You are on page 1of 41

PAGSULAT SA IBA’T

IBANG DISIPLINA
PAGSULAT

Mga kahulugan ng pagsulat:

1. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o


paggamit ng anumang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng
mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao. ( Bernales, et al., 2001)
• Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na),
ang pagsginagawa para sa iba’t ibang layunin.
(Bernales, et al., 2002)
• Ayon kina Xing at Jin (1989ulat ay isang
komprehensib na kakayahang naglalaman ng
wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng
kaisipan, retorika at iba pang elemento.
• Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay
isang biyaya, isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito.
Anyo ng pagsulat ayon sa layunin:
• Ekspresib
• Formulari
• Imaginatibo
• Informatib
• Persweysib
MGA LAYUNIN NG PAGSULAT

• Para kay James Kinneavy (1971) may limang


kategorya sa pagsulat na naging rason kung bakit
nagsusulat ang tao. Ito ay ang mga sumusunod:

• 1. Ekspresiv
• Personal na pagsulat upang maipahayag ang sarili
MGA LAYUNIN NG PAGSULAT

2. Formulari
• Isang mataas at istandardisadong pasulat katulad ng
kasulutan o kasunduan sa negosyo o bisnes at iba pang
transyong legal, politikal, at pang-ekonomiya

3. Imaginativ
• Ginagamit upang mabigyang-ekspresyon ang
mapanilikhang imahinasyon ng manunulat sa pagsulat
ng mga dula, awit, tula, isksrip at iba pa
MGA LAYUNIN NG PAGSULAT

4. Informativ
• Upang magbigay ng mahahalagang inpormasyon at
ebidensya
5. Persweysiv
• Upang makapanghikayat, mapaniwala ang
mambabasa dahil sa mga ebidensya katibayang
ipinahayag
GAWAING INTERAKTIB

• Sabihin ang kategorya (layunin) ng mga sumusunod na sulatin:


1. iskrip pampelikula
2. Thesis
3. Subpoena
4. Memorandum of Agreement
5. Diary
6. Shopping list
GAWAING INTERAKTIB
Sabihin ang kategorya (layunin) ng mga sumusunod
na sulatin:
7. Ulat pamanahon
8. Panunumpa sa katungkulan
9. Talumpati ng Kandidato
10. Tula
11. journal
12. Liham pangkaibigan
13. State of the Nation Address
14. Bisnes kontrak
SOSYO-KOGNITIBONG NA
PANANAW SA PAGSULAT

• Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng


mga tao. Samantalang ang kognitib naman ay tumutukoy
sa pag-iisip.
• Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang
paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.
PAGSULAT BILANG
MULTIDIMENSYONAL NA PROSESO
Para kay Badayos, ang multidimensyonal na
proseso ng pagsulat ay binubu ng sumusunod na
proseso:
• Bago sumulat
Binubuo ito ng pagpili ng paksa, paglikha ng mga
ideya at pagbuo ng mga ideya

• Pagsulat
Pagbuo ng draft, pagtanggap ng fidbak, pagsangguni
at pagrerebisa
PAGSULAT BILANG
MULTIDIMENSYONAL NA PROSESO
Paglalathala
Sangkot dito ang pagdidisplay ng
komposisyon o sulatin sa bulletin board
o kaya’y paglilimbag o paglalathala
MGA MUNGKAHING TANONG

• Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?


• Ano ang layunin sa pagsulat nito?
• Saan at paano ako makakakuha ng sapat na
datos kaugnay ng aking paksa?
• Paano ko ilalahad ang mga datos na aking
nakalap upang maging higit na
makahulugan ang aking paksa?
• Sino ang babasa ng aking teksto? Para
kanino ito?
• Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa
ang nalalaman ko sa aking paksa?
• Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsulat?
Kailan ko ito dapat ipasa?
• Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto?
MGA HAKBANG SA PAGSULAT:

• Prewriting/ Gawain Bago Sumulat


• Pagsulat ng Draft/ Burador
• Revising o Pagbabago
• Editing o Pagwawasto
• Publishing o Paglalathala
• Pre-writing- Ginagawa rito ang pagpili ng
paksang isusulat at ang pangangalap ng mga
datos o impormasyong kailangan sa
pagsulat.
• Actual writing – Dito isinasagawa ang aktwal
na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat
ng burador o draft.
• Rewriting – Dito nagaganap ang pag-eedit at
pagrerebisa ng draft batay sa wastong
gramar, bokabulari at pagkakasunud-sunod
ng mga ideya o lohika.
KALIKASAN NG
PAGSULAT AYON KINA
WHITE AT ARNDT (1991)
•Paglabas ng Ideya
•Paggawa ng Estruktura
•Paggawa ng Burador
•Pagpopokus
•Pagtataya o Ebalwasyon
•Muling Pagtingin
MGA KATANGIAN NG
EPEKTIBONG PAGSULAT:
• Kalinawan ( Clarity )
• Kaangkupan ( Appropriateness )
• Kahustuhan ( Completeness )
• May Katangian ng Katiyakan ( Emphasis )
• Kawastuhan ng Gramar (Gramatical Accuracy )
• May Layunin o Hangarin ( Objective )
• Mababasa at Mauunawaan ( Readability )
MGA DAPAT ITANONG SA SARILI
KUNG MAGREREBISA NG ISINULAT:
• Tama ba ang aking pangungusap?
• Maayos at malinaw ba ang pagkakalahad?
• May pagkakaugnay ba ang aking mga ideya?
• May malabo ang ideya?
• Angkop ba ang ginamit kong salita?
• May kaisahan ba ang bawat talataan ?
• Malinaw ba ang pangkalahatang mensahe?
MGA URI NG PAGSULAT

Akademik
Teknikal
Journalistic
Referensyal
Profesyonal
Malikhain
TEKNIKAL

• Isang praktikal na komunikasyong ginagamit


sa pangangalakal at ng mga propesyonal na
tao upang maihatid ang teknikal na
impormasyon sa iba’t –ibang uri ng
mambabasa
• Ito ay naiuugnay sa pagsulat ng mga manwal
at gabay sa pag-aayos halimbawa, ng
kompyuter o anumang bagay na may
kalikasang teknikal
TEKNIKAL

• Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon


sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng
mga mambabasa at manunulat.

• Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring


makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang
komplikadong suliranin.
TEKNIKAL

• Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility


study at ng mga korespondensyang
pampangangalakal.
• Gumagamit ng mga teknikal na
terminolohiya sa isang partikular na
paksa tulad ng science at technology.
• Nakatuon sa isang tiyak na audience
o pangkat ng mga mambabasa.
TEKNIKAL

• Nagbibigay bg impormasyon para


sa teknikal o komersyal na
layunin
• Layunin nitong maibahagi ang
impormasyon tungkol sa isang
paksa sa paggawa ng isang bagay.
• Kasam rito ang proposal at iba
pang uri ng propesyonal na
dokumeto
REFERENSYAL
• Ang referensyal na pagsulat ay may kaugnayan sa malinaw at
wastong presentasyon ng paksa.
• Ito ay isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay
ng impormasyon o nagsusuri.
• Halimbawa nito ay teksbuk, balita, ulat panlaboratoryo,
manwal at pagsusuring pangkasaysayan
• Ang layunin ng referensyal na pagsulat ay maiharap ang
impormasyong batay sa katotohanan o kaya’y makabuo ng
kongklusyon batay sa katotohanang ito.
• Ang anyo ng impormasyon ay kailangang totoo o tunay,
tamang-tama, obhetibo at komprehensibo
REFERENSYAL
• Naglalayong magrekomenda
ng iba pang sanggunian o
source hinggil sa isang
paksa.
• Madalas, binubuod ng isang
manunulat ang ideya ng
ibang manunulat at tinutukoy
ang pinaghanguan niyon na
maaaring sa paraang
parentetikal, footnotes o
endnotes.
REFERENSYAL

• Madalas itong makita


sa mga teksbuk,
pamanahong papel,
thesis o disertasyon.
• Maihahanay din dito
ang paggawa ng
bibliyografi, indeks at
notecards.
JOURNALISTIC

• Ang isang balitang pamperyodiko ay sumasagot sa lahat ng mga


tanong ng pangjornalistik na sino, ano, saan, kailan at bakit.
• Ang pagsulat ng balita ay tuwiran at hindi paliguy-ligoy.
• Ang pangunahing punto ay inilalagay sa unahan at ang iba pang
impormasyon ay isinisiwalat mula sa pinakamahalaga patungo sa
di-gaanong mahalaga
• Pinipili nang maingat ang mga salita at pinanatiling simple at
tuwiran ang istilo ng pagsulat
JOURNALISTIC

