You are on page 1of 4

Nairo, Kelvin, Nash: Ma, Pa, pwede po ba kaming lumabas kasi po birthday ng kaibigan namin,

babalik po kami mamayang 7 ng gabi.

Kayleigh at Seth: Okay mga anak ito ang susi sa kotse, mag-ingat kayo at bumalik mamayang
alas- syete ng gabi.

( Dumating na sa party )
Nales at Loydie: Oy mga pre dumating kayo, Welcome sa birthday party ni Axel!

Nairo, Kelvin, Nash: Oo nga e ang tagal ng byahe inabot kami ng limang oras.

Nales at Loydie: Nako late na kayong dumating alas-singko na, baka pwede kayong magpalate ng
uwi oh? Kahit mga 10 na siguro ng gabi? Ayos ba?

NKN: Sige magpapaala-

Nales at Loydie: Nako wag na baka di pa kayo payagan

NKN: Mapapagalitan kasi kami eh..

Nales: Nako hindi yan, tara na inom na tayong alak

NKN: Okie

*Nakalipas oras*

NKN: Uuwi na kami ha, salamat ulit ha

Loydie: Salamat din, ingat

*Pag-uwi sa bahay*

Kayleigh at Seth: Mga anak, anong oras na, napakalate na, maghahatinggabi na, ang usapan diba
alas-syete lang? Bakit ngayon lang kayo?

NKN: Sorry po ma at pa, si nales po kasi sabi magtagal daw po muna kami doon at nung
magpapaalam po kami sa inyo kinuha po niya yung cellphone ko

Kayleigh at Seth: Oh sige mga anak pinapatawad ko na kayo basta sa susunod sundin nyo yung
sasabihin naming oras ha, nakakabastos kasi.

NKN: Okay po,salamat

*Nakalipas ang 2 araw*


NKN: Ma pwede po ba kami pumunta sa mall, uuwi po kami bago mag 2 ng hapon, promise po

Kayleigh: Okay anak, ingat, promise yan ha

NKN: Tara punta tayo sa mall, total malapit na rin naman ang birthday ng nanay natin.

Nales: Sama ako

Loydie: Ako din

NKN: Okay tara

*Nagpunta sa mall*

NKN: Bibili kami ng bagong cellphone kasi sira na yung cellphone ni nanay

Loydie at Nales: O sige, eto pera, tulong na namin dyan at birthday gift na rin sa nanay mo

NKN: Bibilhin po namin tong cellphone na to, salamat po

NKN: Uwi na tayo

*Umuwi*

NKN: HAPPY BIRTHDAY PO MAMA!

Kayleigh: Salamat mga anak. *Hinug*

NKN: Happy Birthday To you 🎵

NKN: Eto po ang aming regalo sa inyo, cellphone po para po hindi na kayo mahirapan sa luma
ninyo

Kayleigh: Nako mga anak, sana di na kayo nag abala pero salamat ha, na appreciate ko to *Hinug
ulit*

NKN: Okay po nay

NKN: Tandaan niyo na dapat igalang ang kanilang kagamitan tulad ng hindi pagbasag o pagsira
ng mga bagay na ipinundar nila.

Loydie at Nales: Tama.

*Nakalipas ang 4 araw*


Kayleigh at Seth: Punta tayo sa simbahan para makinig sa turo ng Diyos

NKN: Opo nga po, baka po nandoon din si lolo

Kayleigh at Seth: Oo nga no, sige gumayak na kayo

*Gumayak*

NKN: Nandito na tayo sa simbahan! Yey!

Kayleigh at Seth: Halika na mga anak tara na sa loob

NKN: Nay si lolo!!

Kayleigh at Seth: O magmano kayo ha

NKN: *Nagmano kay loydie*

NKN: Lolo pwede po ba kayo magbigay ng payo sa pag aaral?

Loydie: Simple lang mga apo, magaral nang mabuti at makinig nang mabuti sa guro ninyo.

NKN: Salamat po lolo

*Yari na ang misa*

NKN: Yari na po ang misa, umuwi na po tayo

Kayleigh at Seth: Tara na mga anak

NKN: Ma, may pulubi doon, pwede po ba namin bigyan ng pagkain

Kayleigh: Okay mga anak ito ang ibigay mo sandwich

NKN: *Binigay kay Nales ang sandwich*

NKN: Tara na uwi na tayo

*Umuwi*

Kayleigh at Seth: Mga anak, sa araw na ito libre ang lahat na magsabi ng kahit anumang reklamo
tungkol sa aming 2. Kumbaga ito ay magiging isang bukas na komunikasyon
NKN: Ayaw po namin sa masyadong striktong patakaran niyo po tungkol sa mga cellphone
namin dahil kailangan din po namin ito para sap ag-aaral

Kayleigh at Seth: Iyan lang ba mga anak?

NKN: Opo

Kayleigh at Seth: Dahil mabuti naman kayong mga anak, pagbibigyan ko kayo sa gusto niyo at
hindi na namin kukunin ang cellphone ninyo tuwing gabi.

NKN: Salamat po talaga

LAHAT: Importante ang paggalang sa mga magulang, matatanda at may awtoridad Dahil nagsisimbolo
din ito na minamahal mo at nirerespeto mo ang kapwa-tao. Nagpapakita rin ito sa ating mga ugali. Kung
wala tayong paggalang, posible na ang iyong buhay ay mapunta sa panganip.

You might also like