You are on page 1of 32

Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahan

na:
1. Natutukoy ang mga ekspresyong hudyat sa kaugnayang lohikal;
2. Gamitin nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta).
3.Gamitin sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga).
4. Pahalagahan ang pagtamo ng karunungan sa pamamagitan ng
pagsasaalang-alang ng mga araling tinalakay.
MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG
LOHIKAL AT MGA EKSPRESYONG HUDYAT
Kaugnayang Lohikal
• Ito ang mga konseptong higit na nagiging
makahulugan kapag ito ay pinagsasama. Ang
mga halimbawa nito ay ang dahilan at bunga,
layunin at paraan, paraan at resulta, at
kondisyon at bunga
Dahilan at Bunga
• Ito ay nagpapahayag ng isang dahilan ng
pangyayari. Ang bunga naman ay ang
nagsasabi kung ano ang naging resulta nito.
Dahilan at Bunga
• Si Taylor ay naglaro ng volleyball sa loob ng silid-
aralan, kaya natamaan niya ang kaniyang kaklase.
• Dahilan: Si Taylor ay naglaro ng volleyball sa loob
ng silid-aralan
• Pang-Ugnay: kaya
• Bunga: Natamaan niya ang kaniyang kaklase.
Dahilan at Bunga
• Ang mga pangatnig na sapagkat, pagkat,
palibhasa, dahil kasi, kaya, dahil, bunga,at iba
pa ay madalas na gamitin sa ganitong pahayag.
Paraan at Layunin
• Ipinapakita ng relasyong ito kung paano
makakamit ang isang layunin sa tulong ng
isang paraan.
Paraan at Layunin
• Lumuwas siya ng Maynila, upang maghanap
ng trabaho.
• Paraan: Lumuwas siya ng Maynila
• Pang-Ugnay: upang
• Layunin: Maghanap ng trabaho
Paraan at Layunin
• Ang mga pang-ugnay na upang, para, nang at
iba pa ay gamitin sa ganitong pahayag
Paraan at Resulta
• Nagpapakita ang relasyong ito kung paano
nakukuha ang resulta.
Paraan at Resulta
• Sa pagkakaisa at pagtutulungan, naipanalo ng
8-St. Luke ang paligsahan.
• Paraan: Sa pagkakaisa at pagtutulungan
• Resulta: Naipanalo 8-St. Luke ang paligsahan
Paraan At Resulta
• Nagsasaad kung paano nakuha ang resulta.
Ang pang-ugnay na sa ay karaniwang
ginagamit sa ganitong pahayag.
Kondisyon at Bunga
• Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang
paraan: Una, tumbalik o salungat sa
katotohanan ang kondisyon at ikalawa,
haypotetikal ang kondisyon.
Kondisyon at Bunga
• Salungat sa katotohanan ang kondisyon
• Kung inagahan mo ang pagpunta, nakakuha ka
sana ng pagsusulit.
• Kondisyon: Kung inagahan mo ang pagpunta
• Pang-Ugnay: kung
• Bunga: Nakakuha ka sana ng pagsusulit
Kondisyon at Bunga
• Salungat sa katotohanan ang kondisyon
• Wala ka sanang sugat ngayon kung nag-ingat
ka lamang.
• Kondisyon: Kung nag-ingat ka lamang
• Pang-Ugnay: kung
• Bunga: Wala ka sanang sugat ngayon.
Kondisyon at Bunga
• Haypotetikal ang kondisyon
• Kapag maganda ang panahon bukas, pupunta
tayo sa perya.
• Kondisyon: Maganda ang panahon bukas
• Pang-Ugnay: Kapag
• Bunga: Pupunta tayo sa perya
Kondisyon at Bunga
• Ang mga pang-ugnay na kung, kapag, sana,
sakaliay maaaring gamitin sa pahayag na ito.
MGA SALITANG GINAGAMIT
SA IMPORMAL NA
KOMUNIKASYON
• Ang mga salitang karaniwang ginagamit at
palasak na ginagamit sa mga pang-araw araw
na pakikipag-usap at sa mga kakilala at
kaibigan ay kabilang sa impormal na salita
Lalawiganin
• Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng
pook na pinaggagamitin nito
• Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita,
bukod sa iba ang bigmas, may kakaiba pang
tono ito.
Lalawiganin
Tagalog Ilokano Cebuano Bikolano
Kanin Inapoy Kan-on Maluto
Alikabok Tapok Abug Alpog
Ibon Bilit Langgam Gamgam
Kaibigan Gayyem Higala Amiga
Balbal
• Ang mga salitang ito ay tinatawag sa ingles na
slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi
tinatanggap ng mga matatanda at may mga
pinag-aralan dahil hindi raw magandang
pakinggan.
• Ang mga tawag sa salitong ito ay salitang kanto o
kalye.
Balbal
PORMAL BALBAL
Nanay Mudra
Tatay Erpat
Sigarilyo Yosi
Matanda Gurang
Kolokyal
• Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan ngunit may
kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may
anyong repinado at malinis ayon sa kung sino
ang nagsasalita.
Kolokyal
PORMAL KOLOKYAL
Nasaan Nasan
Kani-kaniya Kanya kanya
Tayo na Tana
Piyesta Pista
Saan San
Aywan Ewan
Banyaga
• Ito ay mga salitang mula sa ibang wika
• Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika,
teknikal, pang-agham, simbolong
pangmatematika, o mga salitang banyagang
walang salin sa wikang Filipino
Banyaga
Miting Meeting

Dyip Jeep
Dayari Diary
Keyk Cake
Bilib Believe
Byahe Viaje
Kalsada Calzada
Kahon Cajon
Activity
• 1. Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: Una,
tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon at ikalawa,
haypotetikal ang kondisyon.
• 2. Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang
resulta.
• 3. Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang
isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan.
• 4. Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang
pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang
resulta nito.
• 5. Ang gusto ni Taylor ay may gustong iba, kaya siya ay
malungkot.
• 6. Mga salitang ginagamit sa araw araw na pakikipag-
talastasan.
• 7. Tinatawag na slang.
• 8. Salitang kalye.
• 9. Mga salitang mula sa ibang wika.
• 10. “Tanungin mo nga si basahan kung kelan tayo pupunta
sa mall”
• 1. Sa iyong sariling opinyon bilang isang
Pilipino, bakit kailangang pag-aralan natin ang
kaugnayang lohikal at ano ang kinalaman nito
sa iyo bilang isang Pilipino?
2. Para sa iyo, paano nakatutulong ang
kaugnayang lohikal sa atin upang mas makilala
pa natin ang kultura nating mga Pilipino?
• 1. Kondisyon at Bunga
• 2. Paraan at Resulta
• 3. Paraan at Layunin
• 4. Dahilan at Bunga
• 5. Dahilan at Bunga
• 6. Kolokyal
• 7. Balbal
• 8. Balbal
• 9. Banyaga
• 10. Kolokyal

You might also like