You are on page 1of 22

May Daigdig sa

Karagatan
AUTHOR
Clemente M. Bautista

Oktubre 23, 1919


Kilalang komentarista sa estasyon ng DZRH
Angono Rizal
Pebrero 15, 1919 (79 taong gulang).
May Daigdig sa
Karagatan
TAGPUAN
Ito ay naganap sa may baybaying dagat o tabi ng
karagatan. Dito umiikot ang buong istorya sa buhay
ng pangunahing tauhan.
TAUHAN
 Mang Lope
 Nilo
 Aling Nena
 Mang Ambo
 Mang Ador
Buod
Si Mang Lope ay nangamba at nagalit matapos ipagtapat sa kanya ng kanyang anak na si
Nilo na gusto nitong huminto sa pag-aaral at sa halip ay sumama sa kanyang pangingitid.
Dahil dito, nasampal niya ang kaniyang anak. Sumiksik sa kanyang diwa ang hirap na
dinanas niya noon kaya naman upang hindi matulad ang kanyang anak ay ipinag-aral niya si
Nilo nang magkaroon ito ng magandang kinabukasan sa hinaharap. Habang pinagmamasdan
niya ang dagat, nagbalik sa kanyang alaala ang kanyang kamusmusan.

Naalala niya na ganoon din siya sa sarili niyang magulang dahil sa naakit siya sa tawag
ng dagat, at hindi siya napigilan ng sariling magulang kaya’t naging mangingisda siya at iyon
ang ipinangbuhay niya sa kanyang pamilya. Napawi sa isip ni Mang Lope ang gunitang iyong
ang marinig niya ang sigaw ng kaniyang kumpare.
Mag-uumaga na nang makabalik sa kanilang bahay si Mang Lope at
naratnan niyang nakapaghain na ng makakain si Aling Nena. Tinanong ni
Mang Lope kung nakakain na ba sila ni Nilo dahil napansin din niya na wala
ang anak sa hapag. Sa huli ang tugon naman ni Aling Nena ay hindi
makakasabay sa umagahan si Nilo at hihintayin nalang niya itong magising at
sabay na raw silang kakain sapagkat kagabi’y napuyat siya sa pag-aaral
kasama ang kanyang kinakapatid. Natuwa na at nakahinga ng maluwag si
Mang Lope.
BANGHAY
PANIMULA
Nagsimula ang kwento sa isang malalim na pag-iisip
na may pangambang nababakas sa kanyang mukha na
nakatingin sa langit habang humihithit ng segarilyo si
Mang Lope.
PATITINDING GALAW
Ipinagtapat ni Nilo sa kanyang ama na gusto niyang huminto ng pag-aaral
upang sumama sa pangingitid nito, na siyang lubos na ikinagalit ng kanyang
ama at nagdulot upang siya’y mapagbuhatan ng kamay ni Mang Lope.
Sinabihan niya rin ang anak na maaari itong lumayas kung hihinto ito ng pag-
aaral.
TUNGGALIAN
 Tao laban sa Sarili
KASUKDULAN
Matapos ang pangyayaring iyon, tumungo na si Mang Lope sa karagatan
upang mangitid. Sa buong gabi ng kaniyang paghahanap-buhay sa
karagatan, naalala niya ang kalungkutan ng kaniyang nakaraan. Siya ang
dahilan ng nagging kahirapan niya. Naglalaro sa kaniyang isip ang hirap,
sakripisyo at labis na kalungkutan noong panahong pinatigil na siya sa pag-
aaral dahil sa kaniyang kagustuhan at kakulitan sa pagsama sa kaniyang
Ama sa karagatan.
KAKALASAN
Sumapit ang umaga na siyang nagpapaahon sa kanila sa karagatan.
Matapos ang kadiliman sa pangingitid kasabay ng kadiliman ng kaniyang
isip dahil sa nakaraan. Umuwi siya upang makapagpahinga, at naratnan
niya ang inihain ng kaniyang asawa para sa kanilang almusal.
RESOLUSYON
Hinanap niya si Nilo, ang kaniyang anak. Ngunit hindi na ito
makakasalo sa hapag sa kadahilanang napuyat ito sa ginawa nitong
pag-aaral.
SIMBOLISMO
 Kulubot na Mukha –
simbolo ng pangamba at pagkabalisa.

 Dagat –
ginagamit bilang salamin ng kanyang nakaraan.

 Laot –
ito ay nagbibigay buhay ngunit kumukulong sa mga mahihirap sa kamangmangan

 Bangka –
Lumuko kay Lope ng siya’y bata pa. Akala niya na ito ang magdadala sa kanya ka sa kalawakan ng mundo
ngunit dinala pala siya sa isang hawla at ikinulong.

 Sumisikat na Araw –
Ito ay simbolo ng pag-asa na nakita ni Lope nang marinig niya sa kanyang asawa na napuyat si Nilo sa pag-aaral
kinagabihan.
TEORYANG PAMPANITIKAN
1. Teoryang Sosyolohikal
2. Teoryang Imahismo
3. Teoryang Realismo
4. Teoryang Arkitaypal
May Daigdig sa
Karagatan
Clemente M. Bautista

You might also like