You are on page 1of 8

KONSEPTO

NG
BAYANI
BAYANI
Ayon kay Dr. Zeus Salazar, isang historyador at
pangunahing tagapagpalaganap ng Pantayong
Pananaw sa bansa, ang “bayani” bilang “isang
nagkukusang makipagtulungan nang walang
anumang bayad sa mga gawaing pangkomunidad.”
Isang tao na gumawa ng isang dakilang gawain.
Layunin nila na makatulong sa iba upang maging
maayos ang buhay ng kanilang mga kababayan.
Tinatawag na “bayani” ang mga
pangkaraniwang tao na gumagawa ng isang bagay na
taliwas sa inaasahan ng marami na gagawin niya, o
ng isang bagay na napakahirap gawin, o bagay na
magdudulot ng malaking sakripisyo at hirap.
Sila ang mga taong naaalala dahil sa laki
ng kontribusyon nila upang mabago ang
kalagayan ng isang bansa.
Nag-iwan ng mga aral at halimbawa nang
sila’y lumaban at nagbuwis ng buhay para sa
ating kalayaan. Ipinamalas nila na ang
pagmamahal sa tinubuang lupa at sariling lahi
ay ang pinakadakilang anyo ng pag-ibig.
Nagsisilbi silang inspirasyon sa mga tao
ng kasalukuyan upang gayahin ang mga
katangiang ipinakita nila.
Ranko ng mga Bayani Noon
1. Maniklad - nakapatay ng 1 kaaway at siya ay
nakasuot ng pula at dilaw na putong sa ulo
2. Hanagan - nakapatay ng 5 kaaway at siya ay
nakasuot ng pulang putong sa ulo; dumadaan din siya
sa ritwal pagkain ng atay at puso ng kaaway na
napatay nila. Ito angrital ng tagbusawan na para kay
tagbusaw ang diyos ng pakikidigma.
3. Kinbaon - nakapatay ng 7-20 na kaaway. Nakasuot
n chaleco.
4. Luto - nakapatay ng 50-100 na kaaway. Isang
napakagaling na mandirigma.
5. Lunnguam - nakapatay ng kaaway sa teritoryo nito.
President’s Executive Order No. 75
“The National Heroes Committee”
Nabuo noong Marso 28, 1993 sa ilalim
ng administrasyon ni Pang. Fidel V. Ramos.
Naglalayong pag-aralan, suriin at
magrekumenda ng mga makasaysayang tao
o personalidad na idedeklara bilang
pambansang bayani.
Pamantayan sa Pagpili ng
Pambansang Bayani
1. Ang lawak ng sakripisyo ng isang tao para sa kapakanan ng
bansa.
2. Ang motibo at mga pamamaraan na nagtatrabaho sa
pagkakamit ng hangarin.
3. Ang wastong katangian na dapat taglayin ng isang tao
4. Ang mga bayani ang mga may konsepto ng bansa na
mayroong hangarin at pakikibaka para sa kalayaan ng bansa.
5. Ang mga bayani ay tumutukoy at nag-aambag sa isang
sistema ng buhay ng kalayaan at kaayusan para sa isang
bansa.
6. Ang mga bayani ang mga nag-aambag sa kalidad ng buhay at
kapalaran ng isang bansa.
9. Iniisip ng isang bayani ang hinaharap, lalo na ang mga
henerasyon sa hinaharap, ang kanyang pagmamalasakit sa
mga susunod na henerasyon ay dapat makita sa kanyang mga
pagpapasya at mga mithiin.

10. Ang pagpili ng isang bayani ay nagsasangkot hindi lamang


sa muling pagsasalaysay ng mga kaganapan sa kasaysayan,
kundi ng buong proseso na nagawa nitong partikular na tao na
isang bayani.

Listahan ng mga Dapat Ideklarang Pambangsang Bayani

Jose Rizal Sultan Dipatuan Kudarat


Andres Bonifacio Juan Luna
Emilio Aguinaldo Melchora Aquino
Apolinario Mabini Gabriela Silang
Marcelo H. del Pilar
Mga Makabagong Bayani
Nagbago na ang ating pamantayan at
pananaw patungkol sa paksa ng kabayanihan
sa kasalukuyang panahon. Hindi lang
pagbubuwis-buhay ang tanging batayan.

1. Overseas Filipino Workers (OFWs)


2. Sundalo
3. Guro
4. Doktor
5. Ordinaryong Mamamayan

You might also like