You are on page 1of 12

Mga Signs paano mo malalaman na

gusto ka ng isang guy…


• Sobrang normal lang sa tao ang pagkakaroon ng crush, at siguro ay ito
na rin ang isa sa mga pinakakakaibang feelings sa mundo. Hindi mo
alam ang gagawin kapag nakikita mo siya. Nabubulol ka o pumipiyok
kapag naguusap kayo. Susulat ka ng mga tula at kanta kapag nakita
mo na “in a relationship” na pala siya sa FB.
• Pero kung sakaling pareho kayong single at ready to make landi, dyan
na papasok ang confusion. May meaning ba ang kindat niya na yun?
Kapag tinatawag niya ba ko lagi, sign ba yun na hindi ito one-way
love? Ano ba talaga ang mga signs na crush ka din niya?!
• Kalmahin mo ang iyong hinaharap.
Mga Signs na gusto ka ng guy…

• Ikaw, may mga signs ka ba na napapansin pero hindi ka pa rin sure


kung crush ka niya? Share mo ang mga experiences mo sa comments
at pwede nating pagusapan yan!
• So, paano nga ba malalaman na may crush sayo ang isang tao?
Actually madali lang naman mahalata kung hindi ka 100% manhid at
marunong ka magobserve sa paligid mo. Isa akong taong curious sa
nangyayari sa paligid, at sa isang classroom or workplace, nalalaman
ko kung sino ang may crush kanino.
• signs na crush ka ng lalaki o babae
• Ang Mga Obvious na Signs
• Signs1. Paghingi ng number at pagtanong kung may jowa ka na
• Eto na siguro ang nakow! Pinakaobvious na sign sa lahat. Pickup line na
lang ang kulang. Kapag may gusto sayo ang isang tao, ang isa sa mga
unang itatanong niya ay kung may boyfriend o girlfriend ka na ba. Ayaw
niya kasing magaksaya ng panahon na suyuin ka kung hindi ka pa naman
pala available.
• Kung wala ka namang jowa, sunod na niyang hihingin ang number or FB
mo para mas makapag-usap pa kayo. Baka bumanat pa yan ng “gusto kasi
kitang maging friend” pero ang totoo may gusto lang sayo yan. Kasi kung
gusto mo siyang maging friend, hindi mo na yun kailangan sabihin, basta
makikipagkaibigan ka na lang.
• 2. Kapag nagaayos siya ng sarili kapag nasa paligid ka
• Ito naman, medyo nakakaconfuse kasi baka natural lang pala na ma-
hygiene yung tao. Pero kung kunyari, tuwing lalapit ka eh inaayos niya
yung buhok niya o yung kwelyo ng damit niya, sign yun na attracted
siya sayo.
• Siyempre gusto niyang mapansin mo siya kaya gotta look your best
diba. Kahit ikaw naman siguro, magpapakita ka ba sa crush mo kung
dugyot ka?
• 3. Eye contact
• Sabi nila, ang taong hindi makatingin ng mata sa mata ay nagsisinungaling. Ganun
din ang isang sign kapag may gusto sayo ang isang lalaki o babae. Siyempre tinatago
niya sayo ang feelings niya kailangan umiwas ng titig ng very light. Ganun kapag
torpe o shy-type siya.
• Kung siya naman yung tipong confident na tao, hindi ka niya titingnan ng mata sa
mata 100% of the time pero hindi aalis ang titig niya sa mukha mo. Siguro titingin
siya sa mata mo, tapos sa ilong naman, tapos sa bibig. Mga ganung galawan. Sign
yun na gandang ganda siya o gwapong gwapo sa nakikita niya.
• Kung mala-iPhone ka naman at kaya mong i-scan ang iris niya, pwede mo ring i-
check ang itim na bilog sa gitna ng mata niya. Kapag lumalaki yun, sign siya ng
attraction.
• 4. Lagi kang sinusulyapan
• Ladies ang gentlemen, oo at sign nga ang pagsulyap sa pagkakaroon
ng crush pero wag tayong magaassume base lang dito. Sa unang
beses kasi na mahuhuli mo siya na sinusulyapan ka, isa lang yung
coincidence. Nagkataon lang. Kung mahuli mo ulit siya na
sumusulyap, curious lang yun kung magkakatinginan ulit kayo, pero
hindi pa rin yun matibay na ebidensya.
• Pero sa pangatlong beses na mahuli ka niya. Ay day, kiligin ka na! (Para
dun naman sa taong tumititig, wag naman masyadong pahalata ser).
• 5. Importante ang opinions mo
• Minsan yan din ang problema kapag may crush ka sa isang tao. Kahit gaano kapalpak yung