• Ang uring ito ng pagsulat na


kadalasang ginagawa ng mga
mamamahayag o journalist.
• Saklaw nito ang pagsulat ng
balita, editoryal, kolum,
lathalain at iba pang akdang
mababasa sa mga pahayagan at
magazin.
JOURNALISTIC

• Sa jornalistik na pagsulat, isaalang-alang ang mga


sumusunod na mungkahi:
• Kunin agad ang punto ng istorya.
• Iwasan ang mahahabang pangungusap hangga’t
maari
• Sumulat ng malinaw
AKADEMIK
• Ito ay maaaring maging kritikal na
sanaysay, lab report, eksperimento,
konseptong papel, term paper o
pamanahong papel, thesis o
disertasyon.

• Itinuturing din itong isang intelektwal


na pagsulat dahil layunin nitong
pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa
paaralan.
AKADEMIK

• Isa sa pinakamahalaga rito ay ang pagbibigay ng


suporta sa mga ideyang pangangatwiranan
• Ang layunin ng akademikong pagsulat ay maipakita
ang resulta ng pagsisiyasat o ng pananaliksik na
ginawa.
AKADEMIK
• Maliwanag
• Ang paglalahad ng mga ideya ay dapat malinaw. Ang manunulat ay
may pananagutang gawing malinaw ang pagkakaugnay-ugnay ng
bawat bahagi ng teksto
• May Paninindigan
• Kailangang may sarili kang pagpapasya at paninindigan sa
partikular na paksa na iyong isinulat
• May Pananagutan
• May pananagutan ang manunulat sa pagkilala sa mga awtoridad na
ginamit na sanggunian sa papel na pang-akademiko
AKADEMIK
• Narito ang mga katangian ng akademikong pagsulat:

• Pormal
• Sa pagsulat ng sanaysay, iwasan ang mga kolokyal na salita at
mga ekspresyon
• Obhetibo
• Ang pagsulat dito ay obhetibo at hindi personal o pansarili.
Kaunti lamang ang salitang tumutukoy sa manunulat at sa
mambabasa
• Binibigyang-diin ang impormasyon na gustong ibigay
PROFESYONAL

• Ito ay nakatuon sa isang


tiyak na profesyon.
• Saklaw nito ang mga
sumusunod:
1. police report – pulis
2. investigative report –
imbestigador
3. legal forms, briefs at
pleadings – abogado
4. patient’s journal – doktor
at nurse
MALIKHAIN

• Masining na uri ng pagsulat sa larangan


ng panitikan o literatura.
• Ang fokus ay ang imahinasyon ng
manunulat.
• Layunin nitong paganahin ang
imahinasyon ng manunulat at pukawin
ang damdamin ng mga mambabasa.
• Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng
tula, nobela, maikling katha, dula at
sanaysay.
MALIKHAIN

• Ginagamit ng manunulat ang imahinasyon upang


lumikha ng karakter, senaryo o pangyayari upang bumuo
ng kuwento o tumalakay sa isang senteal na isyu o paksa
• Maaring gumamit ang manunulat ng unang panauhan
(pumaloob bilang karakter) o kaya’y ikatlong panauhan (
bilang tagapagsalaysay)
• Sa malikhaing pagsulat, sariling-sarili ng manunulat ang
format, lengguwahe, organisasyon ng kanyang sulatin.
GAWAING INTERAKTIB

• Ano ang layunin ng akademikong pagsulat?


• Bakit kailangang suportahan ang mga ideya sa
akademikong pagsulat?
• Magbigay ng sariling reaksyon kung ano ang
kaibahan ng ginagawang pagsulat sa haiskul at
sa kolehiyo?
• Ano ang journalistik na pagsulat?
• Bakit may malaking pananagutan ang sinuman sa
pagsulat ng tekstong teknikal?
GAWAING INTERAKTIB

• Magsulat ng isang sanaysay tungkol sa isa sa mga


sumusunod na paksa:

• Ang Mahal Kong Ina


• Ang Pinili Kong Kurso
• Ang Aming Barangay
• Ang Materyal na Mundo
• Ang Aking Pangarap
GAWAING INTERAKTIB

• Gumawa ng isang tula laman ng inyong isipan at


damdamin.
• Hindi kailangang makinis na makinis, ang
mahalaga masabi ang saloobin sa oras na ito’y
sinusulat
• Maaring free verse ang gawin

You might also like