KAUGNAY SA WIKANG PAMBANSA Ulat ni: Bb. Ginalyn S. Pertudo 1934- Kombensyong Konstitusyonal
1935-Ang Seksyon 3 ng Artikulo XIV ng
Saligang-Batas ng Pilipinas ay nagtatadhana ng “ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansang batay sa isang wikang pambansang batay
sa isa sa mga umiiral na katutubong wika .”
1936 (Okt 27)- sa mensahe ng Pangulong Manuel Quezon sa kapulungang pambansa ay itinatagubilin niya ang pagbuo ng Surian ng Wikang Pambansa 1936- Bilang pagtupad ng itinadhanang ng saligang batas at pag-alinsunod sa mensahe ng Pangulong Quezon, Pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt blg.184 na magtatag ng isang Pambansang Surian ng Wika at nagtatakda ng mga kapangyarihan at tungkulin nito. 1937- Hinirang ni Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo sa surian ng Wikang Pambansa: 1. Jayme C. De Veyra (Leyte)-Tagapangulo 2. Santiago A. Fonacier (Ilokano)-kagawad 3. Filemon Sotto (Cebu)- kagawad 4. Casimiro F. Perfecto (Biko)-kagawad 5. Felix S. Salas Rodriguez (Panay)- kagawad 6. Hadji Buto (Muslim)- Kagawad 7. Cecilio Lopez (Tagalog)-kagawad 1937- Bunga ng pag-aaral na ginawa ng SWP, pinagtibay ng pangulo ng Pilipinas na ang wikang Tagalog ang gamiting saligan ng wikang pambansa. Seksyon 7 ng Batas Komonwelt 333, na nagsususog sa ilang Seksyon ng Batas Komonwelt Blg. 184.
Ang pangalang pambansang Surian ng Wikang
Pambansa ay ginawang Surian ng Wikang Pambansa 1940-Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang talatinigan at isang balarila ng Wikang Pambasa 1940- Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana na ang Pambansang Wikang Filipino ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946 1954- Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamasyon Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon kasaklaw ang kaarawan ni Balagtas. 1955- Nilagdan ng Pangulong Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 ng 1954 na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula ika-13 ng Agosto hanggang ika-19 ng Agosto na kaarawan ni Manuel Quezon, ang ama ng Wikang Pambansa. Proklamasyon blg. 1941- Sinusugan ni Fidel V. Ramos na gawing “Buwan ng Wikang Pambansa ang pagdiriwang tuwing buwan ng Agosto taun- taon. 1959- Pinalabas ni kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad ng kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin. 1967- Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang isang kautusang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
Inatas na ang mga panunumpa sa tungkulin ng
mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay gagawin sa Filipino. 1971-Memorandum Sirkular Blg. 488 na nagbibigay diin sa Proklamasyon Blg. 186 na nag-aatas sa lahat ng tanggapang pampamahalaan na magdaos ng mga palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa. 1976- Nilagdaan ng kalihim Juan Manuel ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 194 na nagsasaad ng binagong tuntunin sa ortograpiyang Pilipino na nagdaragdag sa 20 titik ng Abakada. 1979- Nilagdaan ng Minister ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangministri Blg. 47 na nagtatakdang ang mga mag-aaral na dayuhan sa mga dalubhasa at pamantasan sa Pilipinas ay kailangang makakuha at maipasa ang anim na unit ng Pilipino upang makatupad sa mga pangangailangan sa pagtatapos sa anumang kurso. 1988- Kautusang Tagapagpagganap Blg. 335 Naglagda ang Pangulong Corazon Aquino na nag-aatas sa mga kawanihan/ ahensya ng pamahalaan ng mga hakbang para sa layuning magamit ang Wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon
Pinamunuan ito ng SWP na kalaunan ay
tinawag ng Komisyon sa Wikang Pambansa 1986- Sa Saligang Batas ng 1986, ang wikang pambansa ay itinadhana na tatawaging Filipino gaya sa nakasaad:
Artikulo XIV, Sek 6 “ Ang wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Filipino, samantalang nililianang nito, ito ay dapat payabungin at pagyamanin sa salig na umiiral na wika sa Pilipinas. Pormal na idineklara sa bisa ng Konstitusyon 1986 ang FILIPINO bilang wikang opisyal na wika ng Pilipinas. Ang English ay itinakda ring wikang opisyal, kasama ng Filipino at ang dating Linggo ng Wika ay ginawang “Buwan ng Wika” MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAKIKINIG!