You are on page 1of 16

ESTILO:

PAALALA AT
TAGUBILIN SA
PAGSULAT
=Ano nga ba ang estilo?
=Isang paraan ba ito ng
pagpapahayag?
=Paano mo makilala ang estilo ng
isang manunulat?
= Ano ang magsasabi sa iyo na iyon
na nga ang estilo ng sinumang
kilala o hindi pa?
Estilo- style (paraan
ng pagsulat/pamama-
raan sa larangan ng
pagsulat ng isang
manunulat
Isang sining ang pagsulat, at likhang sining, ang
katha ay bunga ng isang maayos na pagtugon sa
mga katangian ng pagpapahayag. Ang
totoo,madaling makilala ang estilo kung natural na
ang pagkatao ng sumulat, na sinasabing
masisinag sa kanyang likhang sining.
Kaya laganap ang paniwala na ang estilo’y siyang
tao. Pansarili ang estilo, may kakanyahang
pinatitibay ito. Maibubukod mo ang isang
manunulat sa iba dahil sa estilo niya sa pagsulat
Napakikilala mo ba ang Esti-estilo ng Nababasa Mo?

1.Itinatakda ng sariling pagpapakahulugan sa mga


kahingian ng kanyang susulatin ang estilo.

- maaaring iisa ang paksa na susulatin ng mga


manunulat, subalit ang pagtalakay doon ay pansarili ng
bawat isa sa kanila. Ang pagtalakay sa paksang
gramatika, ang pananalita, ang pagpapakahulugan, ang
bantas, ang baybay, ang tradisyon sa pagsulat na
magtatakda ng kani- kanyang kahingian-ay pasiya ng
manunulat.isang kaanyuan ng pagpapahayag ang
kabuuan ng mga pasiya sa pagtalakay at sa kasunod na
pagsulat at pagbuo sa katha.
2. May mga pansariling tatak ang mga pasiya ng isang
awtor
tungkol sa pagsulay niya.

-May makikita tayong matipid sa kanyang pangungusap.


May sagana. May masigla. May tahimik. May masigabo. May
mahinay.

May babaeng- babae and dating sa iyo.May lalaking –lalaki


naman. Sa madaling sabi , sarili ng manunulat ang
sinasabing
estilo.Siya ikaw at ako ang estilo
3. Tiyakin at linawin ang layunin sa pagsulat.

