You are on page 1of 8

MGA ARAL O

MENSAHE
Oh pagsintang labis,
saknong 68-83
Dumating sa gubat ang isang matikas na
genero na nakasuot ng turbante at morong
galing pa ng Persiya. Tumigil ito sa
paglalakad upang alalahanin ang nakaraan
niya. Naluha siya nang maalala ang
kasintahang si Flerida na inagaw ng
kaniyang sulab na ama.
ARAL O MENSAHE:
Kailan man hindi magiging mabuti’t maganda ang
pagiging taksil kahit kanino, sapagkat nakakasakit ka ng
damdamin ng ibang tao at ang pang-aagaw ay hindi rin
maganda, lalo’t pa inaagaw mo ang hindi mo pagmamay-
ari. Kahit na ikaw ay kaduo, nararapat pa ring bigyan ng
limitasyon ang iyong sarili, hindi porket ama, kadugo o
kung sino ka man ay may karapatan ka ng gumawa ng
mga hindi magagandang gawain na tiyak na makakasira
sa tiwala’t relasyon niyo at ng taong sisiraan o siniraan
mo.
Amang mapagmahal, amang mapaghangad
saknong 84-104
Ang gererong moro na sawimpalad din sa pag-ibig ay si
Aladin. Sa kaniyang pagmumuni ay may narinig siyang
boses, na sa paghahanap ay napagtanto niyang galing sa
mandirigmang si Florante na nakatali sa puno. Narinig niya
ang mga daing ni Florante at naisip niyang pareho ang
sinapit ng kapalaran nilang dalawa dahil si Florante ay
inagawan ng kasintahan samantalang siya ay sariling ama
naman ang umagaw sa kaniyang Flerida. Sa muling
pagtangis ni Florante ay nakita ni Aladin ang dalawang leon
na nakapalibot kay Florante.
ARAL O MENSAHE:
Ito’y sumasalamin sa pagsubok na pagdadaanan at
nararapat na solusyunan, maraming problema ang
nararanasan natin na ang aakalain lamang natin na
tayo lamang ang nakararanas nito, ngunit tayo’y
nagkakamali sapagkat hindi lamang iisa ang
nakararanas nito, kundi marami rin. Gamitin mo ang
pagkakataong parehas kayo ng pagsubok na
kinaharap upang magkakilala, magkatulungan at
muling bumangon sa panibagong buhay na walang
Palalam bayan, paalam laura saknong
105-125
Nang makita ni Florante ang dalawang leon ay
naisip na niya na iyon na ang kaniyang
katapusan kaya naman nagpaalam na siya sa
bayang Albanya, sa kaniyang ama, sa
kasintahang si Laura na inakala niyang
nagtaksil, pati na rin kay Konde Adolfo na
itinuturing niyang malupit. Ngunit sa kabila ng
labis na pagdaramdam ay mas mahigit pa rin
ARAL O MENSAHE:
Huwag tayong maging negatibo, huwag
natin pairalin ang pag-iisip ng mga bagay
bagay na hindi makatutulong sa atin lalo pa
kung tayo ay dumaranas ng hirap, mas
piliin nating mag-isip ng mga bagay o
kaganapang magaganda upang tayo ay
makaahon sa hirap na ating dinaranas sa
buhay. Ibaon natin sa hukay ang mga hindi
magagandang pagsasama, at huwag sumuko
bagkus harapin at labanan ang mga
pagsubok na dumating sa iyong buhay, lalo
na sa tulong ng Diyos, dahil wika nga nila
“walang imposible sa Diyos”.
MARAMING
SALAMAT SA
INYONG
INILAANG ORAS
SA PAKIKINIG
—Nicolai Angelo C. Marquez

You might also like