You are on page 1of 25

IKALAWANG MARKAHAN

Araling Panlipunan 8
Quarter 2 Week 2

Guro: G. Bryan Sanguyo


LET’S HAVE
AN CTIVITY
‘DI BA TEH
1. Ang klase ay mahahati sa dalawang grupo.
2. Matapos maipakita ng guro ang paksang pagdedebatihan ay
bubunot ang mga lider ng kani-kanilang panig na dapat
ipagtanggol o pangatwiranan.
3. Mayroong 3 minuto ang bawat grupo upang buuin ang
kani-kanilang argumento. Matapos nito, magsisimula ang
debate kung saan ang bawat panig ay mayroong 1 minuto
upang depensahan ang kanilang panig at mayroong 1
minute ang kabilang grupo upang mag-rebut.
4. Ang aktibidad na ito na ay nangangailang ng malalim na
pag-unawa sa paksa at masidhing pagbabahagi ng maayos
at malinaw na pagpapaliwanag.
DIVORCE
PAGGAMIT NG
CELLHONES O
GADGETS SA KLASE
ONLINE LEARNING
O TRADITIONAL
LEARNING
MANDATORY ROTC
PAGBABA NG
CRIMINAL AGE OF
RESPONSIBILITY SA
12 TAONG GULANG
PAGIGING LEGAL
NG MARIJUANA SA
BANSA
PAGBA-BAN SA
HOMEWORK O
ASSIGNMENTS
PAGKAKAROON NG
COLLEGE DEGREE
NG ISANG OPISYAL
NG PAMAHALAAN
DEATH PENALTY
DRUG ADDICTS:
TUTULUNGAN O
PAPARUSAHAN?
LET’S HAVE AN ACTIVITY!
LET’S HAVE AN ACTIVITY!

TOWER OF
LEADERSHIP
• Isa sa mga naging dahilan ng
pagkakaroon ng kaunlaran sa
Imperyong Romano ang
TOWER OF LEADERSHIP pagkakaroon ng mahusay na
pinuno, pagkakaisa at
pagtutulungan.
• Gamit ang mga drinking
straw at tape, gumawa ng
isang tore na magiging
simbolo ng kalakasan at
katatagan ng inyong
imperyo.
• Nasa inyong personal na
pagpili ang magiging laki,
sukat at disensyo nito.
PAALALA:
Siguraduhin na ang
gagawin ninyong Tore
ay MATIBAY!
SINAUNANG ROMA
• Ang Roma ay itinatag sa lugar na may pitong burol;
Aventine, Capitoline, Caelian, Esquiline, Quirinal,
Palatine at Viminal.
• Ang mga Latin na siyang nagtatag ng Roma ay mga
magsasaka at pastol, Tinawag ang kanilang lupain na
Latium.
• Sila ay kadalasang nakikipaglaban sa iba pang Latin
upang makontrol ang kanayunan. Nakikipaglaban rin
sa mga Phoenician at Griyego.
SINAUNANG ROMA
• Ang mga Etruscan na dumating sa Italy galing Asia
Minor ang nakaimpluwensiya sa mga Romano. Dito
nakuha ng mga Romano ang kanilang alpabeto,
paniniwala at kasanayan sa paggawa ng mga gusali.
• Pinatalsik ng mga Romano ang huling hari ng mga
Etruscan na si Tarquinis Superbus at itinatag ni Lucius
Junius Brutus ang isang republika na kung saan ang
lahat ng mamamayan ay may karapatan na bumuto ng
kanilang gusto.
SINAUNANG ROMA
• Ang republika ay galing sa salitang “Res Publican” na
nangangahulugang “ugnayang pampubliko” o “public
affairs.”
• Sa relihiyon, ginaya nila ang mga diyos ng mga
Griyego. Binigyan lamang nila ng ibang pangalan at
karamihan ay para sa kagandahan, agrikultura, at
buhay. Vesta (Diyos ng Apoy), Janus (Diyos ng
Panimula at Lagusan), Jupiter Optimus Maximus o
Jupiter (Diyos ng Kalangitan) atbp.
PAMAHALAANG ROMANO
• Ang mga Romano ay pumili ng dalawang konsul
upang mapigilan ang pang-aabuso sa kapangyarihan
ng bawat isa. Ito ay pinipili kada taon at may
tungkuling kahalintulad ng hari.
• Mayroon din silang konseho na binubuo ng 300
miyembro ng patrician. Ang bawat konsul ay may
kapangyarihan na mag-veto o tumanggi sa batas.
• Ang Senado ang pinakamakapangyarihan sa republika.
Ito ay binubuo lamang ng mga patrician o maharlika.
PAMAHALAANG ROMANO
• Kontrolado ng Senado ang ingat-yaman at ugnayang
panlabas ng mga Romano. Sa oras ng krisis, maaari
silang magtalaga ng diktador na siyang papalit sa
konsul. Tatagal lamang ng anim na buwan ang
panunungkulan.
• Legion- Isang hukbo na nagmula sa pagsasanay ng
mga patrician sa mga plebeian upang maging
mandirigma.
PAMAHALAANG ROMANO
• Unti-unting nagbago ang pamahalaang Romano sa
kanilang pangangailangan. Nanatili ang kapanyarihan
at karangalan ng Senado ngunit pinalitan ang
Asambleya ng Assemblia Centuries na binubuo ng
buong hukbong Romano at Assembly of Tribes na
binubuo ng mga plebeian. Ito ay may halal na tribune
na siyang magsasalita para sa kanilang
pangangailangan.
PAMAHALAANG ROMANO
• Twelves Tables- Isang grupo na binubuo ng 10 opisyal
ang sumulat ng mga batas ng Roma. Nakaukit ito sa 12
tablet at isinabit sa Forum. Ito ang naging sandigan ng
mga batas Romano. Nalutas nito ang alitan sa pagitan
ng plebeian at patrician.

You might also like