You are on page 1of 6

FLORANTE AT LAURA

(Saknong 084 – 107)


Gawa nila:
Michelle De Castro
Rishna Sharma
Kurt Binas
Buod
84
Nagulat si Aladin. Sumigaw siya, at nakinig. Narinig niya muli ang mga hikbi.
85
Nagtaka si Aladin kung sino ang hihikbi sa gubat na yun. Alisto siyang nakinig.
86
Narinig ni Aladin na may nagtatanong kung bakit siya inulila ng kanyang ama.
87
Inisip ni Florante kung paano nahirapan ang kanyang ama sa kamay ng mga
traydor
88
Naisip din ni Florante kung gaano kagrabe ang parusang ipinataw ni Konde
Adolfo laban sa ama ni Florante.
89
Nararamdaman ni Florante ang paghihirap na naranasan ng katawan ng kanyang ama.
90
Naiisip ni Florante ang luray-luray na bangkay ng kanyang ama, na hindi man lang
binigyan ng disenteng libing.
91
Inisip ni Florante ang mga dating kaibigan ng kanyang ama na lumipat na sa mga grupo
ng mga traydor. Naisip din niya ang mga kaibigan pa rin, ngunit takot nang hawakan ang
katawan ng kanyang ama at baka pati rin sila ay maparusahan.
92
Parang naririnig ni Florante kung paano nagdasal ang kanyang ama na maprotektahan
si Florante mula sa kapahamakan.
93
Hiniling din ng kanyang ama na iwan na lang si Florante sa ilalim ng mga bangkay sa
parang ng digmaan, nang di malapastangan ni Konde Adolfo ang kanyang mga labi.

You might also like