You are on page 1of 7

Cariñosa

Cariñosa
Ang ibig sabihin ng
salitang Cariñosa ay
“mapagmahal o
magiliw”. Ang sikat na
sayaw na ito ay
nanggaling sa
Espanya.
Nagsimula ang sayaw na Cariñosa sa
Isla ng Panay at ipinakilala ng mga
Espanyol noong kanilang
kapanahunan at kolonisasyon sa
Pilipinas.
Ang panyo at abaniko ang syang
pangunahing elemento ng sayaw kung
saan ang lalake at babaeng mananayaw
ay nasa sitwasyon ng pagliligawan o nasa
romantikong eksena at kanilang itinitago
ang nararamdaman sa pamamagitang ng
panyo at abaniko.
Ang panyo ay hawak ng lalaki at
abaniko naman ang hawak ng babaeng
mananayaw sa sayaw na parang
nagtataguan ang mga kilos habang
sumasayaw sa indayog ng mabilis na
musika ng Cariñosa.
Tinaguriang sayaw ng pagliligawan,
kadalasan ay dalawang mananayaw
lamang – isang babae at isang
lalaki ang gumaganap
nito, ngunit maari ring
maramihan na
magkapareha. Walang
hawakan ng kamay
ngunit makikita ang
kanilang gusto at interes
sa isa’t isa.
Pilit na hahabulin ng
lalaki ang babae sa
pamamagitan ng
sayaw, at ang babae
naman ay may
pagkamahiyain at
nagpapahabol sa
kanyang kapareha.

You might also like