You are on page 1of 13

WALANG SUGAT

DULANG AKDA NI SEVERINO REYES


Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene I)

 Dumating si Tenyong sa bahay ng kasintahan niyang si Julia.


Inabutan niyang nagbuburda si Julia ng isang panyo. Ayaw ni
Julia ipakita kay Tenyong ang kanyang gawa. Nakita ni Tenyong
na ang panyo ay may mga letra ng kanyang pangalan (Antonio
Narcisso Flores) ngunit sabi ni Julia ay para raw ito sa Prayle
(Among Na Frayle). Nagalit tuloy si Tenyong at gustong sunigin
ang panyo. Sinabi ni Julia na para nga kay Tenyong ang panyo
at sila’y nagsumpaan na ikakasal sa altar.

 Biglang dumating si Lucas/Lukas, isang alalay ni Tenyong, na


nagsabing inaresto ang ama ni Tenyong at ilan pang kalalakihan
ng mga Guardia Civil sa pag-aakalang sila ay mga rebelde.
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene II)

 Ang mga pamilya at kaibigan ng mga inaresto ay naghandang


bumisita at magbigay ng pagkain sa kulungan. Sumakay sila sa
tren papunta ng kapitolyo.

 Inutusan ng mga Kastilang frayle si Kapitan Luis Marcelo na paluin


at saktan pa ang mga nakakulong kahit na mayroon ng namatay
at nag aagaw- buhay na si Kapitan Inggo, ang tatay ni Tenyong.
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene III )

 Sinabi ng punong-frayle na papakawalan na si Kapitan Inggo sa


kanyang asawa. Sinabi rin niyang pupunta siya sa Maynila upang
sabihin sa Gobernador-Heneral na pakawalan na ang iba pang
mga inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin ng prayle pagdating
doon. Ipapapatay niya ang mga mayayaman at edukadong
Pilipino.

 Nakapiling ni Kapitan Inggo ang kanyang pamilya at mga


kaibigan bago siya mamatay. Pagkamatay nito, sinumpa ni
Tenyong na maghiganti!
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene IV)

 Pinili ni Tenyong na sumali sa mga rebelde kahit anong-pilit ni Julia


na tigilan ito. Sa huli, pumayag si Julia at ibinigay kay Tenyong ang
kanyang medalyon/agimat. Nagsumpaan muli sila na mamahalin
ang isa’t-isa habang-buhay.
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene I )

 Sinabi ng ina ni Julia na ikakasal ito kay Miguel, isang mayamang


illustrado. Inayawan ito ni Julia. Hindi alam ng kanyang ina na
hinihintay niya ang pagbabalik ni Tenyong. Sa kabilang banda,
nagsimulang magkarelasyon ang mga alalay nina Julia at
Tenyong na sina Monica at Lucas/Lukas.
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene II/III )

 Sumunod na linggo, dumating sina Miguel, ang kanyang ama, at


isang pari sa bahay nina Julia upang ayusin ang pag-iisang-dibdib
nina Miguel at Julia. Kabado si Miguel at hindi masabi ng tama
ang kanyang panliligaw kay Julia. Naiba ang usapin ng kasalan
nang naging pagrereklamo ito ng pari sa lumalaking problema
tungkol sa mga Pilipinong hindi na nagsisimba.
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene III )

 Sa kuta ng mga katipunero, biglang dumating si Lucas/Lukas na


may bitbit na sulat para kay Tenyong na galing kay Julia. Nalaman
ni Tenyong na namatay na ang kanyang ina at ikakasal na si Julia
kay Miguel. Balisa at malungkot sa nabasa, humingi siya ng tulong
sa kaniyang heneral. Umatake ang mga Kastila at nagsimula ang
labanan.
Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III - Scene I)

 Bumalik si Lukas kay Julia na walang nakuhang sagot mula kay


Tenyong. Bumisita muli si Miguel kay Julia at nagsabing magiging
engrande ang kanilang kasalan. Nagkunwari si Julia na masakit
ang ulo upang iwasan si Miguel.
Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III – Scene II / III)

 Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si


Julia na pumayag, sa pag-akalang patay na si Tenyong at sa
kagustuhang hindi mapahiya ang kanyang ina. Engrandeng
selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang buong bayan.
Pero bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na may
balitang nakita na si Tenyong pero agaw-buhay itong nakaratay
sa karte. Dinala si Tenyong sa pinagdausan ng kasal ni Julia. Sa
muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling ni Tenyong
sa pari na, yaman din lamang na mamamatay na siya, ikasal na
sila ni Julia. Sa pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang
pakasalan ni Julia si Miguel. Dahil mukhang matutuluyan na nga si
Tenyong, pumayag na rin si Miguel sa kakaibang huling hiling ni
Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila. Matapos ang
seremonya ng kasal, biglang tumayo si Tenyong, at lahat ay
napamanghang sumigaw; “Walang sugat! Walang sugat!”.
Ano ang teoryang pampanitikan
na pinaka-angkop sa akda?
Historikal.
“Nakabatay ang pagsusuri ng teksto sa impluwensya na
nagpapalutang sa isang akda: talambuhay ng may-akda, ang
sitwasyong politikal na nakapaloob sa akda, ang tradisyon at
kombenasyong nagpapalutang sa akda. Mahalagang matuklasan
sa teoryang ito ang pwersang pangkapaligiran at panlipunan na
may malaking impluwensya sa buhay ng manunulat. “

You might also like