sinasabi niya ay wala kang magawa kundi mag-agree sa kanya na parang isang tunay na
tanga sa pagibig…
• Anyway, back to obvious signs na crush ka ng isang tao.
• Kunyari nakatayo lang siya, tapos dalawa kayong sabay na nagapproach sa kanya, mas
uunahin o mas ipaprioritize niya ang concern mo. Kapag nanghihingi siya ng feedback sa
isang bagay, mas interesado siya sa mga sinasabi mo. Nag-aaggree lang siya kahit
binabarbero mo na siya. Oo lang siya ng oo ngayon para pagdating ng panahon, oo din ang
sagot mo sa kanya.
• Kapag meron naman siyang sinasabi o dini-discuss, madalas ay sayo siya titingin para
malaman niya ang reaction mo sa mga pinagsasabi niya. Gusto niyang malaman na nakikinig
ka rin sa kanya, at naiimpress.
• 6. Pacute na trashtalk
• Sino ba naman ang magaakala na ang pangiinsulto pala ay isa ding
paraan ng pakikipag-flirt? Hindi naman yung mga grabeng insulto na
akala mo pini-fliptop ka na, pero yung mga cute na pangaasar ay isang
teknik para magpakita ng interest.
• Siyempre kapag inaasar ka niya, nakakakuha siya ng reaction mula
sayo o kaya nagiging conversation starter yun. Minsan din aasarin ka
niya to the point na hahampasin o kukurutin mo siya. Yan ang isa sa
mga gustong gusto ng lalaki, ang sinasaktan ng crush nila. Tawag nila
dyan, mga “hampas at kurot ng pagibig.”
• 7. Ikaw ang pangunahing hingian ng saklolo
• Eto naman, kaya din siguro ginagawa ng mga taong umiibig ay dahil
madalas epektib din para mapansin ng crush nila.
• Kapag laging nagpapatulong sayo ang isang tao kahit sa bagay na hindi ka
naman magaling o sa bagay na kaya naman niyang gawin magisa, sign yun
na gusto ka niyang makabonding. Kasi nga may crush siya sayo.
• Pwedeng excuse yun para bigyan ka ng mga gifts. Kasi nagpatulong siya
sayo. Edi may utang na loob siya. Aalukin ka niyan ng libreng drinks or
meal, tapos kunyari “as a way of saying thanks” pero ang totoo galawang
marino/marina lang talaga. Ingat kayo sa mga ganyang galawan.
• 9. Kinakausap ka ng mga friends niya (na hindi mo naman kakilala)
• Ang tunay na tropa, laging nandyan para tumulong sa pagibig. Kung hindi ka kayang kausapin ng
diretso ng isang tao dahil sa feelings, asahan mo na ang mga kaibigan niya na lang ang lalapit sayo
para magsilbing tulay.
• Kaya balikan mo ang sign number 1, kung saan may magtatanong sayo kung may jowa ka na ba sabay
hingi ng number mo. Baka kasi hindi naman pala siya mismo ang may gusto sayo, kundi yung kakilala
niya.
• Kahit hindi ka mismo i-approach eh? Kahit kunyari dadaan ka lang sa harap ng grupo nila, baka
mapansin mo na may isang tao na parang tinitingnan nilang magkakagrupo tapos parang inaasar.
Bantayan mo ang tao na yun kasi baka may gusto siya sayo.
• Wag Masyadong Mabilis sa Pag-assume
• May mga tao na natural na sweet, na hindi nila alam nabibigyan na pala ng malisya ang mga kilos
nila. May mga tao din na sadyang paflirt lang kahit wala naman talaga silang feelings na
nararamdaman. Dapat maging maingat, at dapat wag bias.
• Kapag may gusto kasi tayo sa isang tao, minsan ay tayo na mismo ang naghahanap ng
mga signs kahit wala naman.
• Minsan din naman, naghihinala tayo na may gusto satin ang isang tao. Kakaisip mo sa
mga kilos niya, ikaw na mismo ang nagkaroon ng crush sa kaniya. Hanep diba?
• Kapag isa o dalawang signs lang sa mga nabanggit ang napapansin mo, hindi pa yun
sapat para sabihin for sure na may gusto nga sayo ang isang tao. Pero kung mga 4 and
above, aba, hintay hintay na lang ng kaunti at magkakaalaman din kayo in the near
future!
• Ikaw, may mga signs ka ba na napapansin pero hindi ka pa rin sure kung crush ka niya?
Share mo ang mga experiences mo sa comments at pwede nating pagusapan yan!

You might also like