao ang wika”
Modernong kahulugan ng nasyon (Anderson 1991)
• Isang hiniraya (imagine) na politikal na komunidad
na kapuwa limitado at malaya
• Hiniraya dahil ang mga miyembro ay hindi kayang
kilalanin ang lahat
• Limitado dahil walang nasyon na kayang sakupin
ang sangkatauhan, maging pangarapin ito
• Malaya dahil nagkaroon ng mga nasyon bunga ng
pagmulat at paghahangad ng kalayaan
• Komunidad dahil ang isang nasyon ay ipinagbuntis
bilang isang kapatiran ng pagkakapantay-pantay
Ano ang maiaambag ng mga tao sa isang nasyon?
• Isang pangalan
Ang isang “ideyal” na nasyon-
• Isang wika estado ay gumaganap na
• Isang teritoryo ISANG bansa = ISANG estado
• Isang panitikan & alaala
• Isang kultura
• Isang ekonomiya
• Mga karapatan at Tungkulin

T: Alin ang mahalaga? Alin ang di/pinili? Alin ang


di/nilayon?
Wika (Andersen 1991)
• Ang isang wika ay isang makapangyarihang paraan
upang magpunla ng isang bansa sa isang nakaraan
dahil ang isang wika ay yumayabong mula sa
nakaraan nang walang sariling kapanganakan, at
nagmumungkahi ng isang komunidad sa pagitan ng
isang kontemporeneong lipunan at ng mga
namatay na ninuno nito.
• Ang mga tula, kanta, pambansang awit ay lumikha
ng isang sabay-sabay na komunidad ng mga walang
sariling tinig.
Bakit pangunahing salik ng identidad ang wika?
(Janda forthc)
• Daan sa kultura
• Daan sa transmisyon ng media (sayaw, pagkain,
handicrafts)
• Kapag nawala ang wika, mawawala din ang akses sa
kultura
• Ang kultural na konsepto ay nakapaloob sa wika
• Ang wika at kultura ay hindi mapaghihiwalay
Problema sa
“ideyal” na nasyon-estado

• T: Ilang pulo mayroon sa


Pilipinas?
• S: 7, 641
• T: Ilang mga wika
mayroon ang Pilipinas?
• S: Humigit kumulang sa
185
Bakit mahalaga ang mga wika?
(Harrison 2006, Janda forthc)
• Naglalaman ito ng mga impormasyon
tungkol sa kultura at pakikipag-ugnayan ng
tao Ang mga wika ay
• Naglalaman ito ng mga impormasyon imbakan ng mga
tungkol sa sustanableng paggamit ng mga
angkop na kapaligiran
kaalaman ng tao
• Naglalaman ito ng mga impormasyon
kaugnay sa kaisipan ng tao

Karamihan sa mga wika sa daigdig ay mula sa


katutubong bansa
Karamihan sa kaalaman ng tao ay nasa kamay
/bibig ng mga katutubong tao.
Wika
• Anumang maaring gamiting midyum na may
kahulugan sa lipunan at magagamit upang
magbigay ng mensahe
• Salita, busina, tunog, kilos, galaw, damit, kulay,
senyas, kapaligiran, katahimikan, presensiya
• ANG SALITA AY ISA LAMANG MANIPESTASYON NG
WIKA
Kultura
• Mga teksto at gawaing pinagmumulan ng mga
kahulugan
• Uri ng pamumuhay (gawain tuwing pasko, bagong
taon, kasal, nov. 1, etc.)
• Kultura bilang signifying practices (soap opera,
media, pop music, komiks, ---- cultural text)
Mula competence tungong resonance
• Cultural competence – kakayahang matutuhan,
unawain, at pag-aralan ang kultura.
• Cultural resonance –tunay na pagdamdam/pagdama
at pagdanas sa kultura.(Cruz, 12)
• Hal. Ang pag-alam sa kultura ng mga igorot ay
competence lamang, ang pag-alam sa mga wika sa
bansa ay competence lamang
Mula competence tungong resonance
• Ngunit ang paglait sa mga Igorot, ang mababang
tingin sa kanila ay kawalan ng cultural resonance.
• Ang paglait sa mga wika sa Pilipinas ay kawalan ng
cultural resonance.
• Ang pagtatawa sa pagsasalita ng mga
bisaya/paggamit dito bilang simbulo ng katulong sa
tv/teatro ay kawalan ng cultural resonance
Mula competence tungong resonance

