You are on page 1of 9

BAKIT FILIPINO

ANG “FILIPINO”
NASYONALISMO AT
MODERNISASYON
NG FILIPINO
Walang iisang
kahulugan ang
“Filipino” bilang wika.
Wala namang teksbuk
na nagpapaliwanag
kung ano ang “Filipino”.
Maaaring magkaisa sa
pagpipilit na dapat ay
“Pilipino” ang gamitin kapag
tinutukoy ang mamamayan
o kultura ng ating bansa.
Maaari ding magkaisang
isagot na pangalan lamang
kasi ng Wikang Pambansa
ang binago at tinawag na
“Filipino” . Ang mamamayan
at kultura ay nanatiling
“Pilipino”.
Pangunahing problema
ng wikang “Filipino” ay
identidad.
KWF 2013- ISANG
RESOLUSYON
-ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit
sa buong Filipinas bilang wika ng komunikasyon, sa
pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng mga
pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat
isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng
araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t
ibang pook at sitwasyun at nililinang sa iba’t ibang
antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit
sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga
lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian
at kailangang karunungan mula sa mga
katutubong wika sa bansa.
Hanggang ngayon,
tinatawag lamang na
“Filipino”ang Wikang
Pambansa dahil sa
tadhana ng 1987
konstitusyon.
NASYONALISMONG
PANGWIKA
 Ang napagkaisahang pasiya sa 1934
kumbensiyong Konstitusyonal na pumili ng isang
katutubong wika upang pagbatayan ng Wikang
Pambansa ay produkto ng adhikaing nasyonalista
at kontra-nasyonalista. Mahahalatang nasa dibdib
pa ng mga makabayang lider politikoang
naturang adhikain sa kabila ng pagkabigo ng
Himagsikang 1896 at sa kabila ng matagumpay
na pananakop ng United States.

You might also like