-kung malinaw ang layunin, magiging malinaw rin ang


pagsusulat.Ang malinaw na pagsulat ay may angkop at
matatag na dating o bisa sa iyong mambabasa. Maanyo ang
malinaw na pagsulat.
-sa ganito, kailangang kilalang kilala ng sumusulat ang
kanyang paksa, tulad ng detalye o impormasyong
nagkakaloob ng sigla at liwanag sa pagsulat.
-tiyak at maliwanag ang layunin ng awtor na naglalarawan
sa kanyang pagsasalaysay.
4. Maging mapagpasiya sa pagsulat
-Magiging tiyak at malinaw ang pagsulat kung
magiging mapagpasiya ang sumusulat. Kung may
gagawing pahayag, opinion, mungkahi o puna, tiyakin
ito. Huwag magpaliguy ligoy. Kung hindi ka nakatitiyak
sa iyong ipahahayag, huwag munang gawin iyon.
Iwasan ito:
- Ipinalalagay ng marami na magaling na bumili
nang pakyawan kaysa tingian.(kung isang palagay,
sulatin mong Ipinalalagay ko….at saka mo
patunayan.)
- Maaring sabihin na o Ipinangangalandakan ng
ilang tao. Sabihin na kung sasabihin. Huwag
magpatumpik-tumpik.
5. Sunod sa layunin, tiyakin ang ibig patunayan o
ibig sabihin.
- Paksa ng maanyong pagsulat ang karanasan at
kalikasan ng tao, isang paksa iyon na kalulugdan
ng mambabasa sapagkat may nadama agad siya
na pagkakaugnay roon.
- Hahagilapin ngayon ng matinong manunulat sa
kanyang karanasan ang katotohanan at
pagpapahalaga na ipinalalagay niyang mabisa para
sa lahat.Ang kanyang katotohanan at
pagpapahalaga ang maaaring tumayong tesis ng
kanyang sinusulat- anuman ito
tula, kwento , dula, nobela, sanaysay
Palaging may tutugon sa kanyang layunin
TESIS - ang tawag sa isang pahayag na nabuo
bunga ng isang makabuluhang tanong. Isa iyong
katanungan na may sagot na ipinauunawa ng
manunulat sa kanyang mambabasa. Ano’t anuman
dapat patunayan at patibayin ang tesis
-Hinihingi ng maanyong pagsulat ang isang
matatag na tesis sa pagsulat, tesis ang
magsisilbing gabay sa tutunguhin ng sinulat mo.
- Isang paksang pangungusap , kung baga sa
isang parapo, ang tesis. Kung ano ang paksang
pangungusap sa isang parapo, siya namang tesis
sa buong komposisyon.
6.Hinihingi ng maanyong Pagsulat
ang angkop na tono o himig.
-Isunod sa hinihinging tono ng paksa
at ng mambabasa ang himig na
gagamitin mo.
- Personal at palagayan ang tono ng
mga pangungusap kung personal at
palagayan ang paksa. Seryoso at
pormal ang tono naman kung seryoso’t
pormal ang paksa.
7. Kilalaning mabuti ang mga salitang
gagamitin.
- Hinihingi ng maanyong pagsulat na alam na
alam mo ang iyong paksa, kung ano ito at ang bisa
at dating nito sa iyo at lalo na, sa iba. Matapos
mong matiyak ang layunin at saka ang tono sa
pagsulat, makabubuti kung kilalang-kilala mo ang
mga salitang dapat mong gamitin.
a. Alalahanin mo na may katuturan ang
bawat isang salita; katuturang lantad , ang
alam ng marami o ang mababasa sa
diksyunaryo at saka kubli na maaring
Pansariling pagpapakahulugan.
b. Makatutulong sa pagkilala sa mga salita
ang tiyak na pag-uuri sa mga tao.
Sa pamimili natin ng paksa, humuhugot
tayo sa daloy ng mga karanasan ng mga
nauri na natin- kung makabuluhan , walang
halaga, matatag, mabuway, marikit, pangit,

c. Sa pagbibigay ng katuturan,
makatutulong ang maipakita na nagkakaisa
o nagkakasalungat kaya ang mga katangian
ng isang bagay o kaganapan.
d. Makalilinaw din sa salita ang bigyan ito ng
halimbawa.
- sa karaniwang usapan maaring kapusin tayo sa salita at
ang naipantatakip ay yaong mga panghalip na ano at
kuwan. Makatutulong sa ikaayos ng pagsulat ang
mapalawak ng paghahalimbawa ang iyong nalalaman sa
salitang ginagamit mo.
- ang bawat isa sa atin, gaya ng nalalaman ng lahat ay
may kani kaniyang likas na ugali, likas na hilig, likas na
pangarap at damdamin. At napapansin ko na kung alin ang
siyang likas ay siya nating ginagawa, o sinasabi o
ipinapakita at diyan naman nahahalata ang tunay na halaga
natin, diyan din naman natin natatamasa ang lubusang
ligaya.
8. Iwasan ang mabisa na damdamin. Magtimpi

Tuwina isipin na may dahilan ang anumang tindi


ng damdamin na ipapahayag mo. Kailangang
sumapit sa mambabasa ang tamang bisa ng
anumang damdamin-tuwa o galit, pagdiriwang o
himutok . Ulit magtimpi. Kontrolin ang damdamin.
Makabubuting tumigil sa pagsusulat kung may
matinding damdamin- lalo nanggagalaiti ka sa galit
o nagkakanliliyad ka sa tuwa. Magsulat ka kapag
maluwag na ang kalooban mo.
Salamat

You might also like