Ang paglaki ng isyu ng MAJOR MAJOR ni Venus Raj ay


salamin ng mababang pagtingin sa Phil. English na
salamin ng kawalan ng cultural resonance.
Konsepto ng kakayahan at kasanayan
• Kakayahan – kaya, nagagawa, laging
ginagawa/hindi laging ginagawa, abilidad
(COMPETENCE)
• Kasanayan – sanay, laging ginagawa (SKILLS)
• Galing – pagpapakita o performance na hindi
katumbas ng kasanayan. (PROFICIENCY)
12 PANGUNAHING WIKA PARA SA MTB-MLE
• ILOCANO • MAGUINDANAO
• PANGASINAN • MARANAO
• KAPAMPANGAN • TAUSUG
• TAGALOG • CHAVACANO
• BICOL
• WARAY
• HILIGAYNON
• CEBUANO
Pagkakaiba
Wika ng Kultura
Pagkakaisa sa Pagkakaiba
• BEDDENG – salitang Ilocano – hangganan ng
dalawang komunidad, nagpapakita ng pagtatagpo
(convergence) at pagkakaiba-iba (divergence) dahil
ang hangganan na ito ay nagsisilbi ring bigkis o
pook ng pagsasama-sama, ng pagkakaisa at
pagpapalitan.
• BODONG – salitang Igorot – tumutukoy sa
pagkakasundo ng kapuwa tungkulin at kaparusahan
ng karatig na mga bayan.
Wika at kultura
Galing ang datos sa GDCE CulEd 203 ng St Paul
University Surigao, Bicol University Legazpi,
Westerm Mindanao State University Zamboanga.
April-May 2012.
Wika at kultura
 CEBUANO/HILIGAYNON
Mga Laro :
 Dampa – gamit ang mga palad sa pagpapalayo ng
goma
 Tintin bika – step yes step no
 Tumba lata – tumbang preso
 Unggoy-unggoy – gamit ang baraha
 Takyan – sipa
 Bagol – gamit ang tsinelas
 Kadang-kadang – gamit ang kawayan o bao ng buko
Wika at kultura
Transportasyon :
• Kanga/karosa
• Palwa sa lubi
• Tuwang-tuwa
• Balsa sa saging
• Balsa sa kawayan
• Habal-habal
Wika at kultura
Glosari :
• Amuyong – katagang Ilonggo na bansag sa batang
pasaway
• Balbal – aswang na pinaniniwalaang kumakain ng
lamang loob ng tao
• Bulig – likas na ugali ng mga ilongo na pagtutulungan
• Gimino – Niligaw ng engkanto, di makaalis sa lugar,
pabalik-balik
• Kuhaw – uri ng ibon na may kakayahang magbigay
babala sa pagdataing ng tagtuyot
• Tikal – yabang
• Was-ag – pagsaboy ng bigas sa kasal
Wika at kultura
CHAVACANO
Glosari :
 Pagnyuros – antanda ng krus sa sarili
 Tagalpo – pagpagpag ng tatlong beses sa paa bago
pumasok sa bahay
 Kalibangbang – ay paruparo na mga mga kahulugan ayon
sa laki at kulay
 Kilik – isang ibon o paniki na pinaniniwalaang tapat na
katulon ng aswang
 Lubang – malaing dikdikan ng palay, mais, etc.
 Burubareta – isang kulay tsokolateng ibon
 Kikiyaw – isang dilaw na ibon
Wika at kultura
SUBANON
Glosari :
 Moktiyagam – pangangaso ng baboy ramo at usa
 Mogloguwoy – pangangalap ng uhay sa gubat
 Momuwag – pangunguha ng pulot-pukyutan
 Mominalan – pagkakainigin. Paraan ng pagtatanim
na pinuputol ang mga malalakig puno at sinusunog
upang mapagtamnan ang lupa
 Momonggit – pangingisda na gumagamit ng lubig na
gawa sa uhay. NGAYON DAW AY NYLON NA ANG
GAMIT
Wika at kultura
 Mongongan – masamang espiritu na kumakain ng
tao
 Mongilus – hilot
 Busokoy – isang uri ng lamang dagat. SIGAY
 Moglokondawan – pagsasayaw at pagsamba ng
magdamagan
 Pomutuk – seremonya at pagdiriwang sa
pagsalubong sa bagong taon
 Mogdulang – tawag sa pagdiriwang ng subanon kung
saaan nagpapakain sa lahat ng dadalo
 Momitik – paggamit ng tirador sa paghuli ng ibon
 Boklug – isang mataas at sagradong ritwal ng
mga subanon
 Mongingalan – pagbibigay ng pangalan sa tao –
KADALASAN AY AYON SA KATANGIAN NITO. KAYA
HINDI AGAD-AGAD MAY PANGALAN ANG TAO
 Baloy – bahay ng Subanon na karaniwang may
mataas na poste. 8 talampakan ang taas ng sahig.
Ang hagdan ay gawa sa torso na inukitan at
hinihila pataas kung sa gabi o may may panganib.
SURIGAO
 Magjango-jango – nagpapahiwatigng di pagsang-ayon
 Mangiwaw – nagpapahiwatig ng inggit o pag-ayaw sa tao
 Tuway-tuway – knee cap – bahaging katawan ng tao na
pinaniniwalaang nagbibigay kapangyarihan sa may hawak
nito
 Tindok – uring saging na may malalaki at mahabng bunga
 Habak – isang uri ng anting-anting na gawa sa basyo ng
bala, hindi ka tatablan ng bala
 Liti – kidlat na may malaking gamit sa larangan ng anting-
anting
 Amimispis – uring hayop na pinaniniwalaang nagbibigay
babala na may kaluluwa sa paligid.
MGA LARO :
 Tago-tago – taguan
 Buyan-buyan – naglalaro sa kabilugan ng buwan
 Siomoy – larong jolen ng mga bata
 Taksi – nangungulekta ng tansan at pinipitpit
DIREKSIYON
 Tudlo suob – kung may magtatanong sa iyo ng direksiyon na
malapit lang ang ituturo mo sa direksiyon ay ang kamay at
hintururo mo.
 Simog-lajo – kung may magtatanong sa iyo ng direksiyon na
malayo ang ituturo mo sa direksiyon ay NGUSO
 Mino – kapag naglalakad at naligaw sa gubat, ikaw ay tagmino
SAKIT
 Panuhot – karamdamang di magamot ng
medisina. Ang lunas ditto ay usok ng tabako at
pagmamasahe ng katawan
 Bughat – sakit na nakamamatay
 Tayhop – nakisalamuha ng mga taong may
malagkait na amoy.
 Apriseya – lagging umiiyak pag gabina maarig
gamutin ng dahon na ilalagay sa unan ng bata
BICOL
 Tabi apo- tabi tabi po
 Panuma/tungkos – isang pirasong bagay na binalot ng
tinahing pulang tela at ikinakabit sa damit ng bata upang
di lapitan ng masamang espiritu
 Ogis – tawag sa mga taong mapuputi na pinaniniwalaang
anak ng engkanto
 Santigwar – ritwal na ginagawa upang gumaling ang mga
maysakit
 Ipinangirak – tawag sa taong kinaawaan ng engkanto
 Unglo – kalahati tao kalahati kabayo
 Dotoc – novena sa santacruzan
Ideolohiya
• Sistematikong magkakaugnay na mga ideya na
pinaniniwalaan ng isang partikular na grupo ng mga
tao.
• Pagsasanib ng cultural text at practices upang
maipakita at mailantad ang imahe ng
pinaniniwalaang realidad.
• Ideolohikal din ang wika
Isip Pinoy
• Itaga mo sa bato
• Ilista mo sa tubig
• Tinamaan ng lintik
• Lagpas tao/tuhod/binti/baywang/dibdib/leeg/ulo
• Suntok sa buwan
• Pagputi ng uwak pag-itim ng tagak
• Mata mo lang ang walang latay
Isip Pinoy
• May gatas sa labi
• Pizza pie – pizza
• Pato ay bibi na puti o itik na brown
• Bilog ang mundo / apatna sulok ng mundo
• Hampaslupa / isa kang putik,
• isip ipis / buwaya ka / ahas ka,
• gabundok na labada,
• mahangin ka,
• bumaha ng luha
Estruktura ng kaalaman
