You are on page 1of 19

• Layunin

• Maisa-isa ang mga pangatnig at pang-ukol


• Magamit ang mga pang-ugnay sa pagbuo
ng komunikasyon
• Makapagsalaysay ng berbal na paghanga sa
mga Pinoy na nagbibigay ng karangalan sa
ating bansa.
GUESS the TOOOOOOOT
Pangatnig –
ang tawag sa mga kataga o salitang nag-
uugnay sa dalawang salita,parirala o sugnay na
pinagsunud-sunod sa pangungusap.
•Halimbawa ng Pangatnig na nag-
uugnay ng
SALITA sa SALITA
Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay
puspusang isinasagawa ng mga
tagapagpatupad ng batas.

ang at ay pangatnig na nag-uugnay sa


mga salitang bisyo at krimen
Halimbawa ng Pangatnig na nag-uugnay ng PARIRALA

Ang pag-aalaga ng mga hayop at


pagtatanim ng mga gulay ay
mabisang pandagdag sa kinikita.

Ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng mga


pariralang pag-aalaga ng mga hayop at
pagtatanim ng mga gulay
Halimbawa ng Pangatnig na nag-uugnay ng
SUGNAY

Ang ama ang haligi ng tahanan


at ang ina ang puso nito.

Ang pangatnig na at ay nag-uugnay sa


dalawang sugnay. Ang unag sugnay ay
Ang ama ang haligi ng tahanan at ang
ikalawa ay ang ina ang puso nito
dalawang panlahat na pangkat ng PANGATNIG

1. Nag-uugnay ng
MAGKATIMBANG na yunit at
2. Nag-uugnay ng
DI-MAGKATIMBANG na yunit
UNANG PANGKAT

Ang mga pangatnig na ito ay nag-


uugnay ng mga salita,parirala at
sugnay na MAGKATIMBANG o mga
sugnay na kapwa makapag-iisa
at, pati, saka, o, ni,
maging,ngunit at subalit
IKALAWANG PANGKAT
Ang mga pangatnig na ito ay nag-
uugnay ng mga ng dalawang sugnay
na HINDI TIMBANG.
kung, nang, bago, upang, kapag/pag,
dahil sa,
sapagkat at palibhasa.
PAG-UURI NG PANGATNIG
1. mga pangatnig na pamukod;
o, ni, at maging
2. pangatnig na na paninsay;
ngunit, subalit, datapwat, habang at bagamat
3. pangatnig na panubali ; kung, kapag
4. pangatnig na pananhi;
dahil sa, sapagkat at palibhasa
5. pangatnig na panlinaw;
kaya, kung gayon, at sana
PANG-UKOL
kataga ,salita o pariralang
nag-uugnay ng isang
pangngalan sa iba pang salita
sa pangungusap.
PANG-UKOL
Alinsunod sa/alinsunod kay
Ayon sa/ayon kay
Hinggil sa /hinggil kay
Kay/kina
Laban sa/laban kay
Para sa/para kay
Tungkol sa/tungkol kay
Ukol sa/ukol kay
https://www.youtube.com/watch?v=RtWdfxRH-MA&t=1s
PANGKATANG GAWAIN
Magsalaysay hinggil sa kahanga-
hangang Pinoy. Bumuo ng isang obra na
nagpapakita ng inyong paghanga sa
kanyang mga nagawa at sakripisyo na
kapag narinig ay mag-iiwan ng aral sa
puso ng bawat isa. Gamitan din ito ng
mga pang-ugnay ( pang-ukol at
pangatnig) at ito ay bilugan sa loob ng
obrang nilikha.
.

Suplayan ng angkop na mga pangatnig ang mga sumusunod sa sugnay, parirala at pangungusap

1. Ang wastong dami, wastong uri ng pagkain ay nagdudulot ng


kalusugan.
2. Ikaw , ang iyong mga anak ang magdurusa kung napakalaki ng
iyong pamilya.
3. Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos, ang nagkasala
ay nagsisisi.
4. Sundin mo ang mga utos ng Diyos, magtamo ka ng biyaya sa
langit.
5. Nagkakaroon ng maraming kaibigan ang tao, hindi siya
marunong mandaya.
Mga kasagutan!
1. Ang wastong dami AT wastong uri ng pagkain ay nagdudulot ng
kalusugan.
2. Ikaw O ang iyong mga anak ang magdurusa kung napakalaki ng
iyong pamilya.
3. Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos KUNG ang
nagkasala ay nagsisisi.
4. Sundin mo ang mga utos ng Diyos UPANG magtamo ka ng biyaya
sa langit.
5. Nagkakaroon ng maraming kaibigan ang tao KAPAG hindi siya
marunong mandaya.
• Bumuo ng makabuluhang
pangungusap batay sa mga sumusunod
na pangatnig.
•kung gayon
•ngunit
•saka
•o /ni
•subalit
GRACIAS

You might also like