You are on page 1of 21

ARALIN 8

Kahulugan at
Moral na Batayan
ng Paggawa
LAYUNIN:
• Naipaliliwanag ang kahalagahan at moral na
batayan ng paggawa
• Nakapagsusuri kung ang paggawa sa sarili, sa
pa,ilya, sa paaralan, at komunidad ay nagpapakita
ng moral na obligasyon at pagkilos
• Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang
naidudulot ng paggawa
• Naipamamalas ang pagkaunawa sa batayang
konsepto at nakbubuo ng paglalahat tungkol sa
kabutihang naidudulot ng paggawa
Lahat ng tao ay nabubuhay
sa paggawa, upang
gumawa, at para sa
paggawa.
Ano ang mangyayari sa
mundo kung ang lahat ng
tao ay hindi magtatrabaho
o hindi gagawa ng ano
mang gawain?
ANO ANG PAGGAWA?

Biyaya
laro responsibilidad ng
Diyos

Pantawid-
pasanin
buhay
ANG PAGGAWA AY PARA
SA IYONG SARILI
• Paglilinis ng katawan
• Pagliligpit ng gamit
• Pag-aalaga ng sarili upang maging malusog
• Pag-aaral
• Pakikipagkaibigan
• Pagsisimba
• Pananalangin
ANG PAGGAWA AY PARA
SA IYONG SARILI
Ilan ito sa mga “trabaho” mo bilang
“tinedyer”na siyang magpapakilala sa
iyo ng mga gawaing may kabuluhan,
gawaing magdudulot ng kasiyahan sa
iyong buhay, at mga gawaing lilinang
sa iyong potensyal bilang tao.
ANO ANG PAGGAWA?

Isa itong “proseso” upang paunlarin


ang sarili at tugunan ang mga
personal na pangangailangan ng
tao.

(Punsalan, et.al. 2007)


ANO ANG PAGGAWA?

- Ito ay nagpapagana ng paglinang


ng mga talento at kakayahan.
- Ito ay ano mang gawain na nag-
ookupa ng iyong panahon at oras.
(Esther Esteban, 2009)
ANG PAGGAWA AY ISANG
MORAL NA OBLIGASYON
“Kung nais mong pagsilbihan ang Diyos
gamit ang iyong kaisipan, ang mag-aral
ay isang marangal na obligasyon para
sa iyo.”

- Josemaria Escriva

Bakit itinuturing itong isang


MORAL NA OBLIGASYON?
- Dahil ito ay ginagawa para sa
kabutihan ng iyong sarili.
ANO ANG PINAUUNLAD
- Pinagagana ng
NG PAGGAWA? - PISIKAL
paggawa ang isipan at - Pinakikilos nito ang
katawan ng tao para sa katawan upang maabot
mabuting pagpapasiya. ang nutrisyong
kailangan.
ANO ANG PINAUUNLAD
NG PAGGAWA? - EMOSYONAL
- Pinagagana ang bahaging relasyonal
na mahalaga sa pakikipamuhay sa iba,
lumalago ang emosyonal na katangian
dahil sa pakikisalamuha sa iba.

- Natututong mangarap ang tao


at magkaroon ng inspirasyon
dahil sa kanyang mga mithiin sa
paggawa.
ANO ANG PINAUUNLAD
NG PAGGAWA? - PINANSIYAL
- Natututong mangarap ang tao
na magkamit ng kaunlaran at
kaalwaan sa buhay, minimithi
niyang magkaroon ng mabuting
buhay.

- Maaaring yumaman ang tao


kung siya lamang ay magtitiyaga
at magsisipag at aangkupan ito
ng nararapat na pananaw sa
buhay.
ANO ANG PINAUUNLAD
NG PAGGAWA? - ESPIRITWAL
- Lubos na nauunawaan ang
kahalagahan ng paggawa bilang
kabahagi ng Diyos sa
pagpapalaganap ng kabutihan
gamit ang paggawa.

- Maging tapat sa paggawa upang


maipamalas na nagagawa ang
tungkulin para sa kapurihan ng
Diyos, nakagagawa ng may
pagsisilbi sa iba – ito ang MORAL
NA DIMENSYON NG PAGGAWA.
ANO ANG MORAL NA
BATAYAN NG PAGGAWA?
- Ang Diyos mismo ang nagpakita ng kahalagahan ng
paggawa nang likhain niya ang sansinukob.

- Ipinakita Niya ang kahalagahan ng pamamahinga at


pag-aalay ng Kanyang ginawa sa nararapat.

- Kailangan din ipamalas ng tao ang pagbibigay ng


panahon na magpasalamat sa Kanya mga biyayang
kaniyang natatamo dahil sa paggawa
ANO ANG MORAL NA
BATAYAN NG PAGGAWA?
Genesis 3:19
“…Ang lupaing ito ay para iyong pag-anihan,
pagpapawisan mo habang nabubuhay.”

Exodus 20:9
“Anim na araw kayong gagawa ng inyong
gawain.”
ANO ANG MORAL NA
BATAYAN NG PAGGAWA?
- Ang pagtatrabaho ay ayon sa kalooban ng Diyos kaya’t
ang mga gawaing mabubuti at makakabuti ay maituturing
na moral na paggawa.

- Ang ano mang gawaing makasisira sa iyong sarili, lipunan, o


kapwa ay HINDI MORAL NA PAGGAWA.

- Kung lahat tayo ay kikilos nang MATAPAT at MASAYA sa


paggawa, maaari nating makamit ang KABUTIHANG
PANLAHAT.
Ayon sa Banal na Kasulatan, ang
paggawa ay bahagi ng
pagsasakripisyo sa buhay at ang
pagsasakripisyo ay isang banal
na gawaing iniaalay ng tao sa
Diyos at kaniyang pamilya bilang
mabuting kilos.
PAANO KO IISIPIN ANG
MABUTI SA PAGGAWA?
Baguhin mo ang iyong
pananaw sa trabaho o
paggawa – maging positibo
at isipin na bahagi talaga
ito ng buhay mo bilang tao.

You might also like