 Haypotesis ni Sapir-Whorf (malaki ang papel ng
wika sa paghubog ng pananaw pandaigdig ng tao
– aircon, snow, palay, bigas, taboo words,
oo,hindi, bahala na, ewan ko, sutsot, sama-sama
sa pagsakay sa jeep, konsepto ng salimpusa, iba
ang itingin sa espasyo, mukha/ari, tumatanggi
kapag inaalok.
• Nagtitira ng konti sa plato, nagkakahiyaan sa huling
pagkain, nahihiya mauna sa pila, greetings/pagbati,
kompartmentalisadong pagkain, nakabibingi ang
katahimikan.
• MOULD THEORY/CLOAK THEORY – ang wika ay
isang hulmahan na basehan ng kaisipan.
Habitual thought ni Bourdieu
• Iba ’ t ibang paraan ng pag-unawa ng bawat
indibidwal sa kung paano niya tinitingnan ang
mundo batay sa kaniyang personal na karanasan at
kaalaman.
• Dito nabubuo ang habitus.
Habitual thought ni Bourdieu
• nakagawiang paraan ng pag-iisip at pag-unawa
• paggamit ng kulay (pula-digmaan/pag-ibig)
• berde – buhay; green- green jokes
• orange- Villar, Erap, preso
• yellow – Cory/Ninoy/Noynoy
• V sign – Marcos/victory/peace
• L sign – Cory/Ninoy/Noynoy/oposisyon/libing
Kognitibong apropriyasyon
• Ugnayan ng kinasanayang anyo ng pag-iisip at
pagkilos sa paggamit ng wika. Sa kasanayang
kultural nauunawaan kung paano nag-aangkop ang
tao sa isang kaanyuang pangwika na lapat sa
kanilang anyo ng pag-iisip (mahal na araw, fiesta,
ritwal sa patay, kasal, binyag)
Kognitibong apropriyasyon
• Sa paggamit ng tama at angkop na salita,
napapaganda ang pangit na konsepto.
• Ang paggamit ng wika ay isang tiyak na pag-iisip.
Ang pag-iisip ay pakikipag-usap sa sarili. Ang pag-
iisip ng tao ay nangangahulugan ng paggamit nito
ng tiyak na wikang nakuha at nauunawaan mula sa
pakikipagkomunika sa lipunan sa loob ng isang tiyak
na karanasan (Shaff 82)
• Ilang halimbawa nito ang konsepto ng aircon ng
mga Pilipino at Hapon. Maging ang snow ng mga
Eskimo ay maraming katawagan:
• Apat – niebeng nasa lupa
• Qana – umuulang niebe
• Piqsirpoq – lumulutang na tipak ng niebe
• Qimuqsuq – nabuong tipak ng niebe dala ng
hangin.
• Mayroon din tayong ganyan sa wika natin : mula sa
palay hanggang suman.
• Saka na – hindi katumbas ng bukas na…kundi
paghihintay ng tama at angkop na panahon.
• Ang imbitasyon ay paulit-ulit dahil sa pagitan ng
imbita at okasyon ay may espasyo na dapat
punan………..sanay ang isipan sa paghihintay.
• Polikronik ang Pinoy – ginagawa ang mga bagay
nang sabay-sabay…..pinupunan ang espasyo ng
paghihintay kaya mataas ang pasensya ng Pinoy sa
paghihintay. (Wowowee stampede)
• Espasyo bilang wika sa kulturang Pinoy….
• bahay ng Pinoy
• dingding
• taxi
• kotse
• mesa
• eskaparate
• Masasabing malaki ang papel ng pag-iiba o
pagkakaiba ng paradigm sa pagtingin at
pagkaunawa sa wika.
• Iba ang paradima at pagtingin ng Filipino sa Ingles
na nasasalamin sa paraan nito ng paggamit sa
Ingles kung kukumpara sa paradima ng Amerikano
sa kanilang wika.
 To wear vs to use sa usapin ng pabango. Iba ang gamit
natin at pagtingin sa salitang Ingles na wear at use
samantalang sa Amerikano ang lahat ng ginagamit para
