You are on page 1of 10

Bagong

Kapitbahay,
Bagong Kakilala
Kilala ang pamilya Alfonso sakanilang
lalawagian bilang pamilyang masaya,
matutulungin, at palabati. Ang kanilang
mga anak ay masisispag at matatalino.
Kahit malayo sa kanilang bahay ang
kanilang paaralan na kanilang
pinapasukan ay hindi sila lumiliban sa
klase. Tuwang-tuwa sa kanila hindi
lamang ang mga guro kundi pati ang
kanilang mga kapitbahay. Marami silang
mga kaibigan.
Tubong Bataan sina G. at Gng. Alfonso
kaya nakapagtrabaho ang mga mag-asawa
sa pagawaan ng mga mantika. Sa isang
barangay ng mga katutubosila nainirahan.
Natuto sila sa kanilang mga kabarangay ng
pagtatanim, pagaalaga ng hayop,
paguuling, at pangingisda sa ilog at sapa.
Masaya at masagana ang kanilang buhay
kahit mababa lamang ang sahod ng
kanilang ama ng tahanan.
Isang araw, humahangos na dumating ng
bahay si G. Alfonso na kailangan nilang
lumipat sa isang tirahan sa lungsod.
Binigyan siya ng mataas na posisyon sa
kanilang trabaho. Pamumunuan niya ang
isa pang pagawaan sa lungsod at libre ang
kanilang magiging tirahan. Bukod pa rito
ay tataasan din ang kanyang sahod.
Ang Komunidad na paglilipatan nila ay
kakaiba dahil sa dami ng mga taong
nakikibaka sa hirap ng buhay. Maraming
tagalalawigan ang nakikipagsapalaran sa
lungsod. Kahit anong trabaho ay kanilang
tinatanggap upang mabuhay sa
lungsod.Kahit anong trabaho ay kanilang
tinatanggap upang mabuhay. Hindi lingid
sa kaalaman ng mag-asawa na higit na
mahirap ang buhay sa lungsod kaysa sa
nayon.
Ito ay pinapatunayan ng kanilang mga
kamaganak na galing sa lungsod at
ngayon ay masayang naninirahan sa
nayon. Dito ay nakapagtatanim sila ng
mga halaman, gulay, at puno. Nakapag-
aalaga pa sila ng mga hayop gaya ng
bibe, manok, kambing at baboy, at
baka. Kaunti lamang ang
napaglilibangan ng mga tao rito kaya
hindi sial magastos at simple lamang
ang kanilang pamumuhay.
Samantalang sa lungsod ay uupa sila ng
bahay, di gaanong nakakapagtanim ng
mga halaman, at di maaring magalaga
ng hayop ngunit marami namang
mapaglilibangang sinehan, mall at
parke. Matapos mapaghambing ng mga
maganak ang ikabubuti ng kanilang
pamumuhay ay nagpatulong
magdesisyon ang ama sa mga anak kung
tatanggapin ang alok ng kompanyang
pinaglilingkuran.
Pawang pinag-iisipan nang mabuti ng
mag-anak ang magiging desisyon . Sa
bandang huli, buong puso silang
nagkaisa na sila ay lilisan sa baranggay
na kinagisnan. Titira at mamumuhay
sila sa lungsod gaya ng alok ng may-ari
ng kompanya kay G. Alfonso.
Hindi nga nagtagal, lumipat na ang
pamilyang Alfonso sa Quezon City.
Bago sila sa lugar na ito kaya naman
bago rin ang kanilang mga kapitbahay.
Malaki ang pinagkaiba nito sa
kanilang pinanggalingan. Kung sa
nayon ay halos magkakakilala ang
mga magkakapitbahay, sa lungsod ay
ibang-iba. Nakakilala sila ng bagong
kapitbahay na sina G. at Gng. Reyes.
May dalawang anak na kasing edad
ng kanilang mga anak. Mababait ang
mga nadatnang kapitbahay at madali
nilang nakapalagayan ng loob.
Itinuro ni G. at Gng. Reyes ang mga lugar
sa bagong komunidad nila gaya ng
simbahan, talipapa, sakayan ng jeep, at
ang paaralan na maaring paglipatan nila.
Kaagad na naging magkakaibigan ang mga
kapitbahay na nadatnan nila. Bagong
kapitbahay man ang mag-anak na
alfonso, pihadong magiging masaya sila
sa bago nilang pamayanan sanhi ng
kanilang kabaitan.

You might also like