You are on page 1of 17

ANG PANG-ABAY

INIHANDA NI : DENZEL MARK ARREZA CIRUELA


ANG PANG-ABAY

• Sa tradisyunal na pagpapakahulugan ng pang-


abay, ito ay nagbibigay-buhay sa pandiwa, pang-
uri o kapwa nito pang-abay. Samantala, sa
istruktural na pagbibigay ng katuturan, ang pang-
abay ay makikilala dahil sa kasama ito ng
pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na
bumubuo ng parirala.
• Ang pang-abay ay may dalawang pangunahing
uri, ito ay (1) ang mga ingklitik o enclitic, at (2)
mga pang-abay na nalilipat ang posisyon.
ANG MGA INGKLITIK (KATAGA)

• May iba’t ibang Ingklitik o kataga sa Filipino na


karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita
sa pangungusap.
Halimbawa:
• Narito na ang nanay.
• Ikaw yata ang hinahanap niya.
• Ano kaya ang gagawin niya?
• Nasaan ba siya?
• Hindi man lang ako nakabati.
Iba pang Ingklitik : daw/raw, din/rin , ho,
lamang/lang, pa, po, sana, yata, naman, at
muna.
MGA PANG-ABAY NA NALILIPAT ANG
POSISYON

• Ito ang mga pang-abay na


walang tiyak na posisyon
at nakikita sa iba’t ibang
bahagi ng pangungusap
PANG –ABAY NA PAMANAHON

• Ito ay nagsasaad ng panahon,


may mga salita at mga
kataga lamang na nagsasaad
ng panahon. Sumasagot ito
sa tanong kalian at
gumagamit ng mga pananda.
PAMANAHONG PANG-ABAY NA MAY
PANANDA.
• Halimbawa:
• Hindi na raw darating ang pangulo ng samahan.
• Ang damit pangkasal ay hindi pa natatapos ng mananahi.

• Panandang: na- nangngahulugan na tapos na


• pa- nangngahulugan ng ginaganap o
gaganapin pa.
• Iba pang pananda:
• tuwing, kung, yaong, buhat, kapag, hanggang,
umpisa, noon, sa, nang, mula, at na/-ng.
PAMANAHONG PANG-ABAY NA
WALANG PANANDA
• Ang walang pananda ay mayroong mga salitang
katulad ng kahapon, kanina, ngayon, mamaya,
bukas, sandali, palagi, at iba pa.
Halimbawa:
• Kahapon lang ay nandito siya.
• Dumating sila kanina.
• Palagi rito si Junior.
• Ang pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng
dalas ay mayroong mga salitang katulad ng araw-
araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa.
• Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang
"Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa
aming pook ng santakrusan.
PANG-ABAY NA PANLUNAN

• Ito ay tinatawag na pariralng sa. Kumakatawan ito sa lugar kung


saan ginagawa ang kilos, at sumasagot ito sa tanong na saan o
nasaan kabilang ang mga sumusunod na halimbawa.
• sa + pambalana
Halimbawa:
• Kumakain siya sa kantina.
• Sa lalawigan siya pumunta.
• sa + panghalip na paari
Halimbawa:
• Guwardiya siya sa aming tanggapan.
• Sa aming paaralan siya nagtuturo.
• sa + panghalip na pamatlig
Halimbawa:
• Kapitan siya doon sa kabilang barangay.
• Nagpunta kami doon sa may kuweba.
PANG – ABAY NA PANANGGI AT
PANANG-AYON

• Ang pananggi ay kataliwas ng panang-ayon.


Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng
pagtanggi tulad ng: hindi, wala, ayaw.
Samantalang ang pang-abay na panang-ayon
ay nagsasaad ng pagsang-ayon tulad ng Oo,
tunay, totoo, talaga, walang duda at
tiyak.
• Halimbawa:
• Oo, tinanggap ng pangulo ang ating paanyaya.
• Hindi ako sasama sa iyo.
• Totoo bang kahapon dumating ang iyong ina?
PANG –ABAY NA PAMARAAN

• Ito ay nagsasaad kung paano ginagawa ang kilos at sumasagot sa


tanong na paano. Ginagamitan din ito ng katagang nang na
nangangahulugan ng pamaraan sa pagkaganap ng kilos.
• nang + pang-abay
• Halimbawa:
• Nagsalita nang banayad ang guro.
• Lumakad ka nang dahan-dahan.
• Pang-angkop na na/-ng.
• Halimbawa:
• Siya ay umalis na umiiyak
• Naglalakad na nakapayong ang dalaga.
• Ang karaniwang pandiwa ay ginagamit ding pang-abay upang
palinawin pa rin ang paraan ng pagkaganap ng pandiwang
binigyang-turing.
• Halimbawa:
• Bubulu-bulong na pumanaog ng bahay ang ina.
PANG-ABAY NA PANG-AGAM.

• Ito ay nagpapahayag ng di-


katiyakan sa kilos na
ipinahahayag ng pandiwa, pang-
uri at gayundin ng pang-abay
tulad ng : tila, marahil, wari,
baka, yata, siguro, di-sasala,
pagnagkataon.
PANURING SA PANDIWA

• Halimbawa:
• Marahil magtatagumpay ang balak
ninyo.
• Tila yata namamasyal sila sa
Luneta.
• Baka napahamak ka sa iyong
gagawin.
PANURING SA PANG-URI

• Halimbawa:
• Tila maaliwalas ang panahon.
• Maganda yata ang palabas sa
sine.
• Mariwasa marahil ang kanyang
magulang.
PANURING SA PANG-ABAY

• Halimbawa:
• Totoo yatang masama ang
kanyang loob.
• Hindi marahil darating ang
aming guro.
• Di-sasalang tutulak bukas ang
bapor patungong Mindoro.
PANG-ABAY NA PANGGAANO

• Ito ay nagsasaad ng dami o bigat ng


kahulugang sinasabi ng pandiwa o pang-
uri gaya: ng labis, wala, katamtaman,
katakut-takot, kaigihan, sapat,
kaunti, at marami.
• Halimbawa:
• Ang mga mag-aaral ay maraming ginagawa sa
paaralan.
• Naghahanda nang katamtaman ang mag-anak
para sa binyagan.
• Kaigihan ang dami ng mga nagsidalo sa
palatuntunan.
PANG-ABAY NA PANANONG

• Ito ay nagsasaad ng pagtatanong na


nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at
pang-abay. Itinatanong ng pang-abay na
ito ang nauukol sa panahon, lunan,
kaparaanan, o kadahilanan. 
• Halimbawa:
• Bakit nagagalit ang pangulo sa mga pulis?
• Magkano ang inabot ng iyong pinamili?
• Kailan maalinsangan ang panahon sa Maynila?
PANG-ABAY NA PANULAD

• Ito ay nagsasaad ng paghahambing ng


mga pang-uri. Ang pang-abay na panulad
ay gumagamit ng di-gasino, gaya, tulad,
higit, di-hamak, mas, kaysa at lalo.
• Halimbawa:
• Higit na mahirap ang mabuhay sa Maynila
kaysa lalawigan.
• Di-lubhang nakakain ang bata sa umaga.
• Ang tatay ay lalong magagalit sa iyo kapag ikaw
ay hindi uuwi sa bahay

You might also like