sa katawan ay to wear. Sa atin, iba ang isuot sa gamitin.
 How are you? I’m fine sa Filipino at I’m good sa
Amerikano. Iba ang fine sa atin at good. Fine ang para
sa kalagayan ng tao at good para sa pagiging mabuting
tao.
 “ Implication to ” sa Filipino; “ implication on ” sa
Amerika; “implication for” sa British. Mas pinili natin
ang “to” kase ang katumbas nito sa ating isip ay “sa”
dahil nag-iisip tayo sa wika natin kaya “implikasyon sa”
 “In search for” – Filipino vs “in search of” – Ingles
 Outside of – Filipino vs Outside – Amerikano
• Nakikilala ang kultura sa pamamagitan ng angkop
na pakikipagkomunika ng taong gamit ang wikang
nagtataglay at imbakan ng mga pagpapahalagang
kultural.
• Ang wika ay sumasakultura sa pamamagitan ng
komunikasyon.
• Ang pakikipagkomunika ay kultural din.
• Sa madaling sabi, magkakasalikop ang wika kultura
at komunikasyong umiiral sa isang masalimuot na
lipunan.
• PAKIKI……TUNGO
• PAKIKI…….SALAMUHA
• PAKIKI…….LAHOK
• PAKIKI…….BAGAY
• PAKIKI…….SAMA
• PAKIKI…….PAGPALAGAYANG LOOB
• PAKIKI…….SANGKOT
• PAKIKI…….ISA
• palahawak ang mga pilipino……
• hipo
• pisil
• lamas
• akbay
• himas
• makikita ang mga kilos na ito sa patalastas ng mga
politiko sa eleksiyon
• anak kahit hindi anak
• kuya kahit hindi kapatid
• tito kahit hindi kapatid ng magulang
• nanay kahit hindi anak
• hindi mapartisyon
Nabuo ang kahulugan dahil nabigyan ng halaga ang
aking mga kilos, ginagawa, hindi lamang dahil sa ako
ang gumagawa at kumikilos kundi kakabit at
karugtong ito sa kilos, isip, at gawa ng iba. May
nabubuong salaysay at pagpapakahulugan sa palitan
ng mga umiiral (Zosimo Lee, 2001).
• May malalim na pinsala sa kaisipan at damdaming
Pilipino ang hindi maingat at malabong pagkilala sa
halaga ng wika para humubog ng tao at
pagpapahalaga nito na maaaring makaiwas sa
tinatawag na kasalanan at pananakit sa kapuwa.
• Ang wika ng kaluluwa ay ang damdamin nito.
Damdamin na nagiging isang aksiyon na nakikita at
nababasa ng kapuwa.
Gawain
• Basahin ang sumusunod na artikulo at sagutin ang
kaakibat na mga tanong:
• Language, learning, identity, privilege
ni James Soriano
https://opinion.inquirer.net/11649/language-
learning-identity-privilege
Pag-usapan Natin
1. Ano ang identidad ng taong gumagamit ng Ingles
na ipinahihiwatig ng may-akda?
2. Ano ang identidad ng taong gumagamit ng
Filipino na ipinahihiwatig ng may-akda?
3. Sang-ayon ka ba sa kaniyang mga argumento?
Bakit o bakit hindi?
4. Paano maitataguyod ang prestihiyo o dangal ng
Filipino bilang wikang pambansa?
Sanggunian:
• Anderson, Benedict. 1991. Imagined Communities.
London/New York: Verso.
• Edwards, John. 1985. Language, Society and
Identity. Oxford: Blackwell.
• Harrison, K. David. 2006. When Languages Die: The
extinction of the world's languages
and the erosion of human knowledge. Oxford:
Oxford University Press.
• Janda, Laura A. Forthcoming. "From Cognitive
Linguistics to Cultural Linguistics", to appear in
Slovo a smysl/Word and Sense.

You might also like